Chapter 31 - Milk

14.2K 837 60
                                    

POV Sienna

Time: 10:00 PM (Saturday)


Tulog na ang lahat pero di pa din ako dinadalaw ng antok. Sinubukan kong bumangon at maghanap ng gatas sa fridge, baka sakaling antukin ako. Pagkainom ng gatas, babalik na sana ako sa living room pero may anino na nakatayo sa di kalayuan.

Dahan dahan akong umatras palayo sa anino na unti unti naman na lumalapit sakin. Bumangga ang likod ko sa malaking French door na fridge at wala na ko aatrasan.


"Sienna, ano ginagawa mo dito sa kusina?" tanong ni Herschel sabay bukas ng ilaw sa kitchen.

"Herschel? Haay, kala ko kung sino," sabay hawak ko sa dibdib ko sa sobrang kaba.

"Ano akala mo, multo? Gutom ka na naman ba?" tanong niya na unti unti pa rin lumalapit sa akin.

"Hindi ako makatulog. I hope you don't mind, binawasan ko yung milk mo."


Tumango lang siya uli sa akin na walang kahit anong emosyon ang mukha. Minsan di ko mabasa iniisip nitong si Herschel. Di ko alam kung masaya siya or malungkot. Minsan naman ang lakas mang-asar at minsan naman parang galit.


"Sienna, sorry kanina," mahinang sabi ni Herschel.


Sorry? Nagsosorry si Herschel Rivera sa akin? Nasa ibang parallel dimension ba ako?


"Sorry saan? Be specific, Herschel. Ang dami mong kasalanan na ginawa sa akin eh!" sabi ko sa kanya dahil di naman marunong mag sorry ang lalaking ito kahit kailan.

"Muntik ka nang mapahamak kanina sa parking lot nung inutusan kita," pabulong niyang sabi na parang nahihiya sa pag sosorry.

"Niligtas mo naman ako, quits lang tayo. Kung wala ka dun, baka nakain na ko ng zombie. Bakit di ka pa tulog? Gusto mo din ng milk?"


Di siya sumagot pero unti unting humahakbang palapit sa akin. Wala na din naman ako aatrasan dahil ang likod ko ay nakasandal na sa fridge.

"Gusto mo ba ng milk? Kukuha kita ng baso, wait lang," sabi ko kay Herschel habang umiiwas sa kanya pero biglang hinarang niya ang braso niya para di ako makaalis sa kinalalagyan ko.

"What if ikaw ang gusto ko, instead of milk?" mahinang sabi niya sa akin.

"Sinapian na naman ba ng demonyong maharot?"

"You can say that," he whispered and I am certain that he will kiss me this time, pero biglang namatay ang ilaw.


Napakapit ako sa damit ni Herschel ng wala sa oras. Wala akong kahit isang liwanag na nakikita, puro kadiliman. Tanging ang liwanag ng buwan sa may garden ang naaninag ko.

Naramdaman ko na lang ang dalawang palad ni Herschel sa mukha ko. He is cupping my face at alam ko, napakaliit na lang ng pagitan ng mga labi namin sa mga oras na ito.


"Sienna, do you know that I want to kiss you right now?" mahina niyang sabi sa akin.


Eh bakit mo pa sinasabi? Dapat ginagawa yan!


"But you can't because you have a girlfriend, tama ba?"

"Where did you get that idea?"

"Herschel, may tenga ko. Alam ko na may nakaka date ka na girls from Claire Seymour College."


Claire Seymour College is not just an ordinary school. It is an all-girl school that is focused in music and arts. Karamihan sa mga estudyante dito ay mayaman.


"Stalker ka pala, Sienna. Kailan ka pa naging interesado sa lovelife ko?" tanong ni Herschel while gently brushing my lips using his thumb.

"Di ako interesado sa lovelife mo. May sarili kong lovelife."

"Sino tinutukoy mo? Yung nanliligaw sayo class representative ng section two na si Randolf Dela Rosa?"


Kung paano nalaman ni Herschel na nanliligaw sa akin si Randolf, hindi ko din alam. Kahit kay Jordan ay hindi ko nababanggit si Randolf. Si Kio lang ang may alam na nanliligaw si Randolf sa akin and I doubt na sasabihin niya ito kay Herschel.


"How did you know about, Randolf?"

"I have seen you with him malapit sa chapel. Binigyan ka niya ng chocolates and a fucking love letter. How cheesy can he get?"

"Sino kaya ang stalker sa ating dalawa? Ikaw yata ang interesado sa lovelife ko eh!"

"I don't care about him, Sienna. As far as I know, he already stopped courting you."


Ilan months na lang at gagraduate na ako. Randolf is a smart guy and a gentleman. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, I can give him a chance. Kaso bigla akong iniwasan ni Randolf sa di ko malaman na kadahilanan.


"Randolf is clearly avoiding me lately. Do you have something to do with it, Herschel?"

"One day, he is courting you and the next thing you know, he is avoiding you. What do you think happened, Sienna?" tanong niya sa akin sabay hawak sa chin ko.

"You must have told Randolf some nasty lies about me para maturn-off siya. Tama ba?"

"I just told him that the Vice President is for the President alone."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Someday you'll know. Matulog na tayo. Kailangan mo magpahinga," sabi ni Herschel sabay hila sa braso ko papunta sa living room.


Kung ano man ang ibig sabihin ni Herschel, malamang sa matagal na panahon ko pa malalaman ang sagot... 



---

Please don't forget to click Like/Vote and kindly leave your Comments, suggestions and violent reactions...

- CC Summers 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon