Chapter 99 - Thirty

9.2K 362 2
                                    

POV Sienna

Time: 9:45 AM (Thursday)


Pag-alis ni Jordan at ni Herschel, nagsimula ng kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa loob ng thirty minutes.

Nakabukas ang laptop ni Kio at ang dalawa pang laptop ni Herschel. Wala kaming visibility sa mga nangyayari hanggang hindi pa inaactivate ni Harold ang video loop. Pinasuot din sa amin ni Kio ang headset para may communication kami kay Jordan at kay Herchel.

Nang pumatak ang ten o'clock, biglang lumitaw sa screen namin ang mga cameras sa loob ng headquarters ng Aquinas Island. After ng ilan minutes, napansin ko agad sa screen si Herschel at si Jordan na tumatakbo papunta sa main building.


"Kio, I can see Che and Jordan. Baka makita sila ni Doctor RE?" tanong ni Sav kay Kio.

"Relax bhebs, this is the real time cameras of Aquinas Island. Harold is running the video loop right now. Tayo lang ang nakakakita nito," confident na sabi ni Kio.


May eyes widened nang makita ko si Jordan at si Herschel na umaakyat sa building using just their hands and a set of ropes. Alam ko na nag-aral sila ng wall climbing at extreme sports like parkour pero hindi ko akalain na masasaksihan ko ito. Natatakot ako na makabitaw silang dalawa at mahulog.


"The safest route to get inside the Aquinas Island headquarters is to use the helipad. Once they are inside, they just need to use the stairs para makababa sa Floor 22," paliwanag ni Kio.


Mabilis na nakaakyat si Herschel at si Jordan sa rooftop. Using Kio's expertise, na unlocked nila ang secured door. They used the emergency stairs para bumaba sa Floor 22.


"Two more minutes before the blackout, be ready!" sabi ni Kio kay Jordan at kay Herschel sa headset niya.


Both of them are already in Floor 22 at nasa ng isang corridor. This place is familiar dahil pinakita na sa akin ito ni Herschel noon using the camera in his drone. Sa dulo ng corridor, may isang ordinary room with advanced security feature. This door will serve as an elevator pababa sa Floor 23.

Nagblack out ang buong screen at alam ko na ito ang five-minute window ni Herschel at Jordan para makapasok sa Floor 23.


"They can't use the elevator dahil may dalawang military men na nagbabantay sa harapan nd pinto. Gagamitin nila Che ang mga passages sa ceiling para makapasok sa Floor 23," sabi ni Kio.

"Wait lang, Kio! Mga military men ang nandoon!" nag-aalala kong sagot sa kanya.

"They know what to do," confident na sagot ni Kio.


Napaka haba ng limang minuto na black out. Kabado kami ni Savannah, pero mukhang confident naman si Kio. 

Nang biglang bumukas ang ilaw, napansin ko na nakabulagta na sa sahig ang ilang military men. Dalawa na lang ang natitira na nakatayo pero hindi sila makakilos dahil nakatutok ang baril ni Herschel sa noo ni Doctor RE, samantalang nasa likuran naman si Jordan at nakatutok din ang baril sa batok ni Doctor RE.

Harold was able to disarmed the other IT Tech beside him and hit his head sa computer kaya nawalan ito ng malay. Mabilis niyang tinulungan si General Regalado na tanggalin ang posas niya. Napansin ko din si Stella na walang malay na nasa sofa at may sugat sa ulo. She must have resisted and the military men hurt her.


"They were using a state-of-the-art night sensor goggles kaya madali natukoy ni Jordan at Herschel ang mga military men kahit madilim," sabi ni Kio and it seems may visibility pa rin kami sa nangyayari sa loob ng Floor 23.

"Yung mga military men, are they dead?" tanong ni Sav kay Kio.

"No, they are not. They are using a different kind of bullets that can cause paralysis for a few hours. Another innovation from Che's father," nakangiti na sabi ni Kio.


Biglang tinanggal ni Herschel ang high-end goggles niya and his eyes widened nang makita niya si Doctor RE. Napansin ko din na bigla siyang napaatras palayo kay Doctor RE. Siguro nagulat siya sa kakaibang monster-like arms ni Resident Evil Doctor.


Kahit si Kio ay napansin ang kakaibang reaction ni Herschel. He tried to access the camera and focused it on Doctor RE, pero hindi lang si Herschel ang nabigla. Kahit kami ni Kio ay nabigla nang makita ang tunay na mukha ni Doctor RE...


"What the fuck!" sigaw ni Kio nang makita niya ang mukha ni Doctor RE.

"I thought she's..." mahina kong sabi dahil hindi ko inaasahan na ito si Doctor RE.


"Bakit ganyan ang reaction niyo? Who is she? Kilala niyo ba si Doctor RE?" naguguluhan na tanong ni Savannah.


Tumango lang kami ni Kio dahil kilala namin ang babaeng nasa harapan namin. Ang babae sa likod ni Doctor RE...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon