Chapter 7 - Run

18.1K 881 111
                                    

POV Sienna

Time: 9:20 AM (Saturday)


Mga ilang metro sa gate, nandun si kuya delivery man na sumisigaw at naliligo sa kanyang sariling dugo. May isang lalaki na kumakagat sa kanya sa leeg, samantalang yung isa, kagat kagat siya sa binti.


Anong trip nila? Bakit nila kinakain si kuya delivery man ng buhay?


Akala ko joke lang. Wow Mali or Just For Laughs, ganern. Pero biglang bumagsak ang walang buhay na katawan ni kuya delivery man.


Blood, red fucking blood everywhere.


Gusto ko tumakbo pero para akong na stunned sa kinatatayuan ko. Wala pang isang minuto at nanginig ang buong katawan ni kuya delivery man na parang may convulsion. Natulala kami ni Manong Henry sa mga sumunod na pangyayari. Yung dalawang lalaki na kumakagat kay kuya ay biglang tumigil at unti unting naglalakad papalapit sa gate, papalapit sa amin.


Shit shit shit. Ano nangyayari?


Ramdam na ramdam ko ang bawat patak ng pawis sa noo ko. Kahit ata nag tawas ako, ramdam ko ang pawis sa kili kili ko. Unti unting bumangon si kuya delivery man na para isang possessed demon ng The Exorcist at lumakad din papalapit sa gate. Yung mata niya color gray na parang isang deds, parang isang zombie.


Another shit shit shit! Zombie Apocalypse ba ito?


"Sienna, let's go..." hingal na sabi ni Herschel sabay hablot sa kamay ko. Kinuha niya ang dalawang box ng pizza sa kamay ko at hinila niya ko palayo sa gate.

"Manong Henry, tara na! Lumayo ka diyan sa gate!" sigaw ko kay Manong Henry na nilalagyan ng padlock ang gate.


Takbo, takbo at takbo pa more. Yung lang ang nasa isip ko. Tumakbo palayo sa mga mala zombies na beings.

Narating namin ang South Section ng di ko namamalayan. Siguro dala ng Adrenaline Rush. Malayo na ang natatakbo namin ni Herschel at nahihirapan na ko huminga. Di naman ako athletic type tulad ng kasama ko.


"Ok ka lang ba?" tanong sakin ni Herschel nang makarating kami sa may chapel. Sa likod nito, nandoon na ang dorm.

"Si kuya delivery man, kinain ng mga zombie. Tingin mo ok lang ako?"

"Reklamador ka pa din, so I think you are okay."

"Pano kung ako yung kinain ng zombie dahil sa kaka-utos mo sakin? Paano kung zombie na ko ngayon? Paano kung ako na ang patient zero dito sa school? Paano kung---"


Biglang tinakpan ni Herschel ng index finger niya ang labi ko bago pa ko makapagsalita. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Takot, pagod, inis at sakit ng katawan.

I looked at Herschel pero isang concern na version niya ang nakatingin sa akin. Walang animosity at disgust, kundi pag aalala ang nasa mata niya.


"Pasalamat ka, sinundo pa kita. Tanga mo pa naman. Bilisan mo nga," sabi niya sabay hila sa kamay ko.


Hindi na kami tumatakbo, pero mabilis pa din ang lakad ni Herschel na nauuna sakin. Kung hindi lang isa't kalahating walang hiya ang lalakeng ito, kikiligin ako nung hinawakan niya yung kamay ko.


"Hindi ka ba nasugatan or natalsikan ng dugo man lang?" tanong niya pero di ako tinitignan.

"I'm not infected, if that's what you want to ask, pero I can't promise not to bite you."

"Just make sure to bite me in the right places."

"What? Ang sabi ko, hindi ko maipapangako na di kita kakagatin. Kung infected man ako, ikaw ang una kong gagawin na zombie!"

"I thought you want to bite me and devour me kapag tayong dalawa lang."

"Hoy Herschel, wala akong pagnanasa sayo ha?"

"Is that so? Tingin mo hindi kita nahuhuli na nakatingin sa akin sa malayo? Kung di kita kilala, iisipin ko mahal mo ko."

"Di ako umiibig sa isang impakto, how much more sayo?"


Di siya sumagot pero alam ko na natatawa siya. Totoo naman kasi, may times na natutulala ako kay Herschel sa malayo. Sa malayo kasi, isang tao siya at hindi demonyo.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon