Chapter 21 - Tethys Gardens

15K 681 40
                                    

POV Sienna

Time: 3:30 PM (Saturday)


Inis pa din ako hanggang ngayon kay Herschel. Alam ko na inis din siya sa akin, pero minsan feeling ko, sumusobra na siya. Babae pa din naman ako at nahuhurt sa mga sinasabi niya. Tumigil kami sa pagtakbo nang marealize namin na walang zombies na humahabol sa amin.


"Wait lang, Herschel. Pupuntahan ko lang si Jordan," sabi ko sa kanya.

"Go ahead," mahinang sagot niya at binitawan naman ni Herschel ang braso ko.


Lumapit ako kay Jordan at binigyan siya ng face towel dahil may dugo pa yung mukha niya after nung last encounter niya sa zombie. Alam ko na kabado siya sa mga oras na ito dahil muntik na siyang makagat ng zombie.


"Punasan mo yung mukha mo, may blood stains."

"Thanks, kala ko katapusan ko na kanina," mahina niyang sagot.

"Pasalamat ka kay Sav. She did not hesitate to smash that zombie's head just to save you."


Di sumagot si Jordan at nginitian lang ako. Dalawang beses na siya nailigtas ng ex-girlfriend niya at hindi niya magawang awayin si Savannah dahil utang niya ang buhay niya dito.

May kataasan ang road papunta sa Tethys Garden at nakakapagod maglakad. Hingal na hingal kami nang marating ang Tethys Gardens gate. Di nakaligtas sa akin ang mga modern townhouses na nasa loob ng village. Mukhang walang tao at wala din kami nakasalubong na zombies. Malamang nakapag-evacuate na sila ng maaga.


"Kio, ok ka lang ba? Uminom ka muna ng tubig. Di ba may hika ka?" tanong ko kay Kio na naghahabol ng hininga.


Alam ko naman na di siya sanay sa takbuhan dahil puro online gaming lang ang inaatupag niya. Siya ng pinaka least athletic sa aming lima.


"Kaya ko pa, Shen. Kailangan natin makapunta sa bahay nila Che bago dumilim. Delikado sa labas."

"Kio, wag ka mag-alala. Yung main road from here onwards, puro flat na. Kaso pataas uli bago tayo dumataing sa Cronus Garden," sabi ni Herschel na kinuha ang bag ni Kio para siya na ang magdala.


Kay Kio gentleman ka, tapos saken napaka rude mo? Yamot na ko talaga ko sa lalaking ito!


Nagsimula uli kaming maglakad, pero nagulat na lang ako ng hinawakan uli ni Herschel ang kamay ko. Nginitian niya ako as if saying that I have to deal with this.


"Bakit ka na naman naka kapit sa akin?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Di ba isa't kalahati kang tanga? Baka madapa ka at magkasugat, magiging pabigat ka pa sa akin."

"Salamat sa pagdala ng bag ni Kio. Alam mo naman na hindi siya katulad niyo ni Jordan na sanay sa sports," mahina kong sabi kay Herschel.

"Gentleman ako sa mga girls."


Napatingin ako bigla kay Herschel and he just winked at me. He may have an idea that Kio has a soft side. Kahit tarantado itong lalaking katabi ko, tiwala pa rin naman ako sa kanya.


"Teka lang ha? Gentleman ka sa girls? Eh bakit sa akin napaka sama ng ugali mo?"

"Sienna, hindi ka babae sa paningin ko. Ilang beses ko ba uulitin na isa kang basura para sa akin."

"Eh bakit ka nakahawak sa kamay ko? Basura pala ako eh! Baka ma-infect ka ng mga germs at bacteria ko!"

"Masaya ako kapag kapiling ko ang mga basura," mahina niyang sagot without looking at me.


Di ko alam kung masaya siya na kasama ko o masaya siya na pinag lalaruan ang isang basura na tulad ko?


Patuloy kaming naglalakad pero tahimik lang kami pareho ni Herschel. Nasa bandang unahan sina Sav, Jordan at Kio kaya hindi nila napapansin na magka holding hands kami ni Herschel.


Wag ka kiligin, Sienna. Hawak lang niya ang kamay mo para hindi ka madapa!


"Sienna, maligo ka pagdating sa bahay namin," bulong ni Herschel sa akin.

"What? Bakit ako maliligo? Don't tell me may balak ka na masama sa akin?"

"Magka hawak lang tayo ng kamay, iniisip mo agad na papatulan kita? Ayoko lang dumikit yung mabaho mong pawis mo sa sofa or sa kama namin."

"Feeling mo naman ang bango ng pawis mo? Hello lang ha? Kanina pa tayo tumatakbo. Mabaho na rin ang pawis mo---"


Bigla akong hinila ni Herschel papalapit sa kanya. Nagulat na lang ako nang bigla niya kong niyakap at kinulong sa braso niya. Sumubsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya.


Shit! Ang bango ni Herschel kahit pinagpapawisan!


Kabisado ko na ang pabango ng lalaking ito dahil madalas kami magkasama sa student council. I must admit, he smells really nice at sexy. Hindi ko lang akalain na maamoy ko siya ng malapitan. Para tuloy gusto ko mag stay sa loob ng ng bisig niya for the rest of this zombie apocalypse shit.


"Mabaho ako?" natatawang tanong niya sa akin nang marealize niya na natulala ako.

"Ewan ko sayo! Bitiwan mo nga ako!" inis kong sabi sabay tulak sa kanya.


I can't let him know that his scent is attacking every fiber of my being. Kupal ang lalaking ito. Isa lang ako basura sa paningin niya.

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon