Chapter 56 - Velvet

13K 540 43
                                    

POV Herschel

Time: 6:00 PM (Friday)


Dinala ako ni Sienna sa isang malapit na restaurant malapit sa bay. This is our first date or dinner together na kaming dalawa lang.


"So ano pa pinagkakaabalahan mo bukod sa micro-robotics at sa babae?" tanong niya sa akin habang kumakain.

"Wala akong babae, Sienna. Misty and I broke up the same night na umalis ka sa Aldridge City. You are a smart girl. Alam mo na siguro kung bakit kami nagbreak."

"Come on, Herschel Rivera. College student ka na at malamang, ikaw pa din ang Mr. Perfect ng university niyo. Maraming babae ang iaalay ang sarili nila sayo," sabi niya na gigil na gigil mag hiwa ng steak.

"Wala nga. Bakit ba ang kulit mo?"

"Pssshhh. Wala daw babae? Duh! Mag papalaki ka ba ng katawan kung wala kang babae? Bakit ngayon mo lang ako pinuntahan after ng mahigit isang taon? After niyo mag break ni Misty, wala kang pinalit? I doubt naman na makaka tagal ka na walang babae sa buhay mo---"


She just stopped blabbering when I gave her a small black velvet box. Though may idea na siya kung ano yun, she just frowned at me.


"Belated happy birthday. Sorry ngayon lang ako nakapunta dito," mahina kong sabi sa kanya.


Binuksan niya ang box na may laman na isang white gold necklace with a pendant. She looks happy, but again, she pretended na hindi siya affected sa regalo ko.


"Bakit may pendant na HS? High School?" tanong niya sa akin.

"Tanga ka ba? Malamang, initials natin dalawa," inis kong sabi sa kanya. She is about to wear the necklace, pero pinigilan ko siya.

"Herschel, akin na ito di ba? Binabawi mo ba?"

"Pinakita ko lang sayo, assuming ka na naman na sayo yan," sabi ko sabay kuha uli ng velvet box.


Mas lalo siyang nainis sa sinabi ko. Pinag patuloy niya ang pagkain ng steak pero this time, kulang na lang maputol ang knife sa galit niya.


"Saan ka nga pala uuwi ngayon? Wag mong sabihin na sa yacht ka matutulog?" tanong niya sa akin.

"May hotel reservation ako. Don't worry, hindi sa hotel ng parents mo in case dadalhin kita doon."

"Hindi naman ako sasama sayo noh? Kailan ka ba uuwi? Mamaya na? Bukas ng madaling araw? After our dinner? Baka gusto mo, now na!"

"Sienna, pinapauwi mo na ba ako? I will stay here for a few days kasama ka. Taon bago tayo uli magkita. Unless bisitahin mo ko sa Aldridge City dahil sabik ka na sa akin."


She just rolled her eyes as she is still annoyed with me. After our dinner, pumasyal na naman kami sa isang malapit na park. She shared about her daily routine and her life with Savannah. I also shared my recent inventions and my schedule sa school.


"Tuwing weekend, madalas kami magkasama ni Kio at ni Jordan. There are times na kasama namin si Harold. We already know about their relationship," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Sa Aquinas Island ka din ba mag wowork after ng graduation mo?"

"Sienna, I am already working in Aquinas Island kahit college student pa lang ako. But yes, I will surely end up working there. Why don't you work for me?"

"Wala naman ako alam sa mga innovative technologies at modern gadgets. Kaya nga kumuha ako ng Marine Biology na course dahil walang math at algebra. Ano naman gagawin ko dun?"

"You can be my secretary?"

"Bastos mo talaga! Alam ko iniisip mo! Pervert! Tigang ka ba talaga?" sabi niya sabay hampas na naman sa braso ko, pero bigla ko lang siya niyakap ng mahigpit.


Sobrang higpit na hindi na siya makagalaw pa. This is the first time that I hugged her after ng ilang taon and this is better than I expected. I feel safe and comfortable.


"Di pa ako umaalis dito, alam ko mamimissed na kita, Sienna," bulong ko sa kanya.

"Special ability mo ba ang pumulupot sa prey mo na para kang isang Boa Constrictor?" mahina niyang sagot sa akin.

"Can you just shut up and enjoy that I am hugging you right now?"

"Wow ha? Ang sweet mo naman talagang lalaki ka---"


I suddenly let go of her, but I quickly grabbed her nape and kissed her. I am getting used to this as if I found everything that I need right now.


"Be mine, Sienna. Be my girlfriend," I whispered as I cupped her face.


Nagulat siya sa sinabi ko. Hindi niya siguro inaasahan ang proposal ko. I thought she will reject me, but she just smiled at me and cupped my face too.


"Herschel, kanina mo pa ko hinahalikan, makakatanggi pa ba ko?"

"Good girl. I will make you the happiest girl in the whole Western Australia," sabi ko sa kanya before kissing her again.


Ako na ata ang pinaka masayang lalake nang sinagot ako ni Sienna. Hindi ko na hahayaan na mawala ang basura na ito sa akin...


Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon