Chapter 48 - Ex

13.3K 549 28
                                    

POV Sienna

Time: 3:00 PM (Thursday)


Sa loob ng mahigit kalahating oras, nasaksihan ko ang nakakarimarim na sweetness ni Misty at ni Herschel. Kahit si Sav, ramdam ko ang kilabot sa pagiging clingy ni Crystal kay Jordan.

Gusto ko umiyak pero mas nangingibabaw ang poot ko kay Herschel. Kahit kay Jordan, nainis ako sa kanya. Gusto ko sila pagbuhulin ni Herschel sa mga oras na ito. Wala naman kami karapatan ni Savannah dahil hindi naman kami girlfriend. Kailangan lang namin tanggapin ang mapait na katotohanan.


Kaya pala Vice President lang ang pakilala sa akin ni gago sa parents niya, may girlfriend pala siya... Now it makes perfect sense...


Nang makaalis na ang dalawang hampas lupang lalake para ihatid ang girlfriends nila sa Aquinas Island, saka lang kami naka hinga ng maluwag.


"Ay kaloka ang tension kanina! Who knows you will meet their respective girlfriends!" sabi ni Kio na sa amin ni Sav.


Napangiti si Savannah dahil sa feminine voice ni Kio. Kahit di ko ipaliwanag, mukhang alam na niya ang pagka pusong babae ni Kiyoshi.


"May girlfriend pala ang walang hiya, di man lang sinabi sa akin?" inis na bulog ni Sav.

"Sav, ex-girlfriend ka. Wag bitter kung hindi ka na-inform na may bagong jowabells na. Hashtag Ampalaya is Life. At isa ka pa Shen, para kang cystic pimple na namumula sa galit."

"Special daw ako tapos malalaman ko may girlfriend pala si gago? I should have not let him kissed me! I want to kill that mother fucker in a slow and in an agonizing manner!" mahina kong sabi sabay higa sa binti ni Kio.


Sobrang galit ko talaga ngayon kahit wala akong karapatan. Hindi dahil kay Herschel, kundi sa sarili ko. I allowed myself to be his toy for the last few days. I even allowed myself to fall in love...


"What? Che kissed you? Is he good kisser? How was it?" excited na tanong ni Sav.

"It's nothing. He just kissed me to silence me dahil may Z Class zombies na paparating."


Kio just rolled his eyes. Alam niya na hindi nothing sa akin ang mga halik ni Herschel. Alam niya din na ilang ulit akong hinalikan ng tarantadong yun. Kio knows na mahal ko na si Herschel. Tanga lang ako na nag-assume na may something special between me and Herschel.


Next time, sana maglagay si Herschel ng karatula sa harap niya na bawal ang mag fall, ganern!


"Jordan never introduced me to his father. He just saw me as the playgirl bitch girlfriend, yung hindi pang matagalan. Sabagay kahit napaka ganda ko, poor ako compare kay Crystal. Bagay sa kanya ang name niya na Crystal. Parang siyang mamahalin at fragile na plato na gusto ko basagin," sabi ni Sav na humiga naman sa kabilang binti ni Kio opposite sa akin.

"Savannah, ang tawag sa poot na yan ay selos. At ikaw Sienna, tawag sayo assumera. Nag-assume, umasa, nasaktan, now time to move-on," natatawa na sabi ni Kio pero bakas sa mukha niya ang lungkot dahil sa mga pangyayari. He is just trying to cheer us up pero alam ko na nasasaktan din siya ngayon.

"Kio, palibhasa may lovelife ka sa katauhan ni Dark Shadows aka Harold Greer kaya sawi kami ni Sav sa paningin mo."

"Are you now admitting na may feelings ka kay Mr. Perfect?"

"Kio, kung ano man ang feelings ko sa kanya, tinago ko na yun sa deepest part of hell bago pa lumago. From now on, kakalimutan ko na si President Herschel Rivera. Who you na siya ngayon sa sa akin!" gigil na sagot ko kay Kio.

"Asa ka, first love mo si Herschel. Hindi madali mag move-on sa first love," sabi ni Kio habang hinahaplos ang buhok ko.


My point si bakla. Matatagalan ata bago ko makapag move-on kay Herschel...


Alam siguro niya na hindi ko agad makakalimutan si Herschel. Kailangan ko ata magpasaksak ng anaesthesia from time to time para di ko maramdaman ang sakit na dulo ni Mr. Perfect.


"Teka, Sav maiba ko. Di ba mahirap lang ang aunt at uncle mo? Tama ba?" tanong ko kay Sav.

"Maka mahirap ka Sienna, napaka wagas! Pero totoo naman, mahirap lang kami. Mag woworking student ako after graduation para may pang tuition ako sa college."

"Interested ka ba sa Hotel management course? Pwede kita irecommend sa dad ko na gawin na scholar niya. Every year, meron siyang ten students na binibigyan niya ng scholarship grant. Karamihan sa mga scholars na yun ay sa hotel namin nagtatrabaho after nila grumadute," suggest ko kay Savannah.


Nararamdaman ko na tumutulo na ang luha niya kahit pinipilit niya ngumiti. Both of us are broken hearted right now and I can taste her pain.


"Shit, Sienna, totoo ba yan? Gusto ko talaga kunin ang hotel and restaurant management!"

"Kung papayag ang uncle at aunt mo, sumama ka sa akin sa Western Australia after graduation. Sa amin ka mag stay, doon ka na mag aral. My dad can talk to your uncle para payagan ka."

"Basta may chance na lumayas ako sa bahay ng uncle ko, sigurado na papayag sila!"


Naputol lang ang conversation namin nang bumalik si Stella. May kasama siyang isang matangkad na lalaki.


The most good looking man in my eyes...


Pero, next lang siya kay Herschel Rivera...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon