Chapter 26 - Speaker

14.1K 645 38
                                    

POV Sienna

Time: 6:20 PM (Saturday)


Kio set the alarm on my phone and set it to the maximum volume. Si Jordan ang nag volunteer na ilagay ang phone sa gitna ng daan about a few streets away from us.


"All set. Hintayin na lang natin na mag-alarm ang phone mo. I even paired it to my bluetooth speaker para medyo malakas. I think it is enough to divert their attention," hinihingal na sabi sa akin ni Jordan pagkabalik niya.


After ng ilang minuto, biglang nag-alarm ang phone ko at nagkagulo ang mga zombies papunta sa source ng sound. We used this diversion para tumakbo papunta sa bahay nila Herschel.


"You are using a fucking minion song for your alarm?" tanong ni Herschel habang tumatakbo kami papunta sa bahay nila.

"Eh bakit ikaw, K-Pop songs ang ringtone mo?"

"What the fuck! I am only using a regular ringing tone. Hindi ako katulad ng ibang babae dyan na isip bata. Banana song? Are you a toddler?"

"Wag na tayo maglokohan, Herschel. Narinig ko minsan na nag ring ang phone mo at gamit mo yung song ng isang popular girl group from South Korea. What do I expect from a gaylord like you?"


Hindi na siya sumagot dahil biglang tumawa si Sav at si Kio sa sinabi ko. Hindi naman totoo yun, pero gusto ko lang talaga asarin ang lalaking ito. Nakakarami na din kasi siya ng pang-aasar sa akin.


Mabilis namin narating ang bahay nila Herschel. As expected, isang malaking gate ang tumambad samin. Walang security guard pero high-end ang security system nila dahil may passcode at thumbprint access sa may maliit na gate bago makapasok.


"Paano nakakapasok yung caretaker niyo dito? Kulang na lang retinal scanner sa sobrang higpit ng security features niyo ah?" tanong ko sa kanya.

"May sarili silang badge at passcode. Nakaset sa minimum security level pag may schedule sila ng cleaning. And besides, matagal na namin sila kilala. My parents trust them."

"Wala pala mag-aattempt na magnakaw sa bahay niyo. Masyadong secured."

"Bakit Sienna? May balak ka ba mag-akyat bahay sa amin?"

"Hoy gaylord, bakit ako pupunta sa bahay niyo? Not interested."

"You can just knock. Papatuluyin naman kita derecho sa kwarto ko," bulong ni Herschel habang pumapasok kami sa loob ng bahay nila.

"Wala akong balak puntahan ang kwarto mo. Lumayo ka nga sa akin, nakahubad ka!"


Medyo awkward pa rin ako dumikit kay Herschel dahil tinanggal niya yung shirt niya na may dugo. Hindi mapigilan ng pasaway kong puso ang dumagundong kapag lumalapit siya sa akin.


"Akala ko ba, hahalikan mo ko ba mamayang gabi?"

"Spell joke, Herschel. Wala akong balak halikan ka ever. It is like... Eeewww!"

"Pasalamat ka nga dinidikitan pa kita kahit basura ka."

"Wag mo nga ko kausapin. Dapat hindi kinakausap ng isang Herschel Rivera ang mga basura na tulad ko."

"I love playing with a trash, also known as Sienna Ramos."

"May araw ka talaga sa akin, Herschel!"

"At may gabi ka talaga sa akin, Sienna. Don't worry, it will be your best night ever."


Kahit biro lang ang sinasabi ni Herschel, hindi ko maiwasan ang mamula sa sinasabi niya. Buti na lang at madilim na at hindi niya na ito napansin.

Sienna, wag kang affected. Binibiro ka lang ng walang hiyang lalaking yan! Wag kang kakagat!

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon