Chapter 16 - Everest

14.8K 709 13
                                    

POV Sienna

Time: 1:30 PM (Saturday)


Katulad nga ng napag-usapan, sumakay kami sa loob ng Ford Everest Titanium ni Herschel. Sa unahan ako pinaupo ni Herschel habang si Sav naman ay nasa likod.

Habang nag crecreate ng konting ingay si Jordan sa isang side ng gate, si Kio naman ay unti unting tinatanggal ang padlock at binubuksan ang gate. Si Herschel ay ready na nakaupo sa driver's seat.

Dahil sa bahagyang ingay na ginagawa ni Jordan para madivert sa kanya ang attention ng mga zombies na nasa labas, napansin ko na may ilang zombie students sa malayo ang dahan dahan lumalapit sa direction namin.


"Hoy hoy, saan ka pupunta, Sienna?" tanong ni Herschel nang binuksan ko yung pinto ng sasakyan.

"Kio, konting bilis! May mga paparating na zombise from the academic building!" mahinang sabi ko kay Kio nang matanaw ko ang mga estudyanteng zombies na papalapit sa parking lot. Siguro narinig nila yung ingay na gawa ni Jordan.

"Wait lang, nastuck yung lock ng gate!" sagot ni Kio.

"Sienna, pumasok ka na! Ikaw muna sa driver seat!" sumigaw si Herschel at lumabas ng sasakyan.


Sinunod ko si Herschel at lumipat ako sa driver seat. Tinulungan niya si Kio na buksan yung gate. Nastuck yung gate dahil may naipit na braso. Eto ata ang remains ng braso ni Manong Henry.


5 meters...


"Guys, malapit na sila..." natatakot na sabi ni Sav habang papalapit ang limang estudyanteng zombies sa sasakyan.


They are creating too much noise kaya na attract din nila ang ibang zombies. Hindi ko alam kung mag fofocus ako sa mga zombies na papalapit sa sasakyan or sa tatlong lalaking nasa labas. My hands are already sweating sa steering wheel. Konting kembot pa at maiihi na ako sa kaba.


4 meters...


"Guys, hurry up..." naiiyak na sabi ni Sav.


Ten zombie students are now approaching us. Konti na lang at malapit na sila sa sasakyan ni Herschel. I can hear their horrific zombie sounds as if excited sila kagatin ang mga flesh namin.


3 meters...


"Guys, please. Get inside now!" sigaw ni Sav.


Ang puso ko parang sasabog dahil nasa labas pa din si Jordan, Kio at Herschel. Habang papalapit ang mga zombies, parang mas lalo silang bumibilis maglakad.


2 meters...


Sa wakas, nabuksan na ni Kio at Herschel ang gate. Sabay sabay naman silang tumakbo papasok sa sasakyan.

Bago maisara ni Jordan ang pinto, isang zombie ang humila sa binti niya. Tumalon ito sa legs ni Jordan na para bang excited kagatin ang binti niya. He tried to kick the student zombie pero matindi ang kapit nito sa kanya.

Akala ko, kakagatin ng zombie si Jordan pero buti na lang at kinuha ni Sav ang baseball bat niya. Pikit mata na hinataw niya sa ulo ang zombie kaya lang naisara ang pinto.


"Go go go!" sabi ni Herschel habang tinitignan ang mga zombie na malapit na samin.


I did not think twice at binilisan ko mag drive ng sasakyan palabas ng gate. Nakahinga lang ako ng maluwag nang marating namin ang pababa na daan papuntang city. Hindi ko alam kung naririnig ako ang kabog ng puso ko o ang simultaneous na kabog ng puso naming lima.

Napansin ko din na kanina pa nakatingin sa akin sa akin si Herschel. Meron na naman siguro akong ginawa na hindi niya nagustuhan.


"May sasabihin ka ba?" tanong ko kay Herschel.


Medyo hinihingal pa din siya sa pagtakbo nila ni Kio. May butil butil na pawis din sa noo niya. Gusto ko sana pahiran ang pawis niya pero alam ko na magagalit lang siya sa akin.

Hindi na sumagot si Herschel at umiling lang siya. Tumingin siya sa bintana na parang gumagawa ng isang melodramatic music video.


Wala akong kahit anong zombies na nakikita habang nagmamaneho. Di ko sure kung good news ito, or this is the calm before the storm...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon