Chapter 49 - Blare

13.1K 558 30
                                    

POV Sienna

Time: 3:30 PM (Thursday)


Nagulat na lang ako nang makita ang lalaking kasama ni Stella. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot na andito siya ngayon.


"OMG! Blare fucking Ramos! Is that you?" excited na tanong ni Kio at tinulak kami ni Sav para lumapit kay Kuya Blare.

"Kuya? Bakit ka andito?" tanong ko sa kanya at humalik sa pisngi niya.


Si Kio naman ay nakayakap na agad sa braso ng kuya ko. Bata pa lang kami, crush na ni Kio si Kuya Blare. Sa harap ni kuya, he can be one hundred percent girl at hindi siya hinuhusgahan nito.


"Bakit para kang nakakita ng multo?" tanong niya sa akin.

"Nanibago lang ako. You shaved your beard. You look---"

"Gorgeous?"

"No, kuya. You look gay! Paki-explain nga kung bakit ka andito?"

"Sienna, your parents know that you are under General Regalado's care. Your brother arrived an hour ago from Perth using his private plane. Susunduin ka na niya papuntang Perth," paliwanag ni Stella.

"Papuntang Perth? Kuya, di pa ko graduate. I still have few months, bakit ako uuwi sa Perth? And besides, patapos na ang cleaning operations ng military. School will start on Monday---"


Di ako pinansin ni kuya at biglang umupo sa sofa katabi ni Sav. Umaandar na naman ata ang pagiging Casanova ng kuya ko.


"Hi, I am Blare. And you are?" he asked using his sweetest voice.

"Savannah Roberts. Classmate ni Sienna. I am glad to meet you," sabay bigay ni Sav ng kamay sa kuya for a handshake. She is undeniably starstruck with my brother's charms.

"Sienna, may maganda ka palang classmate. Bakit di mo man lang sinasabi sa akin?" tanong niya habang nakangiti pa rin kay Sav.

"Unang una, nasa ibang kontinente ka. Pangalawa, Sav is a senior high student and you are a college graduate. Hello age difference? At pangatlo, alam ko na babaero ka, bakit ko ipapakilala ang kaibigan ko sa isang katulad mo?"

"You sound as if I am a monster, baby girl."

"You are a monster, Blare Ramos. Bakit ka ba nandito? Tumawag ako sayo kahapon di ba? Stable na ang condition ng Aldridge City."


Kuya Blare is not here para kamustahin ako. He is a busy man as he is already handling our family's business in Australia. May mabigat na reasons kung bakit andito siya.


"I will give you a few hours to bid goodbye to your classmates and friends. We will leave at exactly eight in the evening," he answered using his commanding tone.

"Bakit ako babalik ng Perth?"

"Dad decided for you to continue your studies in Australia. Muntik na siyang magka heart attack dahil sa pag-aalala sayo. He sent me here to personally pick you up. He called your principal, nagkaayos na sila. You will be taking your final exams while you are in Australia."

"Wait lang, paano mga gamit ko? Paano ang research projects ko?"

"Ano ba sabi ko? Uulitin ko pa ba? Dad already talked to your principal and he settled everything. His decision is final. Nice meeting you again, Savannah. Please excuse me," seryosong sabi ni Kuya Blare sabay halik sa kamay ni Sav.


Hindi na siya nagpaliwanag pa at umalis kasama si Stella. Just like my dad, Kuya Blare is a bit controlling. Kung anong gusto nila, iyon ang masusunod.


"I know your handsome brother. Alam ko na hindi mo siya mapipigilan. Kung kailangan ipasok ka niya sa loob ng sako, gagawin niya madala ka lang sa Perth," malungkot na sabi ni Kio sabay yakap sa akin.

"Sav, after ng graduation, tatawagan kita. Ayusin mo na lahat ng documents mo dahil isasama kita sa Australia."

"I am going to miss you, Sienna. Do you think you need to tell Che that you are leaving?" tanong niya na biglang yumakap sa amin ni Kio.

"We are just classmates, Sav. He is my president and I am his vice president. That is basically it. Saka busy siya malamang sa piling ng girlfriend niya. Hindi nga mapigilan ni Misty na tikman si Herschel habang andito tayo, how much more kung silang dalawa lang?"


Naiisip ko pa lang na magkasama si Herschel at si Misty ngayon ay naiinis na talaga ako na parang gusto ko mag transform sa Super Saiyan at pasabugin silang dalawa. Blessing in disguise din ang decision ni daddy.

Sa Perth, makakalimutan ko si Herschel...

Ang mukha niya... Ang yakap niya... Ang halik niya...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon