Chapter 54 - Yacht

14.3K 619 78
                                    

POV Sienna

Time: 4:20 PM (Friday)


Nang malaman ko na girfriend ni Herschel si Misty noon, I promised to myself na hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mapalapit sa kanya. Sa loob ng ilang araw na magkasama kami sa suite ni General Regalado, alam ko na nahulog na ako kay Mr. Perfect.


He may be an ass, but he is damn perfect. What more can I ask for?


Naaalala ko pa noon na palagi niyang hawak ang kamay ko at sobrang sweet as if we are already a couple. Maraming beses niya din ako hinalikan at buong akala ko, may nararamdaman din siya para sa akin. But I guess isa lang akong short time fling niya habang di pa niya kapiling ang girlfriend niya. And now that he's here, hindi ko na alam ang iisipin ko.


"Paano mo nalaman na nandito ko?" tanong ko kay Herschel habang hila niya ang kamay ko at naglalakad kami sa malawak na greenfield ng park.

"I am developing a solar-powered drone that can be airborne for years. It is remotely operated and I used it to locate you," sabi niya sabay ngiti sa akin.

"Totoo? Kaya mo na gumawa ng ganun?"

"Just kidding. I won't waste my time and effort locating a garbage like you. Ano ka special? So I ask Savannah instead."


I just rolled my eyes dahil pinagtitripan na naman niya ako. He will not waste his time and effort daw, pero andito siya ngayon at kinakaladkad ako.


Ako naman si gaga, papayag ako magpahila kahit saang lugar niya ko dalhin! Haist!


"Herschel, saan ba tayo pupunta? Ihahagis mo ba ko sa dagat?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa bay area.

"Do you know na dinamdam ko ang mga seenzoned messages at rejected calls? You should at least compensate me for all my torment."

"Torment ka dyan! The last time I remember, you were enjoying your rendezvous with Misty. Tingin mo hindi tumatak sa isip ko ang bawat halik niya sayo sa harapan ko?"


Herschel suddenly stopped walking and in one swift move, he cupped my face and kissed me. Wala man lang pakialam kahit may tao sa park na pwede makakita sa amin.

Tulad ng first kiss ko sa underground sewer, I found myself kissing him back. Lahat na ata ng pangamba ko sa mga oras na yon ay nawala. Wala ng ibang importante kundi ako at si Herschel.


Anebeyen! Isang kiss lang, bibigay na ko agad? Sayang ang pagpapakipot ko for the last two years!


"We can start with that. Marami ka pa dapat pag bayaran, Sienna," sabi niya sabay hila na naman sa akin.


Napansin ko na naglalakad kami papunta sa bay area, sa may harbor kung saan maraming naka dock na yacht.


"Alam ko na mayaman ka, pero hindi ka si Christian Grey. Don't tell me may yate ka?" sabi ko sa kanya at di niya binibitawan ang kamay ko.

"I don't own one, but I can buy a yacht for us if you like," nakangiti na sagot niya sa akin.

"Herschel, college student ka! Hindi ka CEO billionaire na nasa kwento sa Wattpad!"

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon