Chapter 58 - First Day

12.3K 484 20
                                    

POV Herschel

Flashback...


To be part of Redwood High is a privilege. It is the most prestige school sa buong Aldridge City. You must pass the series of examinations and interviews to be part of this highly reputable school.

Ngayon ang araw na makikita ang results ng entrance examination. I am confident that I will pass the exams and I am much positive that I will be ranked as the topnotcher.

Napansin ko na may ilang mga estudyante na ang nasa harap ng academic building dahil nandoon nakapost ang ranking results. I smirked when I saw my name on the board. As I expected, I am rated as the number one student. I received a perfect one hundred percent scores in both the examinations and in the interview. But my smile suddenly vanished when I saw another name just below mine, Sienna Adelaide Ramos.


She obtained a perfect scores in the written examinations, pero 90% lang ang score niya sa interview. Kahit malayo ang average scores namin, hindi ko pa din matanggap na may estudyante na may kakayahan na maka perfect ng exams bukod sa akin.


"Excuse me po, excuse me po! Padaan and pasingit please?" sabi ng isang babaeng may hawak na glazed donut at vanilla milkshake.


Dahil hindi gaanong matangkad ang babae, patalon talon ito para masilip ang results sa board. Di na nga niya namamalayan na nakaapak na siya sa dalawang paa ko.


"Be nice, Herschel! Stay calm!" bulong ko sa sarili ko habang tinitiis ang dalawang paa na nakaapak sa akin.


"Anebeyen! Hindi ko makita name ko! Kuya pogi, paki hawak nga!" sabi ng babae sa akin sabay bigay ng glazed donut niya at milkshake sa akin.


Tinapakan mo na nga ako, ginawa mo pa kong taga hawak?


Sumingit ang babae at hinawakan ang balikat ng dalawang estudyanteng nasa harapan niya. Bigla itong tumalon para makita ang nakalagay sa board. Mukhang successful naman siya dahil after ng ilang segundo, sumasayaw na ito ng isang nakakarimarim na dance number ng isang novelty song.


"Top two ako! Top two ako! Yahooooo!" masayang sabi ng babae sabay sayaw ng Otso Otso dance steps.


Top two? Is this the Sienna Adelaide Ramos na nakaperfect ng exams? Eh mukhang babaeng nakalabas sa mental ito eh!


Pagkatapos niyang mag celebrate, bigla niyang kinuha ang glazed donuts niya at milk shake sa akin, but she suddenly gasped when our eyes met. Kulang na lang tumulo ang laway niya habang nakatingin sa akin.


Why is she staring at me like this?


I know that I am good looking even during my elementary school days, pero parang na starstruck ang babae sa harapan ko. Ngayon lang ata siya nakakita ng gwapong lalakeng tulad ko and I can't help but to be conscious with her gaze.


"May problema ba?" tanong ko sa kanya using my not so friendly voice.

"Hhhhaaaa?"

"Bakit ka nakatanga sa akin? Don't you know that it is rude to stare?" inis kong tanong sa kanya.


From her dumbfounded look, biglang nagbago ang expression niya. She is probably annoyed with my cold hearted attitude. Hindi niya ako sinagot pero inirapan niya lang ako bago tuluyan na umalis.


Since then, we developed an unusual resentment towards each other. Palagi akong rude sa kanya and she is also hostile towards me. Para kaming aso at pusa na palaging nag-aaway. Sanay na ang buong school sa digmaan sa pagitan naming dalawa.

Dahil innate na matalino si Sienna, palagi kaming nasa first section. We both became part of the student council and we are highly respected even ng aming mga upperclassmen.


I was on my way to the dormitory roof deck nang makarinig ako ng boses ng isang babaeng kumakanta. She is singing her own cover version of the song Truly Madly Deeply by Savage Garden.

Pagbukas ko ng pinto ng roof deck, napansin ko agad si Sienna Ramos na nakaupo sa floor at may hawak na gitara. Unlike other girls na may high range, Sienna's voice is a bit lower, but captivating as if it will touch your soul. She is singing with all her heart as if in love siya. Her song almost gave me a goosebumps.


Pagtapos niya kumanta, binaba niya ang kanyang gitara sa tabi niya. Nagulat na lang ako nang biglang may lalaki na lumuhod sa tapat niya. Hinawakan nito ang kanyang kamay na parang mag popropose.


"You are the last thing on my mind before I go to sleep and you are the first person I can think of the moment I open my eyes in the morning. I really really really like you noon pa. Pakinggan mo ang puso ko. It is beating only for you," sabi ng lalaki sabay dala ng kamay ni Sienna sa dibdib ng lalaki.


I am so immersed with her voice at di ko na napansin na may lalaki pa lang siyang kasama. She is with Jordan Caden Regalado. This guy is my closest friend and a known heartbreaker. Pero alam ko na magkababata ang dalawang ito.


Did he suddenly realize na mahal na niya si Sienna higit pa sa kaibigan?


My heart began to beat fast when Sienna suddenly touched Jordan's face. Hindi ko maintindihan kung bakit parang pinipiga ang dibdib ko sa mga oras na ito. Hindi ko ata kayang makita ang romantic moment between my best friend and Sienna. Pagkatalikod ko, bigla kong narinig na sumigaw si JC.


"Aray naman, Shen!" inis na sabi ni JC. Binatukan siya siguro ni Sienna.

"Pakinggan mo ang puso ko? It is beating only for you? Tingin mo matutuwa si Savannah sa mga cheesy lines mo? Corny! Palitan mo!"

"With your angelic voice and my romantic lines, ewan ko lang kung hindi pa niya ko sagutin," sabi ni JC kay Sienna.


I don't need to stay any longer as I already have a gist of what is happening. JC is courting Savannah and he is asking Sienna's help in his proposal.


I was relieved I stayed for a few seconds. Kung hindi ko narinig ang huli nilang usapan, I will be forever bothered by it...


Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon