Chapter 24 - Trail

15K 708 114
                                    

POV Kio

Time: 5:00 PM (Saturday)


Wala kaming kibuan habang tinatahak ang trail papunta sa Cronus Garden. Sabi nga ni Che, hindi talaga to dinadaanan ito ng tao dahil matarik ang daan. Single file lang kami dahil madaming halaman sa kaliwa at kanan.


*Bbbrrrrrrrooooook* *Bbbrrrrrrrooooook* *Bbbrrrrrrrooooook*


Si Herschel ang nauuna sa paglakad namin, pero bigla siyang napahinto sa kakaibang tunog. Kahit ako ay biglang kinabahan dahil ako ang nasa hulihan.


"Sorry. Kumukulo na yung tiyan ko. Gutom na kasi ako," naiilang na sabi ni Sienna sabay kamot ng ulo.


Nakahinga ako ng maluwag nang malaman ko tiyan pala ni Shen ang salarin sa kakaibang tunog. Buong akala ko ay may zombie na sa likod ko.


"Kapag nakauwi tayong buhay sa bahay namin, ipaghahanda kita ng dog food. Di ka naman choosy di ba?" naka ngiti na sagot ni Herschel sa kanya.

"Pag naging zombie ako, ikaw ang una ko kakainin, Herschel Rivera!"

"Oooooouchhh!" sigaw ni Sav na natalisod sa isang nakausling ugat. Buti na lang at nasa harap niya si JC na nasalo agad siya.

"Tatanga tanga ka kasi, tignan mo nga yang nilalakaran mo," sabi ni JC pagkatapos niya itayo si Sav.

"Oo, tanga na! Kaya nga na-inlove ako sayo dati kahit babaero ka kasi ang tanga ko!"


I just sighed dahil nagsisimula na naman silang apat. Walang katapusan lovers quarrel. Gusto ko minsan magbigti sa ilalim ng punong bayabas kapag nasisimula silang apat sa kanilang pag-aaway. Sumasakit madalas ang bangs ko sa kanila.


"Excuse me, hindi ako babaero, sweet lang ako sa mga babae!" proud na sagot ni JC.

"Sweet ka lang? Kaya pala nahuli kita nakikipag halikan kay Alicia sa likod pa ng chapel? OMG Jordan, wala ka talagang pinipili na lugar!"


Hmmm. Ito ba ang reason kung bakit nag break si JC at si Sav? She caught him red handed?


"Hoy babae, hindi kami naghahalikan. Oo, parang ganun siguro ang nakita mo pero hindi! Eh ikaw? Di ba sumabay ka agad sa kotse ni Gerald pag-uwi after that incident? Alam mo naman na matagal ka ng type nun!"

"So? Alangan naman sumabay ako isang cheater na katulad mo?"

"Malay ko ba kung saan ka dinala ng lalaking yun, malay ko ba kung ano nangyari sa inyo!"

"Ang dumi ng utak mo, palibhasa, ang dumi ng budhi mo!"


JC and Sav are like the best couple in the school. The two heartbreakers, the playgirl and the playboy. And yet, they changed when they fall in love. It is like the perfect love story, but ended up with a bloody break-up.


*Aaaaarrrrh Aaaaarrrrhhh Rrrrrrrrhhh*


Pagtingin ko sa likod ko, may tatlong walkers na sumusunod sa akin sa di kalayuan. Naramdaman siguro nila ang presence namin dahil sa ingay ng apat ko na kasama.


"Guys! Wala akong balak maging cast ng The Walking Dead. Kung mahal niyo pa buhay niyo, tumigil kayo sa digmaan niyo at bilisan niyo tumakbo!" sigaw ko kanila.


Hinila agad ni Herschel ang braso ni Sienna para umakyat ng mabilis dahil pataas na yung trail. Kahit si Jordan, isinantabi ang alitan nila ni Sav at hinawakan ang braso ni Sav para tumakbo.


"Stop stop stop!" sigaw ni Che na nasa unahan.


Pagtingin ko sa kanya, may dalawang walkers na naglalakad papunta sa direksyon namin. Ang tatlong zombies naman na nasa di kalayuan ay hinahabol pa din ako. We are trapped in between them.


"Sienna, nasaan yung baseball bat na dala mo?" tanong ni Che.

"Sorry, naiwan ko dun sa supermarket."

"Mas priority mo kasi ang pagkain eh!" sigaw ni Che sa kanya.

"Sorry na nga, di ba?"

"Sav, can I borrow your bat? JC, give me a hand! Kio, kapag may chance, tumakbo kayo palayo ni Sienna at ni Sav," utos ni Che sabay kuha ng baseball bat ni Savannah.


Mabilis na tumakbo si Che at JC papunta sa dalawang zombies na makakasalubong namin. Using his bat, Che smashed the zombies head samantalang si JC naman ay pinasok ang knife sa mata ng isa pang zombies.

Medyo shocked pa ako sa mga nangyayari dahil nakita ko kung paano lumabas ang dugo sa mata ng zombie. I am like watching a live murder scene. Masyadong morbid ang pagpatay ni Che at ni JC sa dalawang zombies.


OMG! Hindi ata kaya ng powers ko at hihimatayin ako sa mga events na ito!


Naramdaman ko na lang na hinihila ko pareho ni Sav at ni Shen palayo sa tatlong zombies na nasa likuran ko na. Napansin siguro nila na namumutla na ako.


"Go! Run!" utos ni Che sa amin at nagmamadali naman kami umakyat pataas ng trail.


Che and JC managed to kill the two zombies na nasa likuran namin pero yung isang zombie, biglang hinawakan si Che sa binti. Na out of balance siya at gumulong ng ilang beses. He is clearly struggling dahil gusto siya kagatin ng zombie. Nabitawan din niya ang baseball bat ni Savannah and he only has his bare hands to kill this zombie.

Bago pa ako makapag-isip, kinuha ni Shen ang hawak kong mop stick at tumakbo papunta kay Che. Pikit mata niyang tinuhog ang zombie sa mata at bumagsak ito sa damuhan ng walang buhay.


"You are covered with zombie's blood. Sigurado ako, mas mabaho ka na sa akin ngayon," sabi ni Sienna sabay bigay ng kamay kay Che para bumangon.

"Really? Do you want to smell me to prove your point?" natatawang sabi ni Che sabay hubad ng duguan na shirt niya.


Hindi maiwasan ni Shen ang matulala sa half naked na katawan ni Che. Sa ganda ng kanyang katawan, he is really fitting to be called Mr. Perfect. Kahit ako ay medyo na stunned sa katawan ni Che.


Erase! Wag pagnasahan ang lalaking iniibig ng kaibigan! Naku! Patawarin mo ko, Sienna! Lumalabas ang landi ko dahil kay Che!


"May traces ka pa din ng blood sa katawan mo. Eeewness ka pa din," sabi ni Shen at mabilis niyang nabawi ang tingin niya.


Nauna na siyang maglakad palayo kay Che. She probably can't stand his half naked body, which is really breathtaking.


"Thanks, Sienna. You saved me."

"The only reason kung bakit ko ginawa yun ay dahil sa inyo kami mag oovernight stay. Hindi ka importante sa akin, Herschel Rivera."

"As a sign of gratitude, papayagan kita na makasabay akong maligo later."

"Thanks, but no thanks. Wala akong pangarap na makasabay ka maligo."


Not true, beshie! I can see you are blushing from here! Ako sasabay kay Che kapag hindi ka pumayag!

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon