Chapter 5 - Redwood High

18.9K 846 74
                                    

POV Sienna

Time: 9:10 AM (Saturday)


Ang Redwood High ay ang pinaka prestige na science high school sa Aldridge City. Kilala ito dahil sa mga nag gagandahan na Red Maple trees with red orange to yellow foliages. It is like a castle sitting on top of the mountains. It is named after the Redwood Forest na di kalayuan sa school.


Ang Redwood High ay isang malaking school na nahahati sa four sections. Ang North Section kung saan nandoon ang entrance, parking lot at main building for academics. Ang East Section kung saan nandoon ang gymnasium at pool, at ibang rooms for extra curricular activities. Sa West Section naman, nandoon ang library, mga science and computer laboratories. Sa South Section naman ay ang teacher's room, principal's office at ang chapel.


Sa gitna ng school, may malawak na quadrangle, garden at man-made lake. Ang dormitory ay located sa South section, sa bandang likuran na bahagi ng school grounds. Ito ay isang malaking building with five floors at may additional roof deck. Covered ang half part ng roof deck at doon ang meeting place namin.


Na gets niyo na hitsura ng school namin? Sinong gusto pa ng map?


May ilang estudyante ako na naka salubong habang papunta sa parking lot. Yung iba, mukhang mag papractice ng basketball sa gym at yung iba naman parang may project din tulad namin. Kailangan ko pa lumakad ng at least sampung minuto para marating ang entrance gate.


Pota kasi tong si Herschel, ginawa akong utusan!


Madali kong natanaw ang isang delivery guy na may dalang dalawang malaking boxes ng pizza at ilang containers na para siguro sa chicken at pasta sa labas ng school grounds.


"Kuya, yan ba yung order ni Herschel Rivera?" tanong ko kay kuya delivery guy.

"Yes, Ma'am. Eto po ang receipt. Hatid ko na po kayo sa loob, saan po ba dadalhin yan?"

"Ay wag na, kuya. Carry ko na to, salamat po," sabay abot bayad.


Nang makuha ko na ang sukli, nagsimula na kong maglakad pabalik sa loob ng school. Kaso nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang may marinig akong malakas na pagsabog. Parang malakas na explosion sa isang Michael Bay film.


*Bbbboooooooom Bbbboooooooom Bbbboooooooom*


"Ay boom boom pao ka!" sigaw ko sabay ng sunod sunod na pagsabog.

"Ok ka lang ba, Miss?" sigaw ni kuya delivery guy na inayos ang motor niya na biglang nabuwal sa di kalayuan.

"Ok lang naman. Ano kaya yun kuya?"

"Baka po may sunog at may sumabog na LPG, pero mukhang malayo naman."

"Salamat uli kuya, mag-ingat ka pag-uwi mo."


After ilang minuto nang paglalakad pabalik ng school, may pangalawa na naman na pagsabog. This time, mas malakas at mas malapit.


*Bbbboooooooom Bbbboooooooom Bbbboooooooom*


"Ay kike!"


Napasigaw ko at muntik pa kong madapa dahil sa lakas ng pagsabog. Nagmamadali ako pumasok sa loob ng gate. Nakita ko si Manong Henry security guard na unti-unting sinasara ang entrance gate.


"Manong Henry wait! Saan kaya yung sumabog?"

"Di ko alam, Shen, pero pag may mga ganyang threat, kailangan muna natin isara ang school hanggang magkaroon---"


*Aaaaaaaaaah Saaaakloloooo*


Di pa natatapos ni Manong Henry ang sasabihin niya nang biglang may narinig kaming sumisigaw sa di kalayuan at humihingi ng tulong. 

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon