Chapter 36 - Sewer

13.3K 600 13
                                    

POV Savannah

Time: 9:30 AM (Sunday)


Dahil sa sobrang kaba ko nang makita ko ang mga walkers na papalapit sa amin ni Kio, nagpanic ako at tumakbo palayo. Sinundan ko si Sienna, ngunit dahil sa pag-aalala ko kay Kio at kay Jordan, lumilingon ako palagi sa kanila. Hindi ko na namalayan na wala na Sienna sa harap ko. It is possible na lumiko sila ni Herschel sa isang daan at di ko na sila nasundan.

Nang makalayo kami sa maraming zombies, saka lang kami tumigil sa pagtakbo. Lahat kami ay naghahabol ng hininga sa pagod.


"Guys, I am so sorry. I was so careless to use the gun. Nag-alala ako para kay Kio. Akala ko kakagatin na siya ng zombie," mahinang sabi ni Jordan.

"JC, you put us in danger, but you saved my life. Thank you," nakangiting sagot ni Kio sa kanya.


Kung ako ang nasa kalagayan ni Jordan, I will do the exact same thing. Uunahin kong iligtas si Kio at saka ko na lang iisipin ang susunod na mangyayari.


"Kilala ko si Herschel, useless na maghanapan pa tayo. Dederecho sila papuntang west hanggang marating ang end ng sewer network system," sabi ni Jordan.

"Kio, ok lang ba yung leeg mo?" tanong ko kay Kio na hawak pa din ang leeg niya.

"Nasakal lang ako ng konti, pero carry pa naman. Kung tama ang calculations ko, it will take us more than three or four hours para marating yung dulo ng sewer. Simulan na natin maglakad bago tayo abutan ng dilim."


Nagsimula kaming maglakad and this time, dahan dahan kami every time na liliko kami ng daan. Jordan also put a silencer on his gun in case maka-encounter kami ng zombie.


"Buti may ilaw dito sa ilalim at di gaanong madilim," mahina kong sabi habang nakasunod kay Jordan.


Iniikot ko ang paningin ko kung may zombie na nakasunod or makakasalubong namin. Si Kio naman ay alerto din dahil siya ang nasa likod ko.


"Sana lahat ng lighting system nag fufunction. Isa lang ang binigay sakin na flashlight ni Che," sagot ni Jordan na nasa unahan namin at nagsisilbi namin na guide.


Dahil sa kakaikot ko ng paningin, di ko namalayan ang pagtapak ako sa basa at madulas na bahagi ng floor. Biglang nadulas ang paa ko at nahulog ang isang binti ko. Muntik na ko mahulog sa tubig, buti na lang nahawakan agad ni Jordan at Kio ang magkabila kong braso.


"Ayan na nga ba sinasabi ko, napaka clumsy mo!" bulong ni Jordan na may halong galit.

"Ako na nga nadulas, ikaw pa galit!"

"Guys guys, mamaya na LQ ha? Kalmahin niyo muna ang mga sarili niyo. Baka may ma attract tayo na unnecessary attention. Sasabunutan ko talaga kayo!" saway ni Kio sa amin.


Mahaba habang lakaran ang naganap. Nagpapahinga lang kami ng ilang minuto para uminom ng tubig. Masakit na din yung mga paa ko. I am sure may pasa yung binti ko dahil tumama ito sa cement nung nadulas ako. Kaso, ayoko mag-inarte at maging pabigat kay Kio at Jordan kaya pinilit ko maglakad ng maayos at hindi magreklamo.


"We have been walking for more than two hours, siguro it is time to take our quick lunch. We can stop here. Maliwanag dito and we can easily check kung may papalapit sa atin," suggest ni Kio nang makarating kami sa medyo malaking platform at maliwanag na bahagi.


Bago kami umalis kina Che, nagbaon na ko ng mga bread at bottled water. Umupo ko sa isang bahagi at nagsimulang kumain. Tama nga ko ng hinala, may mga pasa at may gasgas na ang binti ko.


Bakit kasi nagshorts pa ko, sana nagpants na lang ako! Di ko naman kasi alam na may zombie apocalypse pala.


"Ano yang mga gasgas na yan? Napaka tanga mo, ayan nasaktan ka!" galit na sabi ni Jordan at umupo sa tabi ko.


Kumuha siya ng towel sa bag at kinuha ang injured ko na binti. Pinunasan ang maputik na bahagi ng binti ko na para akong isang bata. He massaged my ankles dahil medyo swollen.


Galit ka ba o concern? Make up your mind Jordan!


"Ouch, wag mo diinan," sabi ko habang tinatalian ni Jordan ang tuhod ko na may konting sugat.

"Kung di ka isa't kalahating tanga, hindi ka masasaktan. Kaya mo pa ba lumakad?" galit pa rin na tanong niya.

"Mahapdi lang yung mga gasgas at sugat pero kaya ko pa naman." 

"I will carry your backpack. Humawak ka sa kamay ko para di ka madulas," mahina niyang bulong sa akin.

"Sigurado ka? Di ba may allergy ka sa mga tanga na tulad ko?"


Di ako sinagot ni Jordan at nakatingin lang siya sa akin. Kung kanina galit siya, his face is now soft as if concern siya sa akin. Kung wala si Kio, baka hinawakan ko na ang mukha niya at hinalikan ko na siya. Kahit niloko ko ni Jordan noon, siya pa rin ang mahal ko hanggang sa ngayon. Actually, siya lang naman ang lalaking minahal ko...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon