Chapter 52 - Roses

14.1K 1K 49
                                    

POV Sienna


Pag-akayat ko ng private plane ni Kuya Blare, I finally decided to cutoff any means of communications with a man named Herschel Rivera. He sent me hundreds of text messages and emails pagdating ko sa Perth, pero kahit isa, wala akong sinasagot.


Why? Kasi nahurt ako ng bongga! That's why!


Hindi ako makaka move-on kung may teeny weeny attachment pa ako sa kanya. Kahit ang mga calls niya ay hindi ko sinasagot. Hindi ako nag-iinarte, napagod lang siguro ako.


Drama ko noh? Bida eh!


After graduation, inayos na si Savannah lahat ng documents niya at lumipad papuntang Perth, Western Australia. Savannah decided to took up Hotel and Restaurant management course. 

Ako naman ay kumuha ng Marine Biology dahil mahilig ako sa mga aquatic animals specially sa mga sharks, dugong, butanding, etc. Pangarap ko kasi magtrabaho sa National Geographic or Discovery Channel. Saka na amaze kasi ako sa Tonic Immobility sa mga sharks.


Search mo sa Youtube ang Tonic Immobility ng sharks, baka matuwa ka din!


Madali naman pinayagan ng daddy ko na gawin na scholar si Savannah. Kahit di sabihin sa akin ni Sav, alam ko na nahihirapan na siya sa piling ng aunt at uncle niya. Ilang beses na din niya sinabi kay Herschel na mag-aapply siyang katulong para lang makalayo sa mga kamag-anak niya.

Sa amin umuuwi sa Sav. Kaming dalawa lang ang madalas sa bahay dahil may sariling bahay si Kuya Blare. Ang parents ko naman ay madalas din sa penthouse ng hotel. Kuya Blare stopped flirting with Sav nang malaman niya na ex-girlfriend siya ni Jordan. He knows Jordan at parang isang kababatang kapatid ang turing niya dito.


Isang araw, hindi ko inaasahan na bibisitahin ako ni Randolf Dela Rosa. He asked me for an evening date at hindi ko naman siya tinaggihan. Baka sakali na makalimutan ko si Herschel kapag nagfocus ako kay Randolf...


"Sienna, tumawag si Randolf. Uuwi na daw siya ng Sydney, emergency daw!" excited na sabi ni Sav pagkababa ng phone at yung ngiti niya abot tenga.

 "Emergency? Sayang, may date pa naman kami mamayang gabi..."  

 "I don't know, Sienna. Ayaw ka niya na kausapin eh. Gusto niya lang pasabi sayo na babalik na siya sa Sydney. Fishy noh?"  


Bigla ako kinabahan sa mga pangyayari. Una, dahil biglaan ang pag-uwi ni Randolf pabalik sa Sydney. Pangalawa, hindi ako kinausap ni Randolf ng personal at nag pass the message lang siya kay Sav. Pangatlo, excited si Sav kahit canceled na ang date ko.


Hindi ko alam kung bakit siya excited, pero may pakiramdam ako na may kinalaman si Sav at si Herschel dito. I have a feeling na si Savannah mismo ang nag sumbong kay Herschel na nanliligaw na naman si Randolf sa akin. 

Hindi lingid sa akin na may constant communication silang dalawa. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Herschel kay Sav, pero biglang nagbago ang treatment niya kay Herschel. Dati ay sagad sa buto ang galit niya kay Herschel, ngayon, mukhang beshies na sila.


*Ding Dong Ding Dong*


Di na ako nakasagot pa dahil tumunog na ang doorbell. Biglang kumabog ang puso ko ng napalakas. Ang isip at puso ko na graduate ng Assumption College ay nag-aassume na naman na si Herschel Rivera ang nasa labas ng pinto. Kumaripas ng takbo si Savannah para pumunta sa pinto para malaman kung sino ang nag door bell.


"Aaaay! May tao! Buksan mo! Buksan mo ang pinto!" sigaw ni Savannah na parang kinikilig.

"Anong meron? May nag doorbell lang, para kang kiti kiti dyan!"


Binuksan ko ang pinto at isang lalaki ang tumambad sa akin. Mukhang isang delivery man based sa uniform niya. May hawak siyang dalawang dosenang pink roses.


"Delivery boy?" disappointed na sabi ni Sav na parang may hinahanap pa sa labas.

"Flowers for Ms. Sienna Ramos, please sign here," sabi ng delivery boy at inabot sa akin ang isang bouquet ng pink roses.

"Basahin mo na yung nasa card. Anong sabi? Bilis! Excited na ko!"


Akala ko, isang sorry flowers galing kay Randolf dahil biglaan siyang bumalik sa Sydney pero kilala ko ang handwriting na ito. Hindi ako pwedeng magkamali. This is definitely from a man that I used to know.



My Dearest Garbage Sienna,


I am still watching you from afar. Just so you know, you are mine, only mine...


Love,

Your Elevator Button...



Elevator button? Watching me? Andito ba sa Perth si Herchel ngayon? Siya ba ang dahilan kung bakit bumalik si Randolf sa Sydney?


"Awww! My dearest garbage! Ang sweet!" sigaw ni Savannah.

"Kailan naging sweet ang garbage?" mahina kong tanong sabay amoy sa bulaklak.


As expected, amoy rose, hindi amoy sampaguita. Kahit isang taon na ako na naiinis kay Herschel, di ko mapigilan ang sarili ko na kiligin sa dami ng bulaklak na natanggap ko.


"Sienna, I think ikaw pa rin ang garbage sa puso ni Che hanggang ngayon. Patawarin mo na kasi. Gusto naman magpaliwanag nung tao, ayaw mo lang pagbigyan."


Tignan mo itong babaeng ito! Dati ay galit na galit skay Herschel at kulang na lang ay ipakulam niya ito at si Jordan, pero ngayon, super boto na siya!


"Asan si Herschel? Waley di ba? Puro siya salita! Magsama sila nung girlfriend niya na si Misty!" sabi ko sabay pasok sa loob ng bahay.


Hinintay ko si Herschel ng buong araw kung darating siya, pero hindi ko nakita kahit anino niya. Nag-expect pa naman ako, hayun, nadisappoint na naman ako...


Walang hiya ka, Herschel! Akala ko pa naman darating ka!





---

Click mo na yung STAR please?

- Chi Summers

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon