Chapter 90 - Rotten Eggs

9.8K 380 24
                                    

POV Sienna

Time: Flashback


Warning: Last na flashback na ito dahil seryoso na ang mga susunod na chapters.


Stephanie Marquez. Tall, pretty, mestiza at matalino pero flat chested. Mayaman ang pamilya ni Stephanie kaya feeling niya ay isa siyang prinsesa at entitled siya sa lahat ng luho sa buhay.


Imagine a red-haired slutty mean girl na may nakasunod na two or three minions. Ganern si Stephanie!


Schoolmate ko na si Stephanie since first year highschool at hindi lingid sa akin ang pagiging bully niya sa mga scholars or sa mga not so rich kids ng Redwood High. Ang ayoko pa naman sa lahat ay yung magandang babae na akala mo superior sila sa ibang babae. Kaya nga hinahangaan ko si Savannah Roberts.

Savannah is beautiful inside out. She may have a Playgirl reputation, pero humble at napaka bait. Though hindi kami close ni Savannah dahil girlfriend siya ni Jordan, alam ko na maayos siya makitungo sa mga kababaihan. She is even teaching other students some make-over tips and make-up shits.


Dahil sa mga nakakarating sa akin na balita about kay Stephanie, palagi ko iniiwasan ang pagtatagpo namin ng landas. Nagsimula na din uminit ang dugo ko sa kanya dahil palagi siya nakadikit kay Herschel, ang antipatikong Student Council President ng Redwood High. Kung may hatest person award ako, ibibigay ko yun sa kanilang dalawa.


"Sienna, kunin mo nga yung listahan ng mga top ten students per year sa principal's office," utos ni Herschel habang nasa student council room kami.

"Di ba may mga paa at kamay ka? Eh di ikaw ang kumuha!"

"May I remind you that I am your president? I have the legal right to give you a mandate."

"Saang artikulo ng konstitusyon nakasaad ang legal right na sinasabi mo? Ang sabihin mo, kupal ka lang, Herschel."

"Kupal? Kanto girl ka ba at ganyan ang mga choice of words mo? Sabagay, basura ka nga pala. I should not expect any sophistication and class from you?"


Basura... Tinawag na naman niya kong basura...


"Ayaw mo ng word na kupal? Gusto mo may class at parang isang royalty? Then, let me call you Gaylord from now on. Congratulations, ikaw na ang Lord of the Gays!" inis kong sabi sa kanya at mabilis na lumabas ng student council room.


Kung affected ako kapag tinatawag ako ni Herschel na basura, alam ko na affected din siya kapag tinatawag ko siyang gay or gaylord.


Ang student council room ay nasa North Section malapit sa mga class rooms. Ang principal's office naman ay nasa South Section. Mabilis akong naglalakad papunta sa principal's office para sundin ang utos ni kupal. Bigla kong nakasalubong ang mga freshman students na parang kinikilig.


He is so cute! Grabe! Crush ko na talaga siya!

Bagay sa kanya yung seryoso ang mukha! He looks like a handsome prince!


Paglingon ko sa likod, kasunod ko na si Herschel sa likuran ko. Yung mukha niya ay parang sasabog sa galit. Kapag naabutan niya ko, malamang ay sasakalin niya ko sa poot niya sa akin.


Binilisan ko ang lakad papunta sa South Section pero napatigil ako nang biglang may bumagsak ang maraming slimy liquid sa ulo ko. Paghawak ko sa buhok ko, ramdam ko ang malagkit na texture ng mga itlog. Ang masaklap pa, mukhang itlog na bugok ang tumapon sa buhok ko dahil maantot ito.


Anak ng tite! Sinong balahura naman ang gagawa nito sa akin?


Iniisip ko pa lang kung anong species ng ibon ang capable mag produce ng rotten eggs, pero narinig ko ang tawanan ng ilang kababaihan sa second floor ng West Section corridor. Malakas ang pakiramdam ko na isang ibon na may pulang feathers called Stephanie Marquez ang may pakana nito. Galit na galit sa akin ang babaeng yun dahil palagi kami magkasama ni Herschel.


Hello? Malamang VP ako kaya kasama ko palagi yung impaktong President na yun!


"Hindi ka lang mukhang basura, amoy basura ka pa," sabi ni Herschel na bigla ako hinawakan sa braso at hinila papunta sa South Section.


Akala ko pupunta kami sa principal's office pero kinaladkad niya ko papunta sa school's dormitory at ipinasok sa loob ng girl's shower room. Binuksan niya ng bahagya ang shower at dahan dahan na tinapat ang ulo ko para banlawan ang traces ng rotten eggs.


"Umayos ka, baka madulas ka. Tanga ka pa naman," sabi ni Herschel habang nilalagyan ng shampoo ang buhok ko.

"Kasalanan mo ito. May fanatic ka na kulang na lang ay sambahin ka kaya nadadamay ako," mahina kong sabi sa kanya.

"Starting today, hindi ka na pwedeng maglakad na mag-isa sa school grounds. Dapat kasama mo ko or si JC."

"Seryoso ka ba, Your Gayness? Eh di mas lalo akong naging target ng crazy fans club mo kapag palagi kita kasama. Pasalamat si Stephanie, hindi ko siya pinapatulan."

"I will deal with Steph, myself. Banlawan mo mabuti yung buhok mo," sabi ni Herschel sabay labas ng shower room.


Pagbalik niya, may dala na siyang towel at isang white shirt. Dahil basa na din ang uniform ko, sinuot ko ang shirt niya kahit maluwag.


"Salamat sa shirt mo, babalik ko na lang," mahina kong sabi sa kanya habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"Sayo na yan, hindi ako gumagamit ng shirt na naisuot na ng mga basura."

"King-ina, Herschel. Lalabhan ko naman---"

"I said sayo na yan, Sienna. Wag ng matigas ang ulo. It actually looks good on you," sagot ni Herschel using his serious voice.

"It looks good on me? Herschel, may lagnat ka ba at nagsasabi ka ng compliments sa akin? Baka naman nagiguilty ka dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaroon ng bugok na itlog sa ulo?"

"Sienna, I am not giving you a flattering remarks. I am just stating facts na mas maayos ang hitsura mo kapag suot mo ang shirt ko. At least, hindi ka mukhang basura."

"Hay nako! Ang dami mo sinasabi. Huhubarin ko na lang itong shirt mo! Isaksak mo sa lungs mo!" sigaw ko sa kanya.

"Sienna, as much as I would love to see you half naked, I will not let you out of this shower room wearing your soaked uniform! Kita na kaluluwa mo sa basang damit mo!"

"Eh anong pake mo sa kaluluwa ko!"

"May pakialam ako dahil ayokong nakikita ng ibang lalake ang dibdib mo!"

"Nabobother ka ba sa dibdib ko?"

"Oo, matagal na! Masaya ka na? Bilisan mo mag suklay baka kung ano pa maisipan kong gawin sayo!" sigaw ni Herschel sa akin bago lumabas ng shower room.


Nabobother daw siya sa dibdib ko? Gusto niya rin ba magkadibdib? Gaylord talaga si Herschel!

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon