Chapter 25 - Cronus Garden

15.1K 712 32
                                    

POV Sienna

Time: 6:00 PM (Saturday)


Palubog na ang araw nang marating namin ang Greek Garden main road. Ilang minuto pa at nakita na namin ang Cronus Garden gate. Tulad nga ng inaasahan ko, ang Cronus Garden pinaka expensive sa lahat ng villages dito sa Greek Gardens. Tanaw ko na agad ang mga naglalakihan na luxury homes.


"Next time, kung mag-aaway kayong dalawa, sa likod kayo pwepwesto ha?" nakangiti na sabi ni Kio kay Jordan at Sav.

"Sorry na Kio. Di ko kasi napigilan damdamin ko. Bwiset kasi tong si Jordan Caden," nakapout na sabi ni Sav.

"Ako pa bwiset? Sino kaya nagsimulang sumigaw?" galit na sagot ni Jordan.

"Ayan na naman kayo, itigil niyo na yan at baka may makarinig pa sa atin. Che, malayo pa ba?"

"Pagpasok natin ng Cronus Garden Gate, derecho lang. Then turn right sa last na street," paliwanag ni Herschel.


Nagsimula kami pumasok sa Cronus Garden village. Bukas ang gate ngunit parang walang tao. Sabay sabay kami naglalakad at lahat ay alerto dahil madilim na ang daan.


"Kio, parang walang tao dito noh?" bulong ko kay Kio.

"Kung gagamitin ng mga residents dito yung shortcut papunta sa Eighth Avenue, madali nga makakaalis ang mga tao dito sa Greek Gardens. Sabi ng daddy ni JC, nag-announce na ang military na pumunta ang lahat ng survivors sa Saint Thomas Port para madala sila sa Aquinas Island."

"Di ba military base ang Aquinas Island? Nakapunta na ko dun dati nung fieldtrip at ang laki ng underground facility. Tama lang na dun dalin ang mga survivors dahil kaya mag accommodate ng maraming tao," mahinang sagot ko sa kanya.

"Aldridge City is one of the safest cities sa buong bansa. With the help of our military, maraming magiging survivors sa lugar natin."


Aldridge City is bordered by mountains from north to east hanggang south. Ang west portion ng city lang ang walang mountains at nasa tabi ng Aldridge Bay. Imagine a rectangular shaped city surrounded by mountains except for the west side which is edged by waters.

The central city itself is divided by several roads. The largest highways are the First Avenue and the Eighth Avenue. Both of these freeways are located along the foot of the mountains at nasa magkabilang dulo ng city. The Eighth Avenue is located along the northern mountain borders while the First Avenue is located on the southern section.

Aldridge City is the perfect city for a zombie apocalypse dahil protected ang mga borders, but then we are one of the several cities na mabilis tinamaan ng zombie virus. It is a mystery na hindi ko alam ang sagot.


Liliko na sana kami pakanan sa street nila Herschel nang may marinig kami na kakaibang ingay. It is like a buzzing sound that is getting louder every second. It sounds annoying, but at the same time, it sounds terrifying.


"Guys, we need to stop," mahinang sabi ni Herschel.


He motioned us to hide sa likod ng isang malaking sasakyan. May idea na kami kung ano ang ingay na naririnig namin.

Lahat kami ay naka hilera sa likod ng sasakyan at ewan ko ba kung bakit si Herschel na naman ang katabi ko. Madilim ang bahagi na ito dahil walang ilaw. Hindi kami mapapansin ng mga zombies unless may ability sila to smell our sweat dahil pawisan na kaming lima.


"What the fuck is that? Zombie horde? Bakit nandito sila sa Cronus Garden?" tanong ni Jordan habang nakasandal kami sa likuran ng sasakyan.

"May isang private college school malapit sa Cronus Garden. Baka na attract sila sa mga ilaw dito kaya pumasok sila," paliwanag ni Kio.


Ilang sandali pa ang lumipas at napansin namin ang mga grupo ng zombies na paparating. It is like I am watching a parade of zombies right now. Kulang na lang ang kanta ni Michael Jackson, nasa music video na kami ng Thriller.

Kahit mabagal silang maglakad, wala kaming kalaban laban sa napakarami na zombies. They are wearing uniforms at mukhang mga estudyante at mga guro ng college school na sinasabi ni Kio. Paikot ikot lang silang naglalakad ng walang direksyon.


"Che, yan ba yung street niyo?" mahinang tanong ni Jordan habang nakatago kami sa di kalayuan.

"Unfortunately, yes. They seemed to be attracted to this street dahil ito lang ang bukas ang mga lamp posts. Kio, do you have something in your mind?"

"I need a sacrifice," mahinang sabi ni Kio ma mukhang nagkakaroon ng panic attack at pinagpapawisan.

"Human sacrifice? Si Herschel na lang para mabawasan ang mga rude na tao sa balat ng lupa," sagot ko sa kanya.

"Papayag lang ako kapag kasama ka Sienna, para mabawasan ang basura sa mundo."


Pssssh! Basura na naman ako. Ilan beses ko ba maririnig ang word na basura sa lifetime ko!


"Guys, I need a sacrifice like your mobile phones. We will set an alarm for few minutes and we will use this to lure those zombies away from that street. Anyone who wants to volunteer?" tanong ni Kio.


Alam ko na kailangan ni Jordan ng phone niya para tawagan ang daddy niya. Si Kio naman ay baka kailangan ang phone niya to connect to the internet. Si Sav naman ay baka hindi afford na bumili ng new phone. Si Herschel naman... Nevermind!!!


Bago pa kami mag-away away, ako na lang ang nag volunteer. Mas importante ang buhay namin at kaligtasan kaysa sa isang smartphone.


"Use mine, Kio. Gagamitin ko na lang ang phone mo para kontakin ang parents ko at si kuya. Wala naman ako attachment masyado sa phone ko," sabi ko kay Kio sabay bigay ng mobile phone ko sa kanya.

"Are you sure, Sienna? Paano na lang ang mga pictures ko na naka saved sa phone mo? Wala ka ng hahalikan sa gabi," bulong ni Herschel sa akin na sobrang lapit na naman sa tenga ko.


Humarap ako sa kanya at kulang na lang ay mag dikit na naman ang ilong namin sa closeness. Nagsisimula na naman siya sa kanyang mga mapanganib na laro at sigurado ako na ako ang unang mapapahamak.


"Herschel, hindi ko na problema yun. Hahalikan na lang kita mamayang gabi," mahina kong sagot sa kanya while gritting my teeth.

His eyes widened with what I just said. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya at hindi siguro niya inaasahan ang sasabihin ko. 

Herschel is flirting with me and he did not expect that I will use the same tactics against him...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon