Chapter 38 - Savannah

14.1K 579 6
                                    

POV Jordan

Time: Flashback


Savannah Roberts is one of the prettiest faces in Redwood High. She is tall with a stunning body na parang isang international model. She is fitted to be the reigning Redwood High Queen.

Matagal ko ng kilala si Savannah, pero never kami nagkaroon ng chance na maging close sa isa't isa. Sa lahat ng babae sa campus, siya lang hindi ko nililigawan dahil alam ko na Playgirl siya, my exact counterpart. Every quarter ata ay may new boyfriend ang babaeng ito.

Papunta ako sa basketball gym nang makarinig ako ng dalawang boses na nagsisigawan. Napansin ko agad sa bandang gilid ng gym si Richmond, ang isa sa mga basketball players ng school at si Savannah. They are in the middle of a heated argument.


"Bitiwan mo ko, Richmond! Nasasaktan na ko!"

"Sav, what the fuck! Pa hard to get ka pa ba? Di ba dumaan ka na sa ilang lalaki? Ano pang inaarte mo?" sabi ni Richmond.


He pinned her on the wall at pwersahan na hinalikan si Savannah sa labi pababa sa kanyang leeg. Alam ko na si Richmond ang current boyfriend ni Savannah. Ayoko na sana makialam pero napansin ko na tumutulo na ang luha ni Savannah sa ginagawa ng boyfriend niya. It is like he is kissing her against her will.


"May problema ba?" tanong ko sa kanila at mabilis na binitawan ni Richmond si Savannah.

"LQ lang, captain. We are good. Gusto lang ng syota ko ng thrill," sagot sa akin ni Richmond.

"It does not look that way. Your girlfriend is clearly crying."

"JC, you may be our basketball team captain, pero wala kang karapatan na makialam sa amin ni Savannah. Can you leave us alone?" galit na sabi ni Richmond.


Tinignan kong mabuti si Savannah. Humahagulgol siya ng iyak habang dahan dahan na sinasara ang buttons ng blouse niya. Bakas din sa maputi niyang braso ang pasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Richmond.


"Richmond, tama ka, I don't have the right to meddle with your clash. Let me just call Che instead," sabi ko sabay kuha ng phone ko para tawagan si Che.


Che is the student council president. Unlike other school presidents, Che is very much concern sa well being ng mga students sa Redwood High, except for Sienna. Ang kanyang favorite toy.


"You are going to involve the president here? Dahil ba dikit kayo? Hindi dahil Redwood King ka, may karapatan ka na ipagtanggol ang Redwood Queen mo na parang knight in shining armor. Tulad nga ng sabi ko, gusto lang namin ng thrill kaya wag ka na makialam!"

"Pare, thrill ba tawag mo dyan? Mukhang pinagsasamantalahan mo na yung tao eh!" sigaw ko sa kanya sabay hawak ng kwelyo niya.

"Fuck off, JC! Sinong maniniwala na pinagsamantalahan ko siya? Everyone knows that this girl is a bitch!"


I can see pain crossed Savannah's eyes. Marami siguro siyang naging boyfriend pero babae pa rin siya. Hindi siya dapat binabastos ng tarantado niyang boyfriend. Binitawan ko ang kwelyo ni Richmond at bigla ko hinawakan ang braso ni Savannah. I pulled her away from her despicable boyfriend.


"Che will surely hear about this!" sigaw ko kay Richmond habang lumalakad kami ni Savannah palayo sa kanya.

"Fuck you, JC!"

"And by the way, you are fired from the basketball team starting now!"


Dinala ko si Savannah sa chapel sa South Section kung saan walang masyadong tao. I doubt na mahahanap kami ni Richmond dito.


"No offense, Savannah but your boyfriend is an asshole," sabi ko sabay bigay sa kanya ng panyo para pahiran ang luha niya. Kahit malayo na kami kay Richmond, patuloy pa rin ang pag-iyak niya.

"Salamat, Jordan. Kung hindi ka pa dumating, baka kung ano na ang nangyari sa akin."

"Hindi ko tatanggapin ang pasasalamat mo Savannah unless hihiwalayan mo na yang si Richmond at ako na ang gagawin mong boyfriend," biro ko sa kanya.


Ngumiti lang siya sa akin habang pinapahiran ang luha niya. That incident became the start of our friendship. Nakilala ko ang tunay na Savannah Roberts. She's not an attention seeking bitch tulad ng pagkakakilala ng karamihan. Naghahanap lang talaga siya ng kaibigan na tatanggapin siya.


Within months, I found myself falling in love with this witch. I courted her and we became a couple. Being with Savannah is the happiest moment of my life. Nagbago ako dahil kay Savannah at ganun din siya. We are no longer the Heartbreaker and the Playgirl as we became loyal to each other. It is like a perfect love story until Alicia happened.

Matagal ko ng alam na hinahabol ako ni Alicia, pero kaibigan lang talaga ng turing ko sa kanya. One day, she asked me to meet her in front of the chapel dahil may importante daw siyang sasabihin. Akala ko mag-uusap lang kami, pero hindi ko inaasahan na bigla niya akong hahalikan.

It seems that everything was planned as Savannah saw what happened. After that incident, I saw her na sumakay sa kotse ni Gerald, her long time suitor.


Sa totoo lang, this is just a simple case of misunderstanding na nag cause ng complex outcome. Instead of fixing this mess, both of us decided to part ways. Pride destroyed our relationship.


We never talk about what happened kaya kapag magtatagpo ang landas namin ni Savannah, we never hesitate to show how much we detest each other.


Kung nag-usap lang kami noon, kung isinantabi lang namin ang pride namin noon, siguro kami pa rin hanggang ngayon...

Truly Madly Deeply Zombie [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon