Magnitude X : LV

47 1 0
                                    

————-

"Na miss kita ng sobra." sabi ko habang nakayakap pa din ng mahigpit sa kanya.

"Na miss din kita." sagot niya at kahit hindi niya sabihin ay ramdam ko ito sa kanyang mga yakap.

"Ang ganda dito, ang sariwa ng hangin, ang payapa ng lugar. Walang away, walang gulo. Gusto ko dito." wika ko at namamangha pa din sa paligid.

"Oo maganda dito Sivan. Pero hindi ka pa maaaring pumarito."

"Bakit naman? Gusto ko dito, gusto ko dito na lang ako panghabang buhay." sabi ko ng may ngiti sa aking mga labi.

"Gusto mo ba talaga dito?"

"Syempre naman."

"Gusto mo ba ako makasama dito?"

"Syempre. Bakit ano bang mayroon at mukhang hindi ka masayang nandito ako." wika ko.

"May tanong lang ako. Sana masagot mo." seryoso niyang sabi.

"Mahal mo ba ako?" dagdag niya at doon na rumihestro sa utak ko ang tanong niya at bigla na lang ako napalunok ng laway.

"Oo. Mahal kita." sabi ko at natawa na lang siya.

"Baliw ka talaga. May Hub ka na e." pabiro niyang wika sabay gulo sa buhok ko. Bahagya akong napangiwi ng labi sa sinabi niya.

"Ito lagi mong tatandaan Sivan. Mahal na mahal kita, kahit malayo ng maging tayo. Dahil nandiyan na ang taong mas mamahalin ka at alam kong mahal mo. Si Hub." seryoso niyang sabi.

"Diego hindi kita maintindihan." sabi ko na animo naguguluhan sa sinasabi niya.

"Tsaka sinong Hub? Di ko siya kilala?" dagdag ko.

"Hindi mo siya kilala dahil nasa kabilang mundo siya." sabi niya sabay hawak sa kamay ko at inilagay sa mismong dibdib ko.

"Pero iyang puso mo ay hindi basta makakalimot." dagdag niya. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo at doon ay unti unti na siyang naglaho ng parang bola kasabay noon ang pagdating ni Zaco sa aking harap.

"Tandaan mo Sivan

"Sivan! Sivan!"

"Fuck!"

Naalimpungatan na lang ako at dahan-dahang dinilat ang mga mata. Maraming nagsasalita sa paligid at sobrang liwanag.

"Salamat at nagising kana" ulat ni Hub habang hawak ang ulo ko.

Mukhang nandito kami ngayon sa isang hospital, sa emergency room kung saan nakahiga ako at may mga nakasabit sa dalawang paa at kamay.

"Tatlong araw ka ng hindi nagigising. Normal naman ang takbo ng pulso mo at maging ang vital signs. Payo ng Doctor at Nurse ipahinga ka nalang muna dahil sobrang bugbog ng katawan mo sa pagod kahit wala namang pasa."

"Andito sila Clifford at Maureen kanina, bumisita. Bale ako nalang mag-isa ngayon. Buti nga't gising ka na." dagdag ni Hub.

"Tatlong araw? at si Clifford? okay na siya."

"Okay naman ang lahat Sivan. Huwag ka mag-alala."

"Anong nangyari?" Pilit kong nirerehistro yong isipan sa nangyari bago mapunta dito subalit pumipintig lang ugat sa utak ko at sumasakit.

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now