Magnitude X : IV

767 108 23
                                    

•••••••••••••••

"Fist of thunder! Take this!"

Napatakip ako ng dalawang mata sa lakas ng suntok ni Clifford sa mga hollowblocks na nakagawa ng mga buhanging usok sa paligid. Grabe, ang lakas niya.

Nandito kami ngayon sa isang secret private training center, mala-semi jungle ang style ng paligid. Maraming nagkalat na mga malalagong puno at halaman subalit ito'y mukhang mga artipisyal lamang. Ang disensyo ay parang katulad ng movie na "Planet of the Apes", parang play ground ng mga apes sa movie, pero mas malawak ang isang ito, sobrang lawak. Walang CCTVs at tracking of location system kaya safe and secure dito mag-ensayo. Walang ibang makakakita ayon kay Clifford. Sariling pera niya ang gamit sa pagpapagawa ng lahat ng ito kaya hindi alam ng parents niya na may ganito dito sa bahay nila.

"Wow, ang galing mo Clifford." sabi ko sabay palakpak sa pagkamangha pagkatapos niyang mapatumba ang mga matitigas at matitibay na hollowblocks.

"Sus bilib ka na naman sakin."

"Syempre naman ang astig mo kaya." sabi ko. Ngumiti lang siya pagkatapos.

Medyo nasasanay na din ako sa kakaibang anyo ni Clifford at hindi na masyadong natatakot.

Mahigit dalawang linggo na kaming nag-eensayo at mukhang wala pa ding nangyayari sa akin. Hindi ko naman kasi alam kung saan at paano magsisimula para malabas ko na ang kapangyarihan ko.

"Normal lang yan Sivan, kami nga ni Clifford umabot ng limang buwan para matukoy kung anong mayroon kami at naniniwala akong maiilalabas mo din iyang sa iyo." saad ni Kiara na malamang ay binabasa na naman ang nilalaman ng aking isipan.

Nasa kabilang estasyon siya ngayon at nag-eensayo din. Nagagawa niya nang igalaw ang mga bagay gamit ang kanyang isipan pero hindi pa fully develop. Nahihirapan pa din siya pero ang astig ng kapangyarihan niya, mental telekinesis.

"Ugh! Nakakainis." iritang bulalas ni Kiara na kinokontrol ang isang mangkok. Pinapalutang sa ere pero mga ilang saglit lang ay nahulog din at nabasag.

"Sumasakit na ulo ko." dagdag niya.

"Kaya mo iyan Kiara. Nandito lang kami. Ang galing mo nga e." pag-cheer ko. Ngumiti lang siya at pumikit muli, hawak-hawak ang kanyang sintido. Mukhang gagamitin niya na naman ulit kanyang kapangyarihan.

Sa ngayon ay nasa isang sulok lang ako at pinagmamasdan ang dalawa. Grabe, ang seryoso nila. Pursigido talaga silang matuto at lumakas pa. Samantalang ako dito ay nagmumukmok lamang sa tabi, pakiramdam ko tuloy ay isa lamang akong mansyon na walang taong nakatira, in short, walang silbi.

Maya maya ay napagpasyahan kong umalis muna saglit. Hindi na ako nagpaalam pa at nag-aksaya ng oras at mabilis na nagmuni-muni sa loob, umiikot-ikot sa malawak na training center na ito.

Sa aking paglalakad ay maraming nahagilap ang aking dalawang mata. Mga armas, baril, patalim, potions, at makabagong mga teknolohiya na malamang ay may malaking silbi. Nakakamangha.

(Hintaero amisidi quelo nizar)

Biglang may usok na bumulaga sa harap ko at nagpakita ulit siya. Si Zaco, ang mahiwagang gintong babae.

"Gusto man kitang tulungan subalit kailangan mo itong mahanap sa sarili mong paraan." bungad agad ni Zaco na malamang ang tinutukoy ay ang kapangyarihang mayroon ako.

"Anong paraan? Pakiusap, tulungan niyo naman po ako. Gusto ko na malaman ang powers ko at maging super hero na." I begged but she seems dismayed.

"Siguro nga ay di ka pa karapat-dapat."

"Po? Zaco. Huwag ka muna umalis please." saad ko subalit huli na. Umusok muli mismo ang kanyang katawan hudyat na naglaho na nga siya. Kasabay ng pagkawala niya ang pagdating nina Kiara at Clifford sa kinaroroonan ko. Nakakapanlumo.

"Oh Sivan, nandito ka lang pala. Dali na. Punta muna tayo sa taas, unting merienda." sabi ni Clifford sabay bahagyang yakap sakin. Ang hot niya pa din kahit pawisan.

"Oh! Anong problema Sivan?" tanong ni Kiara na mukhang nahalata ang kunot kong noo, mukhang babasahin na naman niya ang nasa isipan ko subalit mabilis namang akong umaksyon at pinakalma ang utak. Nag-divert agad ako ng ibang senaryo sa utak para maguluhan siyang basahin ang nilalaman nito.

"Wala naman Kiara." maikli kong tugon sabay pilit na ngumiti at tinuon na lamang ang atensyon kay Clifford.

"Sige ba, medyo nagugutom na din ako at gusto ko din na syempre makita ang buong bahay mo maging ang kwarto mo." masigla kong sagot kay Clifford at nauna na sa kanila. Into my peripheral vision. I saw Kiara shrunk and didn't mind after but instead joined us stepping the floor throughout.

As of now, I didn't bother thinking what Zaco announced earlier because I knew in myself that I'm emotionally and physically prepared. I already accepted my faith but she said that I'm incompetent of doing so.

Maya maya ay narating na din namin ang elevator, pumasok sa loob at tinungo ang floor kung saan nandoon ang kwarto ni Clifford.

Ilang saglit lang ay bigla nang bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nakarating na kaming tatlo at hindi kayo maniniwala sa natuklasan ko. Grabe. Nakakamangha.

•••••••••••••••••••••

Sivan had a new friends which are, Kiara and Clifford. Exciting right? Now, don't forget to vote, comment, and share. Read the next part and have a nice day.

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now