Magnitude X : XXXVIII

286 34 0
                                    


"Takbo!" sigaw ni Maureen ng tuluyang naglaho ang nagsisilbing shield sa amin na kanyang ginawa. Tumakbo naman agad kaming lahat maliban kay Jose na nagpaiwan marahil sa mga ugat ng puno na mistulang nakagapos sa kanya. Mukhang hindi naman siya pinapaslang ng mga pirata at naging kakampi pa niya ang mga iyon.

Ligtas kaming nakaalis sa gulo at mabilis na nagtago sa malaking puno at nag-isip ng susunod na hakbang.

"Sorry guys. I can't take it any longer." Maureen sincerely apologized.

"Naubusan ako ng lakas. Hindi pa kasi ako bihasa sa paggawa ng paper barrier." dagdag niya na ang tinutukoy ay ang kapangyarihan niya kanina.

"Okay lang. You did a great job." sabi ni Alyza kay Maureen na katabi niya ngayon sa kabilang puno habang katabi ko naman ang dalawang sina Hub at Diego sa malaking katawan ng puno. Nagtatago sa maaaring biglaang atake ng mga kalaban.

"Siguro ay kailangan na nating puntahan ang Magnitude Arena. Iyon na lamang ang natatanging paraan." bulalas ni Diego at agad na nag-sign gamit ang kanyang mata na kami ay tumakbong muli. Sinunod naman namin siya at mabilis na tumakbo palayo upang makatakas na din sa mga kalaban.

"Dito." sabi ni Alyza at tinakbo ang kaliwang masukal na daan ng biglang may nilalang na tumakbo sa kanan palapit sa akin at hindi sinadyang nabunggo ako. Sobrang lakas ng pagtakbo niya at nasubsob kaming dalawa pareho sa lupa.

"Sh*t!" I whispered, aching.

"Sivan! Maureen!" ulat ng babae sabay yakap sakin ng mahigpit. At doon ko lang siya nakilala sa kanyang pamilyar na boses.

Si Marga. Ligtas siya. Bigla naman siya nagsalita pagkakita sa amin.

"Sina Mark at Clifford kasama ko sila subalit ako lang ang nakatakas." ulat ni Marga habang hinihingal. Parang baliw na hindi mapakali sa kanyang ulirat. Bakas sa mukha ang takot at tila ilang minuto ay papatak na ang namumuong luha sa kanyang mata sa sobrang pula.

"Bakit anong nangyari?" pagtataka kong tanong sabay tayo at inalalayan siya. Ang daming dugo sa kanyang kasuotan, tanaw ang mga galos at pasa sa katawan na mukhang galing sa digmaan.

"Pinatay sila!"

"Ano! Ulitin mo nga sinabi mo. Sinong pinatay!" gulat kong saad.

"Pinatay sila Clifford at Mark ng mga Z's platoon. Nandito sila sa lupa ngayon! Nasa labas na sila ng Arena. Tuluyan na silang nakalabas ng Arena." ulat ni Marga at tuluyan ng umiyak. Humahagulgol. Tinatakpan ang kanyang mukha gamit ang dalawang kamay.

Mula sa narinig. Para akong dinaganan ng dambuhalang elepante sa binigkas ng kanyang labi. Ni hindi makapaniwala sa sinabi niyang patay na sila. Patay na si Clifford.

"Sigurado ka bang patay na si Clifford? Magsabi ka ng totoo!" malutong na bulalas ni Alyza at hindi na din napigilan ang sarili, kanya ng binuhos ang kanyang emosyon at tuluyang nanlumo.

"Hindi ko alam. Bigla na lang sinaksak si Jose sa dibdib at doon parang bumalik ang dati kong katinuan at tuluyang nakawala sa mga pirata na pumipigil sa amin."

"Nakawala ka pala eh bakit hindi mo man lang tinulungan si Clifford." pagalit na saad ni Diego. Nadadala na din sa emosyon.

"He's still unconcious. He's still manipulated by the Magno. I can't save him." mabilis na sagot ni Marga habang umiiyak pa din.

"Hahanapin natin sila Sivan. Huwag kang mag-alala." pagtahan ni Hub sakin sabay hagod sa likod ko. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyari sa kanya. Maging sila Kiara.

Ilang sandali ay bigla na lamang ako kumilos at nagsalita. Napabuntong hininga.

"Halika na. Hanapin na natin ang Arena." determinado kong saad sa kanila sabay pahid sa butil ng luha sa aking pisngi.

"Tama na muna ang drama. Hindi pa tapos ang laban." dagdag ko at tuluyan ng nilakbay ang daan na ngayon ay medyo tanaw na ang dagat sa malayo.

"Sivan hintay." sigaw ni Diego subalit nauna na ako at iniwan na sila. Wala sa sariling naglakad palayo.

"Sivan delikado. Tuluyan ng nakalabas ang Z's platoon sa Magnitude Arena! Sivan!" rinig kong sigaw ni Marga subalit binalewala ko nalang.

Sa aking paglalakad ay bigla na lamang may humablot ng marahas sa damit ko at pinaharap patalikod.

"Baliw ka ba! Anong masamang hangin ang pumasok diyan sa utak mo!" sermon ni Diego sakin na sinundan pala ako subalit binigyan ko lang siya ng masamang tingin.

"Kailangan kong makompirma kung patay na nga ba talaga si Clifford!" matigas kong sagot.

"Huwag kang magpadalos-dalos. Kailangan nating magplano muna. Hindi mo matutulungan mga kaibigan mo kung susugod ka kaagad at magpapakita sa kalaban." sabi ni Diego na medyo mahinahon na ang tuno ng kanyang boses. Medyo lumuwag naman ang pakiramdam ko sa narinig at napabuntong hininga na lamang ulit. Tama siya.

"Halika bumalik na tayo doon. Mas ligtas tayo at doon na muna magpalipas ng oras upang mag-isip ng susunod na hakbang." dagdag niya ng biglang may lumitaw sa kanyang dibdib na matulis na sandata. Biglang nanlisik ang mata niya at lumabas ang maraming dugo sa kanyang bibig.

"Diego!" nanginginig kong ulat. Nakatingin lamang sa kanya at hindi alam ang gagawin.

"Sivan." huli niyang sabi at tuluyan na siyang natumba at nawalan ng malay. Hindi maaari.

"Ikaw ang susunod kong papatayin." sabi ng lalakeng pumaslang kay Diego. Nadagdagan pa ang pagkagulat ko ng masilayan ang lalakeng pumaslang kay Diego.

Si Hub. Si Hub na walang awang sumaksak kay Diego sa likod.

"WAAAAHHHHHH!"

•••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now