Magnitude X : XXXX

263 31 2
                                    


Ilang metro na ang layo ng aking paglalakbay palayo at medyo humuhupa na din ang lindol at unti unting bumabalik sa normal nitong estado.

"Diego." sabi ko ng matanto ang ligtas na lugar, dahan dahang binaba ang katawan niya sa malambot na lupa at mariing siyang niyugyog subalit wala na siya. Wala na ang taong nagparanas sa akin kung paano magmahal, masaktan, at maging ako.

Pakiramdam ko ay para akong sinakluban ng langit at lupa ngayon. Sobrang sakit. Kung sana ay pwede lang balikan ang nangyari ay natulungan ko pa siya at naligtas.

"Diego! Gumising ka!" saad ko subalit himala na lang kung gigising pa siya.

Ibayong lungkot ang aking nararamdaman na parang may matutulis na karayom na tumutusok sa aking dibdib. Hirap paniwalaan ang sinapit ni Diego. Hindi ko inaasahang mangyayari ito sa kanya.

"Zaco! Bakit mo siya hinayaang mapaslang? Wala kang kwentang tagabantay!" malakas kong sigaw. Pagkatapos ay niyakap na lamang ng mahigpit ang bangkay ni Diego.

"Tanggapin mo ng wala na siya Sivan." rining kong wika ng lalakeng pamilyar ang boses sa aking pandinig. Walang iba kundi si Hub.

Ilang saglit ay tumayo na ako at niyakap si Hub ng mahigpit at doon na humupa ang mga butil ng luha sa aking mga mata, di magkamayaw sa pag-iyak na parang batang inagawan ng candy.

"Ganito talaga ang kapalaran nating mga Man Havocs. May maglalaho subalit may dadating. Namatay si Diego ng may dignidad kaya dapat maging masaya ka sa para sa kanya." wika ni Hub sa akin at ninamnam na lamang ang init niyang yakap. Ilang minuto ay agad na akong kumalas sa kanyang bisig at pinahid na lamang ang mga luhang pumapatak sa aking pisngi. Huminga ng malalim at nagsalita.

"Maging masaya? Masaya ba ang mawalan ng kaibigan!" ulat ko.

"Kaibigan?"

"Oo. Kaibigan. Kaibigan lang kasi ikaw ang mahal ko." sabi ko na ikinagulat naman niya. Niyakap ko siya ulit, pagkatapos ay malambing niya akong hinalikan sa noo.

"Talaga ba?" tanong niya na mukhang hindi pa din makapaniwala sa narinig.

"Oo matagal na kitang mahal. Kaya ikaw mag-ingat ka. Baka pag ikaw na naman ang mawala ay siguro mamabaliw na ako." sabi ko.

"Baka ikaw ang mag-ingat. Alam mo namang immortal ako diba?" sabi niya. Bakas ang ngiting gumuguhit sa kanyang labi. Napangiti na lamang ako at niyakap siyang muli. Kahit papaano ay unti unting nawala ang kurot sa aking dibdib at napalitan ng minimal na saya.

Maya maya ay napagkasunduan namin ni Hub na ilibing na ang bangkay ni Diego. Agad ko namang pinalambot ang lupa at ibinaon ang kanyang katawan sa pinakalilim upang  makasiguradong ligtas ang kanyang bangkay.

Nalulungkot man. Subalit sa ngayon ay kailangan kong maging matatag at hindi pa tapos ang laban. Marami pa ang mangyayari at kailangan kong maging handa.

"Halika na. Hanapin na natin sila." sabi ni Hub. Sumang-ayon naman ako sa kanya at tinahak na ang lupalop at mariing hinanap ang iba naming kasama. Lalo pa at tuluyan ng natauhan si Kiara, at may posibilidad na tuluyan na ding nakawala sa patibong ng mga Magno ang kambal at si Andie, pati si Clifford na alam kong buhay pa.

Sa aming paghahanap ay may napansin kaming kakaibang tunog doon sa kabila. May umuungol.

"Dahan dahan lang. Baka makita tayo." saad ni Hub, sapat lang na ako lang ang makarinig. Pa simple ko namang iniiwasan ang mga patay na dahon at mga ligaw na kahoy sa bawat hakbang upang hindi makagawa ng ingay at ilang saglit lang ay tuluyan na naming nasilayan ang nangyayari at sina Marga at Maureen ang nandoon hawak ng mga makapangyarihang Man Havocs. Ang Z's platoon.

"Pakawalan niyo kami." sigaw ni Marga  doon subalit pilit siyang hinawakan ng mahigpit ng mga pirata. Napatingin naman ako kay Hub subalit blanko ang kanyang mukha.

Kailangan namin silang tulungan pero out-numbered kaming dalawa sa dami ng kalaban.

"Si Alyza. Nasaan kaya siya?" tanong ko sa sarili ng mapansing hindi siya kasama ng dalawang babae na ngayon ay hawak ng mga Z's platoon. Talaga ngang tuluyan na silang nakalabas sa Magnitude Arena.

"Ma? Pa? Ako po ito, si Maureen. Ang anak niyo." sigaw ni Maureen.

"Anak? Wala akong anak bata. Huwag kang gumawa ng kwento kung ayaw mong putulan kita ng hininga." sigaw ng lalake na myembro ng Z's platoon, malakas na sinampal si Maureen at natutuwa pa ito sa kanyang ginagawa. Sa anak niya.

"Pa?" pagmamakaawa ni Maureen subalit parang tumagos lang sa kabilang tenga ng lalake ang sinabi ni Maureen. Ang lalake na kanyang ama.

"Wala kayong kwentang magulang. Anak niyo siya. At ginagamit lang kayo ng mga Magno!" walang takot na sumbat ni Marga na halatang napakunot ang lalake sa inulat ni Marga at mukhang tuluyan ng umusok sa galit.

"Huwag mo kong sigawan bata ka!" sabi ng lalake sabay labas ng kanyang kapangyarihan at hinawakan sa leeg si Marga. Nanginginig naman ngayon ang buong katawan ni Marga sa kuryenteng kapangyarihan ng lalake. Naalala ko naman bigla ang lalake. Siya ang umatake samin ni Clifford dati gamit ang malakas niyang kapangyarihan, ang delikadong kuryente.

"Hub kailangan natin silang tulungan." sabi ko. Hindi na makatiis sa aking nasisilayan. Aalis na sana kaming dalawa sa aming tinataguan ng biglang may tumakip sa aking bibig sa likod at mabilis na tinutukan ng patalim sa leeg. Maging si Hub.

Lagot. Mukhang katapusan na namin.

•••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon