Magnitude X : XXVI

410 62 2
                                    

•••••••••••••

"Now let the battle begin." anunsyo ng matanda. Umaalingasaw naman sa loob ang lakas ng hiyawan, marahil sa kami nga ang unang lalaban.

Naghihintay lang ako sa unang atake niya subalit nakatitig lang siya sakin na ikina-distract ko.

Those eyes, I almost fall in love with those eyes. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at agad na nagbungkal ng semento at inihagis sa kanyang direksyon. Natamaan siya at di man lang umiwas. Natingin lang siya sa mga mata ko, mga mata niyang nangungusap na may nais ipahiwatig.

"Zaco help me figure out if this guy is really Hub or not." hiling ko sa hangin na sana ay dinggin. Kahit sign man lang.

May naisip akong ideya at sa muli, ay agad akong nagbungkal ng malalaking semento at inihagis sa kanya. Swabe naman siyang umiwas at napaatras.

"Sh*t!" sabi ko sa sarili at rinig pa din ang hiyawan sa loob. Pinakiramdaman ko naman ang lupa subalit medyo blurred siya sa pandama ko.

The stage is now made of rock, metal, and aluminum, unlike before na gawa sa metal lahat ang mga materyalis.

Mga ilang segundo ay bigla naman siyang kumilos at mabilis na hinagis ang kanyang kamao paroon sakin.  Nakailag ako at pinalutang ang dalawang hugis bola na semento at itinama sa mukha niya subalit mabilis siyang nakaiwas at sinipa ako patalikod.

Nadapa ako sa lakas ng sipa niya. Napahawak naman ako sa ilong at may naramdamang likido, dumugo pa.

Tumayo agad ako at tiningnan siya sa mata. Walang ekspresyon ang mukha niya, ang hirap niya basahin. Nasilayan ko naman ng malapitan ang mata niya at parehong pareho siya sa mata ni Hub.

Bakit kasi ayaw niya pa gamitin ang kapangyarihan niya. Kung hangin man ito ay may posibilidad na siya nga si Hub.

Hub is made of wax. I remembered him saying that his death is different from mortals. Pero sigurado nga ba akong siya si Hub, di naman siya ganito kalakas.

Sa aking pag iisip ay di ko namalayang nasa malapitan ko na siya at bigla akong sinuntok sa tiyan. Napaatras naman ako at lumipad ng buong pwersa sa ring. Ang sakit sa sikmura.  Agad ulit siyang lumapit sakin at pinagsusuntok naman ako ngayon sa mukha, nahiga na lamang ako at ninamnam ang sakit. Di ko mapigilang hindi masuka ng sariwang dugo sa mga natatamo.

"Hub please stop." mahina kong sabi.

"Anong Hub pinagsasabi mo ah! Ako si Jorem at ako ang papatay sayo ngayon!"

Susuntukin na sana niya ako muli ng buong pwersa ng bigla akong umilag at pasikretong nagpalutang ng mga matitigas na semento patagilid.  Natamaan siya at naligwak palayo sa lakas na batong aking inihagis sa katawan niya.

"Now we're even." sabi ko sa sarili. Nagalasan siya sa braso at bakas nito ang sugat subalit wala man lang nakalakrang dugo. At ang boses niya kanina, parehong pareho sa boses ni Hub. Pero bakit parang di niya ako nakikilala.

Natingin ako sa kinaroroonan nila Clifford pero di ko mahanap si Andie. Nasaan kaya ang babaeng 'yon.

"Now face your death!" sigaw ni Jorem at walang takot na lumusob papunta sakin. Gumawa naman ako ng matutulis na patalim gamit ang mga bubog ng semento at pinalipad papunta sa kanya. Mahusay naman siyang umiilag sa mga bubog at dire-diretso ang takbo patungo sakin at ng makalapit ay agad niyang sinampal ang kamay ko, mabilis namang bumalot ang kaliwang kamay niya sa leeg ko at agad na ikinulong, habang ang kanang kamay niya ay hawak ang dalawang kamay ko ngayon sa aking likuran.

Nahuli niya ko.

"Prepare to die." bulong niya. Naghiyawan naman ang lahat sa eksenang natuklasan habang ako ay di makapaniwala sa sinapit. Ang bilis niya. Mukhang matatalo na ako.

"Pakawalan mo ko Hub!" sigaw ko at pilit na umaalis sa maskuladong braso niya sa aking leeg.

"Sabi ngang hindi ako si Hub eh!" He muttered angrily.

"Ikaw si Hub!" pagmamatigas ko.

"Paniwalaan mo sarili mo na ako nga iyang Hub na tinutukoy mo dahil ngayon ay huling hininga muna!" sabi niya at mahigpit na ikinulong ang leeg ko sa kanyang braso. Napapaduwal nalang ako at agresibong naghahabol ng hinihinga. Napapikit nalang at hinihintay ang kamatayan.

"Stop it!"

Natahimik ang lahat sa biglang pag-anunsyo ng matanda. Napadilat naman ako ng bahagya at naghahabol ng hininga. Nahinto si Jorem sa kanyang pagsakal sakin at umatras ng unti.

I'm saved by the bell.

"The two of you. Stop it. Let's end this here. Bukas na muna ipagpatuloy ang laban at sa ngayon ay maaari na kayong umuwi." anunsyo ng matanda. Nagsigawan naman ang mga manonood na tila dismayado na parang mas gusto nila akong mapaslang na.

Matapos ang anunsyo ay tuluyan ng naglakad palayo si Jorem at bakas sa mukha niya ang inis.

Ilang saglit ay napapansin kong tila nagkakagulo sa taas. Mga guards, mga tagapagsilbi at mga Magno. May lumapit naman sa matanda na nag anunsyo kanina at tinutukan siya ng baril sa ulo. Bigla namang may umalingasaw na putok ng baril sa taas na ikina-panic ng marami. Mukhang nagkakagulo na.

"Sh*t! Anong nangyayari?" sabi ko sa sarili at mabilis na tumakbo papunta kina Clifford. Agad din namang umalis si Jorem sa ring.

"What's happening?" bungad ko ng tuluyang makaharap sila.

"Kailangan na nating umalis dito. Mukhang may di kaaya-ayang nangyayari." seryosong sabi ni Clifford.

"Wait! Si Andie wala pa." sabi ni Kiara na hinahanap si Andie sa paligid. Nagkakagulo naman sa loob at di magkamayaw ang iba, ang ilan pa ay masusing tinahak ang labas subalit pinipigilan sila ng mga guards.

Napatingin ulit ako sa taas kung saan nagkakagulo. At mukhang pinagtutulungan nila ang matanda na ikinapagtataka ko. Nasagot naman agad ang tanong ko ng biglang umiba ang mukha ng matanda at naging isang dalagita. Si Andie!

So she saves me from dying.

"Kailangan natin siyang tulungan." sabi ko at agad na umakyat pataas. Sumunod naman sila Clifford at tinahak ang ibang daan, pinagsusuntok ang mga guards na nakiki-rally. Ang daming guards na ngayon ang nakapalibot.

"F*ck! The Z's platoon!" sigaw ni Kiara.

Biglang bumukas ang misteryosong gate na ngayon lang namin natuklasang mga Man Havocs at tuluyang iniluwa nito ang limang nilalang at mukhang malalakas sila. Mga nasa 30's na yata ang edad at di ko sila mamukhaan.

"Patayin ang mga batang iyan." Utos ng tunay na matandang host na tumatakbo palapit kasama ang kanyang mga alagad. Subalit agad namang nilapitan ni Andie ang matanda, inagaw ang baril na hawak ng guard at pinutok sa mismong ulo nito.

She's a great killer.

Ngayon ay nagsiliparan ang limang nilalang sa iba't-ibang direksyon at tila may hinahagis na bomba na tumatama sa baba, na tuluyang ikinagulo ng lahat.

Biglang nagsara ang gate sa labas ng Arena at nakulong kaming iilan sa loob. Sh*t! This is getting worse.

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now