Magnitude X : II

1K 121 48
                                    

•••••••••••••••••

"Bilang nalang ang linggo at malapit ng matapos ang semester. Mamimiss ko kayo mga mahal kong estudyante" Pagdadrama ng aming propesor na ang tinuturong subject ay history.

Salamat at matatapos na din ang biglaang recitations at quizzes niya.

Mga ilang minuto ang lumipas ay natapos na din sa wakas ang kanyang oras at nilisan na ang labas. Naiwan naman kaming mga estudyante sa room.

"Uy Sivan, gumaganda ka ngayon."

"Wag ka nga!" sabi ko. Tinakpan agad bibig niya. Mahirap na, baka malaman pa ng buong section ang pagkatao ko. Oo, bisexual ako. Huwag niyo na tanungin kung bakit basta nangyari nalang.

"Sorry na." sabi niya pagkaalis ko ng kamay sa bibig niya. 

"Alam mo kung di ka lang bakla, crush na kita. Ang pogi mo kaya sobra at ang tangkad pa. Pero anyare?" dagdag niya.

"Can you please shut up Yanna. Tsaka di ako bakla. Masakit ulo ko at wala ako sa mood okay! At baka may makarinig pa sayo. Ililibing talaga kita ng buhay."

"Bakla't bisexual. Wala namang pinagkaiba iyon."

"Isa pang sabat mo, kakatayin na talaga kita."

"Sus di na mabiro. Sige alis muna ako. Bibili lang ng makakain, gutom na kasi ako eh."

"Sige. Pakabusog ka baboy!" pang-aasar ko. Binatukan niya naman ako sabay takbo niya palabas. Buti naman at wala na siya. For sure, matatagalan ang pagbalik niya sa kakakain.

Malapit lapit na din pala ang finals at sa kasamaang palad, ni isang subject ay wala pa akong na-review. Katamad kasi.

"Uy, Sivan. Mag-isa ka lang?"

"Huh eh oo. Lumabas kasi si Yanna pero babalik din naman siya." sabi ko, medyo nauutal pa sa di inaasahang pagbati niya sakin.

Si Clifford, ang crush ng campus, kinakausap ako.

"Ahh. Nakapag-review ka na ba?"

"Di pa nga eh."

"Ganoon ba. Gusto mo sa amin kana magreview, group study tayo. Pansin ko kasing ang tahimik mo, di pa tayo nag-uusap masyado na ngayon eh palapit na matapos ang semester. Dali na sama ka basketball na din tayo, may sariling court yong bahay namin at tiyak na mag-e-enjoy ka!" mahaba niyang pahayag.

Napalunok na lamang ako ng sariling laway. Seryoso? Si Clifford! Iniimbitahan ako sa bahay nila. Tapos maglalaro pa ng basketball!

Siguro nga ay di niya pa alam ang buo kong pagkatao. Di naman kasi ako halata. Iniisip ng lahat, tahimik lang akong tao at okay na yon.

"Sige ba, sasama ako." ngiti kong sagot sa kanya.

"Ayon, magiging tropa na din kita kung ganon. Sige bukas ah! Asahan ko yan."

"Sige."

"Ayaw mo ba sumama sa amin ngayon, simpleng gala lang sa labas, hanap ng alam mo na." nakangisi niyang sabi.

"Sige. Kayo nalang muna ng barkada mo. May pupuntahan pa kasi akong importante eh." pagtanggi ko. Napapakamot nalang ng sariling ulo.

"Sayang naman. Sige Sivan alis na muna kami. Chat chat nalang. Basta bukas ah huwag mo kakalimutan."

"Oo sige." huli kong sabi. At mga ilang segundo lang ay agad na silang umalis kasama ang mga barkada niya. Buti naman. Makakahinga na ako ng maayos.

Mga sampung segundong bilang ko ay niwari ko ang paligid at mukhang may pinagkakaabalahan ang lahat. Akala ko naman ay may nakahalata na. Baka kasi isipin nila na hinaharot ko si Clifford. Pero siguradong sigurado naman ako na walang nakakaalam sa tunay na ako, maliban nalang kay Yanna.

Marahil na din sa boring sa room at walang makausap. Minabuti ko nalang na pumunta sa library at maghanap ng mapaglilibangan.  May mga pocket books din naman sa bookshelves kaya naisipan kong magbasa nalang, pampalipas oras.

Maya maya ay narating ko na nga ang library at agad na naghanap ng magandang babasahin.

"Ito bago." sabi ko sa hangin. Mabilis na kinuha ang libro at naghanap ng magandang pwesto. Medyo na excite naman ako.

"The 4 Elements by Great Unknown." basa ko sa pamagat ng nobela. Pamagat pa lang ay malamang sa malamang ay fantasy story ang isang ito. I'm not a big fan of fantasies but I guess I'll gonna deal with it for now.

"Tubig, apoy, lupa, hangin. Apat na magigiting na elementong taglay ng mga Man Havocs, subalit may mga natatangi pang mga elemento na hindi nabigyang halaga at ito ay ang mga..." pagbasa ko ng biglang naglaho nalang ng parang bola ang mga pahina. Pikit dilat na ang ginawa ko, niyugyog pati ang libro pero walang nangyari. Natataranta tuloy ako at kinikilabutan.

"Fvck! Bakit biglang nawala? Baka ako pa pagbayarin nito pagnagkataon." inis na bulong ko sa hangin, hindi pa din mapakali. Di sadyang napako ng mga mata ko ang katabi ng aking bag at napansing medyo may umiilaw.

Oo nga pala, yong "rainbow rock".

Rainbow rock na ngayon ang tawag ko sa mahiwagang bato na iyon dahil sa kanyang paiba-ibang kulay.

Mabilis ko namang kinuha iyon sa aking bag at magaang hinimas-himas na animo mabait na tuta. Sinigurado ng aking mata na walang tao sa paligid para makaiwas sa mga maaaring itanong. Hindi pa ko handa maging kay Yanna. Sikreto muna sa aking sarili.

"Anong gagawin ko dito? Ano naman kayang silbi mo? tanong ko rito na animo'y tao na may inaasahang sagot.

Mga ilang saglit ay bigla ngang nandilim ang paligid at nagpakita muli ang mahiwagang gintong babae na nakaharap sakin. Nakakakilabot, kasi wala talaga siyang mukha.

"Ingatan mo iyang bato Sivan. Taglay niyan ang kapangyarihan maaaring makabubuti at makasasama sayo." salitang binitawan niya gamit ang bibig pero sa mukha niyang blanko ako nakatingin.

"Sino po ba kayo? At anong kapangyarihan ang sinasabi mo?" taka kong tanong.

"Ikaw ang tinakdang humawak ng batong iyan. Wag ka mag-alala, may mga makakasama ka ding tulad mo."

"Ano po? Ang gulo."

Walang paalam ay bigla nalang siyang naglaho at tila bumalik sa normal ang lahat.

Nandito pa din ako sa isang sulok ng library. Gulong gulo ang isipan.

"Ano ng nangyayari sakin? May sakit ba ako. Kailangan ko na yata talagang magpatingin sa psychiatrist, lumalala na ako." bulong ko sa ere at mabilis na nilisan ang library.

"Sorry kuya. Pasensya na talaga." paghingi ko ng paumanhin sa katangahan ko. Nakabangga pa tuloy.

"Okay lang, sa susunod. Mag-ingat ka. Dahil sa simpleng pagkakamali mo ay maaari kang mawalan ng buhay."

"Huh! Sige po, salamat po sa payo."

"Hanggang sa muli, Sivan." sabi niya sabay lakad palayo.

Susundan ko pa sana siya subalit di na siya mahagilap ng dalawang mata ko. Ang lalim masyado ng pinanghuhugutan ng taong iyon. Weird. Di ko man lang nasilayan mukha niya, nakatalikod kasi siya sakin ng hindi ko sinadyang mabangga siya.

"Sino naman kaya iyon? At bakit niya ako kilala?" tanong ko sa kawalan.

Siguro nga ay hindi na ako nananaginip. Ito na yata ang reyalidad. At kailangan kong maghanda. Maghanda sa paparating.

••••••••••••••••••••

It's now getting interesting, isn't it? Now don't forget to read the next chapter and vote. Have a nice day everyone.

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now