Magnitude X : XXI

465 65 2
                                    

••••••••••••••••

"Sivan asan kana? Ikaw nalang hinihintay namin."

"Wait lang. Magsimula nalang muna kayo. May pupuntahan lang ako saglit."

"Sige sige. Dalian mo ah."

Binaba ko agad ang tawag galing kay Kiara. Magpa-practice kasi kami ngayon but I preferred to meet Andie, marahil sa curiosity na din.

Tiningnan ko naman ang oras. 9:45A.M na. Mukhang malalate pa ako, siguro ay nandoon na siya.

Mga ilang minuto ay narating ko din ang 7/11. At wala man lang customers sa loob, pinagloloko yata ako ng babaeng iyon.

Bumili nalang ako ng ice cream stick at agad na pumunta sa counter.

"Ice cream. Medyo natutunaw na Sir." sabi ng babaeng nasa counter at agad na nagyelo yong kamay niya maging ang ice cream stick na hawak. Bahagya naman akong napalayo sa pagkagulat.

"Huwag ka matakot. It's me Andie." sabi niya at agad na pumunta sa pinto ng 7/11 at pinaikot yong sign na nakasabit, nakalagay ay "Sorry, We're closed."

"Anong ginagawa mo? may makakita sayo!"

"Don't worry. I made my co-workers frozen sa loob." sabay turo niya doon sa parang workers room.

"And don't worry, it's not deadly. I just froze them for the meantime at babalik din naman sila sa dati. And don't worry also because I freezed the hidden CCTV's para di ako makitang may ginagawang milagro." dagdag niya sabay ngiti sakin, gigil na niyakap ako na tila isa akong kaibigan niya na matagal ng di nakita subalit bakas sa mga mata niya ang lungkot.

"So bakit mo pala ako pinatawag? Anong kailangan mo?" panimula ko. Tumalikod naman siya at nagsalita.

Nandito kami sa tagong parte ng stall kung saan walang makakakitang tao sa labas.

"I just need a friend."

"Huh. Bakit naman?"

"My parents were killed."

Nanlaki bigla mata ko subalit pinahinahon muna ang sarili at hinihintay siyang matapos sa kanyang kwento.

"Pinatay sila ng mga Magno. Pinatay ng walang awang mga demonyo na iyon ang aking Mama at Papa. Di ko sila mapapatawad." pahayag niya at pinagpatuloy ang kwento.

"Kasalanan ko. Pinatay sila dahil sakin. I was mere an innocent girl that time. Di ko alam anong gagawin ko. Takot akong sumali sa mga laban. Ayokong pumatay ng tao."

"Bakit anong nangyari ba?" sabi ko na naguguluhan sa mga inuulat niya.

"Pilit nila akong pinapasali sa Magnitude Arena. Kaso ayoko kaya pinatay nila ang magulang ko. I was about to save them kaso huli na. Nagtago na lamang ako at ngayon ay di na nila ako hinahanap kasi may pumalit na sakin, at ikaw iyon."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"You're the most talked about sa Magnitude Arena because of your rare power. You got the earth, and I've got the water." sabi niya at ngayon ay nakaharap na siya sakin. Tama nga ang kutob kong tubig ang kapangyarihan niya dahil sa pinakita niya kanina and water is such a super power.

"Paano mo nalaman ang kapangyarihan ko at paano mo ko nakilala?"

"Nandoon ako sa Magnitude Arena. But I covered up my face. I can change my identity." sagot niya.

Bigla naging tubig ang buong katawan niya at naging kamukha ko. Nakakakilabot. Bumalik naman siya sa dating anyo at natawa nalang sa aking reaksyon.

"I saw you. And I was happy that I found you." sabi niyang nakangiti.

"Bakit naman?"

"Because I wanted to warn you. Wala kang mapapala sa kakasali ng kompetisyon na yan at gagawin kalang nilang puppet. Gagawing isang palabas, isang kaaliw-aliw." sabi niya ng may galit. Nagtataka man ay minabuti ko pa ding maging relax at magtanong.

"Hindi kaba kasali?"

"Hindi at ayoko. Trust me, wala kang mapapala diyan. Magiging magulo lang buhay mo. Isipin mo mga kaibigan mo. Pagpinagpatuloy mo yan ay maaari silang mamatay." sabi niya.

"Bat ka pala hinahanap? Sino mga naghahanap sayo?"

"Mga Magno ang naghahanap sakin dahil gusto nila akong isali sa kompetisyon. Pero ayoko. Natatakot ako."

"Bakit ganon nalang sila ka-desperado para mahanap ka?"

"Sivan I got the power of water. It's rare at ako lang ang may ganitong kapangyarihan maging ikaw, ikaw lang din may kapangyarihan ng lupa." sabi niya at medyo nauunawaan na ang kanyang sinasabi. So, wala nga talagang patutungahan ang pagsali sa kompetisyon na yon. Pero bakit ganon nalang ka pursigido sila Clifford.

"Pano pala pag nanalo ka? Anong gagawin sayo?"

"Gagawin ka lang nilang alipin. Akala mo ay magiging makapangyarihan ka. Oo, lalakas ka nga pero bawat segundo ng buhay mo ay kamatayan."

"Paano mo nalaman?"

"Nakakalimutan mo na yata Sivan. I can change my face and identity. Pwede kong mapaikot ang bawat tao subalit ayokong gamitin ito sa ngayon."

"So, may nanalo na sa kompetisyong yon."

"Oo at ngayon ay wala na siya. Nilihim ito ng mga Magno dahil ang totoo ay pinatay nila ang nanalo. He's a guy, and he got the air power."

"Bakit nila pinatay?"

"Ayaw ng mga Magno na may mas malakas pa sa kanila. That was the darkest secret of Magnitude Arena and I'm the only one that knows what's happening dahil sa kapangyarihan kong magbagong anyo. Alam din to ng mga inosenteng nagsisilbi sa mga Magno subalit nilihim lamang nila. Dahil takot silang masangkot, mamatay at madamay ang kanilang pamilya. Pinagbabawal ito na pag-usapan dahil maaaring makasira ng imahe ng Magnitude Arena pagnagkataong may magkalat ng totoong impormasyon. At malamang wala ng sasaling mga baguhang Man Havocs sa palaro nila."

"So ano balak mo ngayon? Anong nais mong iparating?"

"Gusto ko lang naman maghigante. Gusto ko patayin ang mga Magno. Sila ang pumatay sa magulang ko."

"Paano mo gagawin iyon?"

"Sasama ako sa inyo, subalit di ako lalaban. Magmamasid lang ako."

"Paano yan kahit mag-iba ka ng itshura mo eh di ka pa din makakapasok dahil wala kang medalya. It's our ticket to go in the Magnitude Arena for the next round."

"I can handle it. Ako na bahala."

"Sige sige. Nice meeting you Andie."

"Salamat. Sivan, maaari bang i-sikreto mo itong tagpuan natin. Ikaw pa lang kasi nakakaalam ng pagkatao ko."

"Sige, masusunod."

At agad na ko lumabas sa 7/11.

Bumalik sa normal ang galaw ng shop at may mga taong pumapasok na sa loob. Mukhang bihasa na siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan.

Pumara ako ng taxi at susunod na pupuntahan ay sila Clifford.

Di ko alam kung paniniwalaan ko si Andie pero siguro kailangan na namin itigil ito, ang pagsali sa Magnitude Arena. Pero paano ko matutulungan si Andie sa kanyang paghihigante kung ititigil na namin ang pagsali.

Ang gulo.

•••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now