Magnitude X : XXXIX

274 34 7
                                    


Mga ilang saglit ay naging tubig ang katawan ng akala kong si Hub at nag ibang anyo sa aking harapan. Naging isang dalagita. Si Andie.

"Andie." wika ko subalit agad niya akong sinunggaban at sinuntok sa ulo. Mabilis naman akong nakailag at mariin na tinulak siya sa likod at nagpalutang ng malalaking bato sakto sa kanya subalit agad siyang naging tubig at dumaloy palayo sa mga malalaking puno at mukhang nagtatago.

Pagwala ni Andie ay agad kong sinuyo si Diego na ngayon ay nakahandusay at walang malay. Ang daming dugong lumalabas sa kanyang dibdib. Parang gripong sira na hindi mapigilang umagos.

"Diego!" ulat ko habang niyuyugyog ang katawan niya subalit hindi ko na maramdaman ang kanyang pulso. Hindi na siya humihinga. Wala na siya.

"Diego!" nanggigil kong sigaw dulot ng sobrang galit sa sarili. Hindi ko man lang siya naligtas at hindi kumilos agad. Para akong naduwag at naparalisa lamang at tiningnan siyang paslangin sa harapan ko.

Para akong nasa lawa ng nagbabagang apoy sa aking nararamdaman ngayon. Tuluyang nilamon ng malubhang emosyon ang damdamin. Hindi maaaring wala na si Diego.

"Sivan!" sigaw ni Hub sa malayo. Ang totoong Hub na ngayon ay nakikipag digmaan sa mga kalaban, mga kaibigan kong naging mistulang kaaway na sina Kiara at ang kambal.

Pinigilan ko muna ang aking emosyon at huminga ng malalim ng higit isang minuto upang makapag-concentrate at linawin ang lasong dumadaong sa aking utak. Pagkatapos ay mabilis na akong tumakbo upang tulungan sila at iniwan muna si Diego saglit.

Walang permiso akong nagpalutang ulit ako ng mga bato sa ere at tinapon ng mariin sa mga kalaban. Agad na nakailag at naglaho ang kambal gamit ang kanilang kapangyarihan subalit natamaan si Kiara at bahagyang napaatras sa natamong atake. Napatingin naman siya ng masama sa akin pagkatapos.

May halong pananabik at lungkot ang pakiramdam ko ngayon. Na miss ko sila ng sobra pero bakit ganito.

"Hawak sila ng mga Magno, Sivan." saad ni Maureen na ngayon ay katabi ko na maging ang tatlo. Sina Hub, Alyza at Marga. Lima na lamang kaming nakikipagsapalaran.

"Hindi kami mga kalaban. Kaibigan niyo kami." wika ni Hub sa kanila subalit tila lumusot lamang sa kabilang tenga nila ang narinig at inatake kami gamit ang kanilang kapangyarihan.

Napatingala ako sa taas at tanaw ang mga yelong matutulis na umuulan mula sa kinaroroonan namin. Ginamit naman agad ni Hub ang kanyang kapangyarihan at gumawa ng malakas na hangin at tumilapon ang mga yelo sa ibang direksyon.

Nakaligtas kami sa kanilang patibong subalit nabihag nila si Marga at ngayon ay namimilipit sa sakit na iniinda.

"Ang sakit ng ulo ko! Tulong!" sigaw ni Marga na ngayon ay mariing hinahawakan ang kanyang sintido. Napaluhod sa sakit at naghahabol na ng hininga.

"Kambal umalis kayo sa katawan ni Marga." utos ko subalit walang nangyari at patuloy pa din ang kambal sa pagpasok sa kaluluwa ni Marga at pinapahirapan ito ng walang awa.

"Sumuko na kayo mga hunghang. Wala kayong laban sa amin!" wika ni Kiara. Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa amin, bakas sa mga mata ang galit at hindi man lang kami mamukhaan.

"Kiara! Hindi mo ba ako nakikilala?" saad ko.

"Kilala kita. Ikaw ang susunod na makakatikim ng kamatayan!" bulalas niya at agad na pinalutang sa ere ang mga ligaw na sandata at itinutok sa amin. Hinihintay ang tamang atake upang kami ay hindi makalusot.

Maya maya ay biglang dumating ang mga pirata at pinapalibutan kami kasama si Jose na ngayon ay tila kadugo na ng mga kalaban.

"Anong gagawin natin? Wala na tayong takas." usisa ni Alyza na ngayon ay tinatalasan ang paningin sa mga kalaban. Sobrang dami nila. Wala kaming laban. Napako naman ang atensyon ko sa kabila kung saan nandoon si ang katawan ni Diego na ginuguyod ni Jose palayo kasama ang mga pirata.

Para akong tinamaan ng ligaw na kidlat ngayon sa aking nakikita, masakit sa mata. Lalo na sa dibdib ko.

"Itigil niyo yan!" sigaw ko subalit hindi nagpatinag si Jose at mas lalong ginuyod ang katawan ni Diego sa lubak na daan. Binigyan pa ako ng matamis na ngiti na animo nang-assar na mas lalong nagpakulo ng aking sariwang dugo sa katawan.

"Sabi ng itigil niyo yan!" abot lalamunan kong sigaw na nagdulot ng misteryosong galaw ng lupa. Bahagyang lumilindol.

"Sivan okay ka lang?" tanong ni Alyza subalit di ko na kontrolado ang aking kapangyarihan at nilamon na ng matinding emosyon ang sarili. Galit, puot, sakit, hinanakit at pagdurusa.

Sobrang lakas ng enerhiya ang lumalabas sa aking katawan na ngayon ko lang nararamdaman.

Di magkamayaw ang kakaibang galaw ng lupa sanhi upang mabahala ang lahat sa pinakita kong malakas na kapangyarihan. Tanaw ko lamang ang mga matang nanlililsik at mga bibig na gumagalaw na may nais ibigkas subalit hindi ko sila marinig dulot ng malakas na enerhiya sa aking katawan.

Maya maya ay sumigaw na akong malakas at sinuntok ng buong pwersa ang lupa sanhi upang gumuho ang makapal na lupa at unti unting humihiwalay sa dalawa. Malaking butas ang nagawa ko at tuluyang lumindol ng malakas ang paligid.

"Sivan! Umalis na tayo dito." tawag ni Hub sa akin sabay hawak ng kaliwang kamay ko at tumakbo na kaming lahat maging ang mga kalaban.

Unti unting nagsi-sink in ang utak ko ng normal at ngayon lang napagtanto ang kaguluhan sa paligid.

Maraming mga puno ang nahuhulog sa malaking butas ng lupa at mga piratang nilalamon pababa gawa ng malakas na lindol ngayon at pagguho ng lupa na unti unting lumalaki.

"Si Diego!" saad ko at walang pasabing tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Diego. Kahit lumilindol ay nagawa ko pa din siyang lapitan at kinarga ang kanyang walang buhay na katawan kahit na mabigat, titiisin ko.

"Sivan!" sigaw ni Hub sabay turo sa taas. Napatingala naman ako at natanaw ang malaking katawan ng puno na ilang guhit na lang ay tatama na sa mukha ko subalit bigla itong huminto na parang may pumipigil sa pagbaon sa akin.

"Umalis kana dalian mo!" sigaw ng babae at napadako naman ako sa kanyang direksyon. Si Kiara. Buti at natauhan na siya.

Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagpapasalamat at mabilis na umalis sa gumuguhong parte ng lupa habang karga ang katawan ni Diego.

Medyo malayo na ako at napalingon muli sa direksyon ni Kiara subalit wala na siya roon maging sila Hub ay hindi ko na masilayan sa paligid.

Agad na lamang akong tumakbo at umiiwas sa mga punong nalalaglag at ligtas na nakaiwas habang patuloy sa pagyanig ang lindol na sobrang lakas.

"Diego!"

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now