Magnitude X : XVI

549 77 6
                                    


"Oh anong ganap dito." bungad ni Clifford. Hinihingal.

"Wala naman. Simpleng kwentuhan lang." pagsisinungaling ni Kiara. Napatingin naman ako sa kanya maging siya sakin sabay patagong kumindat na nagpapahiwatig na huwag na muna ipaalam kay Clifford ang usapin.

"Kumusta naman exam mo?" pag-divert ko nalang ng topic.

"Ang hirap nga eh, hinulaan ko nalang yong iba. Sorry pala at natagalan ako." paghingi niya ng paumanhin at naupo na din sa ugat ng acacia sa tabi ko.

Hanggang ngayon ay medyo awkward pa din ako kay Clifford, nagiging touchy na siya sakin madalas. Siguro dahil sa nalaman niyang may karelasyon akong lalake dati pero ewan, di ko alam.

"Siya nga pala. Sa Campus natin. They are only 3 platoons that are in sa next round ng Magnitude Arena. The C's platoon at yong isa. I tracked it here sa Campus but I don't know what team are they." sabi ni GG habang seryosong ginugulgol ang kanyang phone. Natingin lamang si JJ sa ginagawa ng kambal habang si Kiara ay tila may malawak na iniisip.

"I will try to track them." sabi ko sa kanila at kinuha ang eyeglass para mas lumawak yong senses ko at naghubad ng sapatos. Pinakaramdam ko naman ang lupa at nakaramdam ng kakaibang enerhiya.

"Parang may nag-aaway malapit sa canteen." sabi ko sa kanila.

"Mga Man Havoc ba?" hirit ni Clifford.

"Siguro." sagot ko.

"Halika at puntahan natin." sabi ni Kiara sa lahat. Inayos naman namin ang sarili at agad na tumakbo patungo roon.

Pagdating namin ay may nag-aaway nga sa maliit na eskinita ng room na malapit sa canteen. Pinakatagong parte.

"Magtago tayo." utos ni Clifford na agad din naman naming sinunod at nagtungo sa pader na may bintana. Napasilip naman ako at nasilayan si Diego at yong babaeng medtech student.

"I know that girl. She's Alyza. Siya 'yong nagpagaling sakin sa clinic." mahina kong saad sa kanila.

"So, she has a healing power." sabi ni GG. "I guess, her power is leaf. I can feel that she loves nature." dagdag ni GG na sumisilip din sa may bintana. Napaniwala niya naman agad kami sa sinabi. Knowing GG, she's a genius. No need to argue with her.

"Kilala mo ba 'yong ibang kasama nila Sivan?" tanong ni Kiara habang nakasilip pa din.

"Hindi. Siya at si Diego lang kilala ko." mahina kong sagot.

"Punta tayo sa kabila para marinig natin usapan nila, mukhang di naman sila nag-aaway, nagbabangayan lang. Huwag kayo maingay baka mahuli tayo." mahinang sabi ni Clifford at dahan dahan nga kaming naglakad ng biglang tumunog yong alarm sa phone ko. Di pala naka-silent. Agad naman kami nagtago at nagkahiwalay pa. Mabilis ko namang pinatay ang alarm ng phone.

"Sino yan?" sigaw ng lalakeng kasama nila Diego.

Sh*t! We're screwed. Palpak talaga ako kahit kailan. Napikit na lamang ako at pinakiramdaman ang lupa. At sa kasamaang palad ay may papalapit na dalawang tao patungo samin. Lagot.

"Hi guys. Ang gwapo niyo po." sabi ni JJ at tuluyang lumabas ang kambal sa kanilang pinagtataguan at nagpakita. Sh*t!

"Sino kayo? Umalis kayo dito ngayon din!" matigas na sabi ng lalake na di pamilyar ang boses sakin. Napabuntong hininga na lamang ako, kinakabahan sa maaaring mangyari sa kambal.

"Ay sorry po. Sinusundan ko lang po yong nakablack na kasama niyo, crush ko po kasi siya. Sige po at aalis na kami. Bye." Sagot ni JJ at tuluyan ng lumayo. Nag-sign naman si GG ng patago sa kanyang kaliwang kamay at malinis na nakatakas sa eskinita.

Pumunta ng canteen sa kung saan malapit.

"That was genius, the both of you." sabi ni Kiara sa kambal at masigla itong niyakap. Ngayon nga ay nandito kami sa canteen kung saan maraming tao. Minsan kasi ligtas ding taguan ang lugar sa kung saan maraming tao.

"Muntikan na tayo doon. Salamat sa inyo." sabi ni Clifford sa kambal.

"Ideya 'yon ni JJ." sabi ni GG na tila proud sa kapatid. Kahit makulit 'tong si JJ, ay madiskarte din pala.

"But how? hindi kayo na mukhaan ni Diego?" pagtataka ko.

"Of course, naisip na namin yan. we're ghosts remember? Medyo iniba namin mukha namin para hindi makilala." sagot ni JJ.

What a nice move.

Nag-order kami ng spaghetti at soft drinks at maiging kinain. Pagkatapos ay nagkwentuhan na lamang ng di makabuluhang bagay.

Tanaw ko sa malayo si Yanna sa kabilang table. Napangiti na lang ako sa sarili. Ang babaeng 'to talaga, puro kain. Suki ng canteen.

"Sandali lang guys. May pupuntahan lang akong kaibigan." paalam ko sa kanila at naglakad na patungo kay Yanna.

"Sus, kaya pala. Naglalandi na naman si taba." sabi ko sa sarili ng masilayang may kasama si Yanna na lalake. Di ko naman mamukhaan kasi nakatalikod ito kay Yanna.

"Yanna?" tawag ko ng tuluyang makalapit sa table niya.

"Uy Sivan. Buti nandito ka." tuwang sabi ni Yanna.

"Yong libre ko." hirit niya pa.

Oo nga pala. Ililibre ko pala si taba, baka tuluyan na siyang magtampo. Di ko na kasi siya minsan nakakasama.

"Siya nga pala. Say hi naman sa ex mo." sabi niya. Para naman akong pinalunok ng maraming pako sa narinig.

Naghubad ng sumbrero ang lalake at tuluya ngang nasilayan ang kanyang mukha niya. Sh*t. Si Diego.

"Kami na ulit Yanna." sabi ni Diego. Kumulo naman dugo ko sa sinabi niya at hihirit pa sana ng biglang iba ang binigkas ng aking bibig.

"Oo Yanna. Kami na ulit." sabi ko at nakangiti pa. Nagulat naman si Yanna sa sinabi ko maging ako sa sarili. Ni di naman dapat iyon ang mga letrang lalabas sa bibig ko.

Napatingin ako kay Diego at ngumiti ito ng nakakaloko. I almost forgot, he can control me. I should avoid him immediately.

Hahakbang na sana ako palayo ng biglang sa ibang direksyon tumahak ang aking paa at mas lalong pinalapit sa kanya. Gumalaw pa ang mukha ko palapit kay Diego at hinalikan siya sa labi.

Sh*t! Sa public place pa talaga.

•••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora