Magnitude X : XXXXVIII

176 13 0
                                    


Naramdaman ko nalang ang unti unting ginhawa ng kalamnan at pagbalik ng aking sigla. Nasilayan ang paghulog sa harap ko ng yelong sandata sa lupa, unti unti itong natutunaw.

"Sivan! I'm so sorry." rinig kong wika ni Andie sabay yakap sa akin. Niyakap ko naman din siya at napangiti na lamang dahil sa nanumbalik na din ang dating Andie.

"Don't say sorry Andie, it's not your fault Andie. Perhaps I'm glad that you came back." I replied and wiped her tears.

"Sorry talaga."

"Wala iyon. Akala ko talaga magpapakamatay ka na."

"Ako? Magpapakamatay?" pagtataka niyang tanong.

"Oo." ngiti kong sagot kahit na nagkakagulo na sa paligid. Bakas naman sa mukha niya ang pagkagulat at mabilis na tumayo na animo may misyong isasakatuparan.

"Kailangan na nating tulungan silang makabalik sa dati Sivan. Baka gawin nila ang ginawa ko mahirap na." dagdag niya sabay takbo paalis.

"Hintay. Paano si Clifford?"

"Gamitin mo muna ang kapangyarihan mo upang protektahan siya. Kailangan nating tulungan ang iba dalian mo." sigaw niya at saktong naglaho na lamang ng parang bola at nilamon na ng usok. Sinunod ko naman ang sinabi niya at ginamit nga ang kapangyarihang lupa. Gumawa ng malaking hole at itinago ang kanyang katawan ni Clifford doon. Minabuting pinalambot ang lupa upang walang magtakang lapitan siya.

Ilang saglit lang ay tumakbo na ako at hinanap ang mga kakampi sa paligid.

"You're gonna die pretty boy!" rinig kong sigaw sa likod ko at ramdam ko nalang na lumilipad na ako sa ere habang may humahawak sa bewang ko sa aking likuran.

"Bitawan mo ako." sigaw ko subalit mas lalo lamang siyang lumipad pataas na ngayon ay hanggang sampung tao na ang lalim, mula himpapawid hanggang lupa.

"Gusto mo ba bitawan kita?" bulong ni Marga sabay ngiti.

"Hindi! Huwag pala." pagbawi ko sa aking sinabi subalit huli na at binitawan niya na ako sabay sampal niya sa akin ng kanyang pakpak na mas lalong bumilis ang impact ng aking pagkakahulog pababa.

Ilang dangkal nalang ang lapit ay tatama na ang buong katawan ko at madudurog sa matigas na lupa ng bigla nalang may pumapabilog na hangin na nagsilbing foam upang hindi ako madurog sa lupa.

Ligtas nga akong nalaglag mula sa himpapawid at maya maya ay may mga bisig nalang na yumakap sa akin pagkatapos.

"Buti at nakahabol ako."

"Salamat Hub." pagpapasalamat ko sabay halik sa kanya sa labi.

"Tama na. Huwag ngayon." ngiti niyang wika pagkatapos. Napaismid na lang ako at humalakhak siyang muli na animo walang nangyayari sa paligid.

"I have something important to say Sivan." dagdag niya sabay seryoso ng kanyang mukha.

"Jose died. He killed himself." He continued and left me hanging with no words.

After a while. I drastically remembered what happened to Andie, she intentionally did kill herself but saved when she broke the injection destroyer in her.

"Kailangan na nating tulungan ang iba Hub. Bago mahuli ang lahat." sagot ko na lamang sa kanya at nagpalamon sa usok na dumadaong sa paligid.

"Take this!" rinig naming sigaw. Mga apoy, ligaw na delikadong bagay, bomba, mga bala ng baril ang umuulan sa paligid. At sa isang kisapmata ay maaari kang bawian ng buhay.

"Gamitin mo kapangyarihan mo para hanapin sila." rinig kong wika ni Hub at mabilis nga akong kumilos. Pinakiramdaman ko ang lupa at hindi mabilang ang mga nilalang sa lupa sa sobrang dami.

"Ang dami nila Hub." gulat kong tugon sa kanya.

"Siguro ay ang kambal ang may pasimuno niyan."

"Ano? Anong ibig mong sabihin?"

"Kaya nilang gumawa ng kaparehong mukha, mga clone." sabi niya at sumagi bigla sa utak ko ang nangyari kanina.

GG was sucked by a wooden sword in the heart directly but didn't mind to ask help but just faded away like an ashes. Siguro ay clone lamang iyon at posibleng wala talaga siyang sugat at ligtas si GG.

"Sivan sa taas." biglang sigaw ni Hub at napayuko na lamang ako. Muntikan na akong tamaan ng matulis na pakpak ni Marga sa taas.

Ngayon ko lang napagmasdan ang kapangyarihan niya. Ang kanyang pakpak ay nag-iiba at pwedeng maging metal. Malakas din pala ang babaeng ito.

"Ako na bahala dito. Hanapin mo nalang ang iba." sigaw ni Hub sabay hagis ng kanyang kamay sa taas at may ibinugang kakaibang hangin na tumama mismo sa pakpak ni Marga.

Hindi na ako nagpaalam pa at lumayo na nga at hinanap ang iba.

"Anong ginawa mo kay Clifford! Bakit mo siya pinatay!" rinig kong sigaw sa kabilang bahagi at si Alyza nga iyon, kasama si Miguel at palagay ko ay nagbabangayan ang dalawa.

"Hindi ko sinasadyang tamaan siya ng kapangyarihan ko." sagot ni Miguel na ngayon ay pinagsasampal ni Alyza.

Nagtago na lamang ako sa katawan ng puno at pinagmasdan sila.

Gusto ko marinig lahat ang anumang ilalabas ng kanilang bibig, lalo pa at narinig ko ang pangalan ni Clifford at sinasabi nilang patay na ito.

"Hindi kita mapapatawad!" malakas na sigaw ni Alyza sabay tawag ng mga bubuyog sa mga puno. Hindi naman agad nakalayo si Miguel at mabilis itong kinakagat ng mga bubuyog na animo isang pulutan.

At doon na ako nakiusyuso sa kanila at lumapit.

"Alyza itigil mo iyan!" pagsali ko subalit napaurong nalang ng masilayan ang mga matang galit ni Alyza.

Rinig ko ang sigaw ni Miguel at napapaindak sa lupa dahil sa mga giant bees na kumakagat sa kanyang buong katawan. Nag-aalala naman ako at lumapit sa kanya subalit nakagat lamang ako ng isang bubuyog. Ang sakit.

"Nararapat lamang iyan sa kanya Sivan!" rinig kong wika ni Alyza at napanganga na lamang ng makita ang katawan ni Miguel na halos hindi na makilala dahil sa mga kagat ng mga bubuyog na ngayon ay lumalayo na.

"Alyza anong ginawa mo sa kanya! Pinatay mo siya!" gulat kong wika at naramdaman na lang ang sakit ng pagkakagat ng bubuyog sa kaliwa kong kamay. Pansin ko ang pamumula at nanlalaking sugat na humuhugis bilog sa laki.

"Venomous devil bees ang mga bubuyog na aking tinawag Sivan. At kung sinumang kakagatin nito ay mamamatay." wika niya na nagpakaba ng aking dibdib.

"Pero nakagat ako Alyza." pag-aalala ko.

"Pasensiya na Sivan. Hindi kita matutulungan. Walang gamot sa kagat ng aking mga bubuyog." sagot niya. Bakas ang lungkot at seryosong pinta ng kanyang mukha.

Hindi ito maaari. Ayoko pang mamatay.

••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now