Magnitude X : LIV

45 2 0
                                    


Ang bilis dumami ng tubig sa loob ng Arena at tuluyan ng lumakas ang pagyanig. Sobrang nakakahilo.

"Hold me. Don't let go." Hub said, and the three of us were holding hands tightly, finding something to get out of the Arena.

"Siguro ay kailangan nating bumalik sa Cumube. Nandoon pa si Taller." wika ko, unti unti ng nahihilo sa kasuklaman na pangyayari ng paligid.

"Mukhang hindi na natin siya maaabutan pa. Sobrang lakas na ng pagyanig ng Magnitude Arena." sagot ni Hub sabay taas ng kanyang basang buhok gamit ang kaliwang kamay.

Lahat kami ay tila mga basang sisiw na walang magawa. Sa ngayon ay unti unti ng tumataas ang level ng tubig-dagat sa loob. Nasa tuhod na namin. Kailangan na naming gumawa ng aksyon.

"Kailangan nating puntahan si Taller. Hub gamitin mo kapangyarihan mo para makadaan tayo." sabi ni Maureen at wala ng nagawa si Hub kundi sundin kami.

He bends an air to make a passage for us to easily cross the way without stepping onto the water that were drastically climbing to top.

"Ayan nga." wika ni Maureen at tuluyan na kaming tumakbo upang makabalik sa Cumube, kung saan nandoon pa si Taller.

Mga ilang minuto ay narating na nga namin ang Cumube at miski anino ni Taller ay hindi namin mahagilap.

"Shit! Lumalaki na ang tubig!" bulalas ni Hub ng mapansin naming hanggang leeg na ang level ng tubig. Buti nalang at gumawa ng airwall balloon si Hub upang di kami malunod ng umaapaw na baha.

"Kailangan nating maghiwalay. Ako sa bandang kaliwa, kayo sa kabila." ulat ko.

"Nababaliw ka ba Sivan. Hindi pwede." pag-aalala ni Hub sa akin.

"Hanggang ulo na natin ang baha." dagdag niya.

"Marunong naman akong lumangoy. Tsaka ito nalang ang tanging paraan." sabi ko na tila may umudyok sa akin na gawin ang ninanais ko.

"Hindi nga pwede sabi!" seryosong ulat ni Hub subalit wala na siyang nagawa ng mabilis akong umalis sa airwall balloon at tuluyang nagpaagos sa malakas na pagdaloy ng tubig.

"Sivan!" rinig kong huling sigaw ni Hub at tuluyan na akong lumangoy paalis. Sobrang lalim na ng tubig at nakakatakot dahil sa mga kuryenteng kumikislap na animo sasabog at sa unti unting pagdilim ng paligid.

"I have to find Taller!" sabi ko sa sarili. Napapahawak sa mga bagay na maaaring hawakan upang di ako dalhin ng agos.

"Taller! Taller!" sigaw ko subalit walang boses ang rumesponde. Miski sa aking likod ay hindi ko na matanaw ang dalawa at mukhang naghahanap na din sila sa kabila.

Patuloy pa din ako sa paglangoy ng may napansing akong gumagalaw sa isang di-pangkaraniwang dam kung saan may lamang tao sa loob.

"Shit! Clifford!" ulat ko ng mapansing kamukha ng lalaking nasa loob si Clifford. May mga nakasabit sa ilong niya pati katawan at ngayon ay tila di magkamayaw sa kakagalaw nito sa loob.

"Clifford ikaw ba iyan?" tanong ko pero imposibleng sasagutin niya ako dahil mukhang sound proof ang loob at nahihirapan na din akong magsalita sa unti unting pag-apaw ng baha.

"Babalikan kita. Hintayin mo ako." sabi ko nalang at nagpaalam na na aalis. Di pa ako nakakaalis ng may volt na sumabog sanhi upang makagawa ito ng destruction . Di nga ako nakaiwas at nabagok ang ulo ko sa matabang poste sa aking tabi.

"Shit!" bulalas ko ng maramdaman ang sakit at pagkahilo sa natamo. Huminga na lang ako ng malalim at magpapatuloy na sana sa paghahanap ng biglang na stuck ang paa ko sa mga wire ng kuryente kung saan hirap akong bunutin ang paa ko upang makaalis na.

"Taller! Hub! Maureen!" sigaw ko upang makahingi ng tulong. Hanggang baba na ang taas ng level ng tubig at sinubukan ko pa ding lumangoy pababa at tanggalin ang mga wire ng kuryente sa aking paa ng may pansin akong tila may humihila sa akin pababa. Isang Magno!

Sa sobrang bilis niya kahit sa tubig mismo ay nagawa niya akong suntukin sa mukha sanhi upang mawalan ako ng malay.

Naramdaman ko nalang ang pagmamanhid at kirot ng buo kong katawan at huling namataan ang pag-alis ng Magno. Bilang nalang ang segundo at mawawalan na ako ng buhay.

Pipikit na sana ako ng biglang lumiwanag.

(Hintaero amisidi quelo nizar)

Ang mga katagang iyon, pamilyar sa akin.

"Kamusta aking alaga." wika ni Zaco sa magaang boses.

"Zaco. Nasaan ako?" tanong ko sa kanya. Naguguluhan man ay nagagandahan sa aking nasisilayan ngayong scenery. Maraming mga bulaklak sa paligid, mga paru-paro at ibong lumilipad sa himpapawid, at isang waterfall sa taas na umaagos hanggang ilalim.

"Ipapakita ko sayo ang Parakav kung saan dito mo makakapiling ang iyong mga kaibigan." wika ni Zaco.

"Anong Parakav? At bakit ako nandito?"

"Dito ka na habang buhay Sivan. Ito ang paraiso ng mga Man Havocs na namayapa na."

"Hindi. Hindi maaari. Ibig sabihin patay na ako?" tanong ko kay Zaco ng bigla na lamang siyang naglaho kasabay noon ang pagbungad ng lalaking humubog sa pagkatao ko ng sobra.

"Welcome." sabi niya sabay yakap sa akin.

"Diego."

•••••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz