Magnitude X : XXVIII

383 60 3
                                    


"Panong nawawala?" gulat kong tanong.

"Hindi ko sila mahanap." sagot ni Clifford, bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Dito lang kayo. Babalik ako." sabi ko. Nagbabakasakaling nasa loob pa sila Kiara.

"Anong babalik? Delikado na Sivan." sabi ni Diego.

"Matagal ng di nakakapaglaban ang Z's platoon dahil sa kinulong sila ng mahabang panahon. Kaya kung sinumang makikita nila ay maaari nilang paslangin. Wala silang kinikilala Sivan." pagpapaliwanag ni Alyza.

"Pero bakit pinakawalan sila ng mga Magno kung di naman pala sila kinikilala nito. Pwede silang patayin ng Z's platoon." sabi ni Clifford.

"Hindi ang mga Magno ang nagpakawala sa kanila. Siguro ay yong babaeng gumawa ng eskandalo ang dahilan." sabi ni Alyza na mukhang ang tinutukoy ay si Andie. Akala ko pa naman ay mapagkakatiwalaan si Andie. 

"Kailangan na nating umalis dito." sabi ni Diego.

"Hindi ako aalis hanggat di ko nahahanap sila Kiara." matigas na ulat ni Clifford.

"Bakit mo pa sila hahanapin brad eh maaaring patay na mga 'yon." sabi ni Diego.

"Anong patay! Ulitin mo nga sinabi mo!" bulalas ni Clifford at mukhang galit na siya, akmang susuntukin na si Diego, mabilis ko naman siyang pinigilan. Marahas niyang inalis ang kamay ko at ibinaling na lamang ang atensyon sa iba.

"Sorry sa inasal ni Clifford, Diego at Alyza." paghingi ko ng paumanhin.

"It's okay. We understand him. Pero ganon talaga ang buhay nating mga Man Havocs. May mawawala at may dadating. Si Miguel nga eh di din namin mahanap, siguro nga ay isa din siya sa mga napaslang ng mga Z's platoon o ng mga guards sa loob." malumay na sabi ni Alyza na nagpakalma kay Clifford. Pinapahiwatig na hindi lang si Clifford ang nawalan kundi sila din. Nag-alala naman ako bigla, baka nga ay napaslang na sila Kiara. Si Hub din na nasa loob pa. Kailangan ko silang iligtas.

"Guys! Kailangan kong bumalik sa Arena." sabi ko ng saktong biglang naglaho na parang bola ang Arena.

"Sh*t! No way!"

"I think they're changing its venue." sabi ni Alyza.

"Saan?"

"I don't know. Nakita ko sa loob kanina, isa sa mga Magno ay may abilidad na mag-teleport ng mga bagay. At siguro ay ang mga Magno ang may pakana ng paglaho ng Arena ngayon." sabi ni Alyza.

"F*ck! Asan na sila Kiara." matigas na sigaw ni Clifford at umalis samin palayo. Nagbabakasakaling mahanap sila Kiara sa paligid.

May iilan pa ding mga Man Havocs na nandito at ang iba nama'y nagsi-uwian na.

"Kailangan na nating umuwi at magpahinga." sabi ni Diego at agad na naglakad papunta sa kotse ni Clifford. Hinintay naman namin si Clifford at tuluyan ng nagpakita samin at wala sa sariling sumakay sa loob.

Si Diego na ang nagmaneho katabi si Alyza habang ako ay nasa likod kasama si Clifford.

"Clifford okay ka lang?" tanong ko kay Clifford subalit bigla naman siya nag-ibang anyo at inatake ako bigla. Buti at agad akong nakaiwas.

"F*ck! Stop it Clifford." sigaw ni Diego sabay hinto ng kotse at bumaba kasama si Alyza. Nilapitan si Clifford at pinaamo ito sa likod ng kotse. Nagbalik anyo naman si Clifford subalit bakas pa din sa mukha niya ang galit.
 
Galit ba siya sakin?

"Kasalanan mo ito! Kung hindi dahil diyan sa katangahan mo at pakikipagkaibigan sa babaeng yon. Di sana mangyayari ang lahat ng ito. Di sana nawala ngayon sila Kiara at ang kambal." matigas niyang sabi, tagos sa sa aking kaluluwa. Nagulat ako sa bigla niyang pagsumbat subalit di ko din siya masisisi. Matagal na kaibigan na niya si Kiara.

Di ko namang di mapigilang manlumo matapos marinig ang kanyang sinabi at hinanakit sa loob. Para ngayong tinutusok-tusok ng karayom ang puso ko.

"Alam mo Clifford. Di lang ikaw ang nawalan. Kaibigan ko din sila. Masakit din para sakin, masakit mawalan ng taong mahalaga sayo pero kinakaya ko." sagot ko at tuluyan ng bumuhos ang mga sariwang luha sa mata.

Tahimik na bumalik sila Diego sa kotse at agad na nagmaneho pauwi. Awkward pa din ang lagay sa pagitan namin ni Clifford pero di ko siya masisisi. Siguro nga kasalanan ko, dapat di ko nalang pinagkatiwalaan si Andie.

Ang tanga ko.

Nag-vibrate bigla ang phone ko sa bulsa at nakatanggap ng tawag galing kay Mama. Inayos ko naman ang aking sarili at sinagot ang tawag.

"Ma, oh, bakit napatawag ka?"

"Anak, nasaan ka ba? Ang kuya mo nasa hospital, nag-aagaw buhay."

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon