Magnitude X : XXXXII

248 23 0
                                    


"I'll cover you Sivan." ulat ng kambal sabay naglaho ng parang bola at tuluyang pumasok ang kanilang kaluluwa sa mga pirata gamit ang kanilang kapangyarihan at walang awang kinikitil ang mga buhay ng kalaban.

"Ako na bahala sa Z's platoon. Tulungan muna sila Marga at Maureen para makatakas dito." saad ni Hub sa akin at tumakbo palapit sa Z''s platoon. Hihirit pa sana ako subalit tuluyan na siyang lumayo kasama si Kiara.

Mga ilang segundo ay may lumitaw bigla na maraming sinulid at saktong papunta sakin. Mabilis naman akong nakaiwas subalit patuloy pa din sa pagdaloy ang mga ito hanggat hindi ako natatamaan. Napapaatras naman ako at napatingin sa kalaban.

Isang matandang babaeng maasim ang ngiting nakatingin sa akin gamit ang kanyang mahiwagang kapangyarihan. May tatak siya sa noo na Z2.

"Mamatay kana bata!" sigaw ng matanda at biglang naglaho ng parang bola at ngayon ay ilang dangkal nalang ang lapit niya sa akin at agad akong pinaulanan ng mga sinulid, parang web ng gagamba na mabilis akong nadagit at nakulong sa higpit ng kapit ng mga tila sinulid na umiikot sa aking katawan.

"Pakawalan mo ko!" sigaw ko subalit nasasaktan lang ako sa higpit ng pagkakagapos sa akin, dahan dahang bumabaon sa inosente kong balat.

"Sivan!" sigaw ni Alyza sa malayo at mukhang lalapitan na niya ako ng may mga piratang lumapit sa kanya at walang awa siyang pinagtutulungan. Kailangan ko na makawala.

"Sumuko kana bata! Wala kang mapapala kung papairalin mo yang katigasan ng ulo mo!" wika ng matanda sabay tawa na animo dyablo na nakabihag ng inosenteng biktima.

Ilang minuto na ang nakalipas at unti unti kong nararamdaman ang mga matutulis na sinulid na bumabaon sa akin at malamang sa malamang kung hindi ako makawala ay magiging baboy ako na tinadtad na parang adobo style. Hindi pwede.

Higit isang minuto akong nag-isip at tuluyan nga akong nagka-ideya at walang permisong nagpabaon sa lupa at nagtago sa lilim ng kapangyarihan. Ligtas na nakaalis sa kanyang matutulis na mala-lubid.

"Bwisit! Nakatakas pa!" rinig kong sumbat ng matanda sa ibabaw ng lupa. Pinakiramdam ko naman ang lupa at sobrang lakas ng enerhiya ang aking nararamdaman ngayon sa iba't ibang direksyon. Talaga ngang malakas ang  Z's platoon.

Maya maya ay may naramdaman akong patak ng dugo sa lupa galing sa pamilyar na presensiya ng Man Havoc. Hindi maaari. Si Kiara.

Mabilis akong pumaibabaw at tuluyang naapakan ang matigas na lupa, tanaw sa malayo si Kiara na tila nahihirapan sa mga kuryenteng dumadaong sa kanyang katawan.

"Kiara!" sigaw ko at lalapitan na sana siya ng biglang may dambuhalang puti na tigre ang tumalon sa aking harapan at mabilis akong kinagat. Buti at naharangan ko kaagad ang mukha ko ng kamay at iyon ang nakagat ng tigre. Pilit ko namang sinisipa ang mabangis na hayop subalit marahas siya at ayaw patinag.

Ilang saglit ay nag-ibang anyo ang tigre at naging isang mapanganib na cobra, isang venomous na ahas at mukhang may niluwa pa sa aking balat sa loob at agad umalis ito at muli ay nag-ibang anyo at naging isang nilalang na matanda na may tatak na Z5 na nakangiti na ngayon sa akin na mukhang nagwagi siya sa kanyang nais.

Napasigaw na lang ako sa sakit na iniinda at hindi ko magalaw ang aking kamay na kinagat. The venoms were drastically invading my blood and starts destroying my cells.

"Sivan." sigaw ng nasa kanang direksyon na si Alyza at agad na nagpaulan ng mga bubuyog sa Z5. Bigla namang naglaho ang matanda at tuluyan na lamang lumayo ang mga bubuyog at inaatake na lang ang mga piratang umaaligaga sa paligid.

"Okay ka lang?" tanong ni Alyza pagkalapit sa akin.

"Hindi! Hindi ko magalaw kamay ko Alyza." nahihirapan kong sabi sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pag-alala at hinawakan niya ako ng magaan. Umiilaw ang kamay niya ng kulay berde at alam kong nilalabas niya na ang healing power upang ako ay pagalingin.

"The venoms that are inside of you were untraceable. I couldn't felt them. It's a rare venom of a snake." ulat ni Alyza na mukhang nahihirapan akong pagalingin.

"It takes time for you to heal Sivan." dagdag niya ng may biglang malalaking metal na lumipad sa himpapawid na saktong tumama sa aming dalawa. Hindi kami nakaiwas.

"Alyza!" pag-aalala ko at natanaw siyang duguan sa ulo. Walang malay na nakayakap sa akin.

"Alyza!" paulit-ulit kong saad sabay yugyog sa kanya gamit ang kaliwang kamay subalit walang nangyayari. Minabuti ko namang tumayo subalit hindi ko na magalaw ng buong pwersa ang aking buong katawan at tuluyan ng nilamon ng venom. Dagdag pa ang malaking sugat sa aking ulo sa pagtama ng malaking metal sa amin.

"Your life will end here kid!" rinig kong bulalas ng lalake sa aking harapan. Unti unti ng nawawala ang aking paningin subalit tanaw ko pa din sila.

Ang limang Man Havocs. Ang Z's platoon na masayang nakangiti sa akin. May naglabas naman ng mahiwagang sandata sa kanila at agad na sinaksak sa likod si Alyza na nakayakap sa akin at tumagos ito hanggang tiyan ko.

Napaubo nalang ako at napasuka ng sariwang dugo sa aking labi.

"Hub sorry. Kayo na bahala." huli kong bulalas sa hangin at tuluyan ng nawalan ng hininga.

Paalam.

•••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon