Magnitude X : XXXII

333 47 1
                                    


"Get off of me."

"Sorry ate. Akala ko kasi ikaw yong kaibigan ko." paghingi ko ng paumanhin, nahihiyang umalis palayo.

"Manyak!" sigaw niya.

Nagtinginan tuloy lahat ng tao sakin. Hinawakan ko lang naman ang bewang niya, akala ko kasi siya si Kiara kaya ko nagawa 'yon. Siguro ay namamalik-mata lang ako at na miss lang din siya ng sobra kaya pati yong babae ay napagkamalan ko pa.

I miss them. Si Kiara na medyo masungit at bossy, pero taglay niya ang pagiging matatag at matapang. Ang kambal, si JJ na makulit at maingay pero madiskarte at si GG na sobrang talino at walang takot na bumangga ng mga kalaban.

Na miss ko sila ng sobra, kung saan man sila ay sana ligtas sila at nasa maayos na lugar. I know they're smart and strong so there's no box to think negative.

Sa aking paglalakad ay narating ko na ang room ni Kuya, magaan itong binuksan upang di makagawa ng ingay. Pumandig naman ang puso ko sa nasilayan sa loob.

"Kuya buti gising ka na." bungad ko sabay takbo at yakap sa kanya.

"Aray!" sigaw niya. Lumayo muna ako at nilapag ang mga pagkain sa maliit na lamesa sa loob at hinarap siyang muli.

"Nasa langit na ba 'ko."

"Baliw kuya! Buhay ka at nasa hospital ka ngayon."

"Saan na mga galos ko? Bakit parang nawala?" tarantang tanong ni kuya sabay tingin sa buong katawan niya. Napatingin naman ako kay Alyza at di alam ang sasabihin.

"Nag-volunteer po kasi ang pinakamagaling na doktor dito sa Lagro Hospital na pagalingin ka kaya ayan, nanumbalik lahat ng sigla ng katawan mo at agad nawala ang mga sugat niyo po." mabilis na sagot ni Alyza. Napabuntong hininga na lamang ako at nangiti sa galing niyang mag-rason.

"Salamat naman kung ganon. Naalala ko sobrang lakas ng pagtama ng kotseng inaandar namin sa poste eh. Himala at nabuhay pa ko." sabi ni kuya Renzy.

"Ah kuya, sino pala kasama mo ng nangyari 'yan."

"Si Miguel? Asan si Miguel?"

"Po, wala po siya dito." mabilis na sagot ni Alyza. 

Kilala ni Alyza si Miguel dahil siya ang lider ng platoon nila ni Diego. At tama nga ang kutob kong buhay pa ang Miguel na 'yon at siya ang may kagagawan nito kay Kuya. Anong klase siyang tropa!

"Siya kasi nagmaneho ng kotse eh. Baka isa ding siyang tulad ko ngayon na nasa hospital."

"What? Pero sabi ikaw daw nagmaneho at ikaw lang nandoon kuya sa kotse." sabi ko. Nagulat sa narinig.

"Ewan. Di ko na maalala eh." sagot ni Kuya at na pahawak sa kanyang sintido sabay bitaw ng maisim niyang mukha.

Pinahiga namin siya ulit at di na pinagsalita pa. Kailangan niya muna ng mahabang pahinga.

Mga ilang minuto ay nakatulog ulit si kuya ng mahimbing at ngayon ay di na siya unconcious gaya ng dati.

"I'm sorry Sivan. I think Miguel may have done this to your brother." paghingi ng paumanhin ni Alyza.

"It's okay. Ang mahalaga ay okay na si kuya ngayon." ngiting sagot ko sa kanya.

"Pero kilala ko si Miguel. Kung ako ang tatanungin di niya ito magagawa sa Kuya mo Sivan, sa matalik niyang kaibigan." saad ni Alyza.

"Di ko alam kung paniniwalaan ko pa yan Alyza. Halata namang siya ang may gawa nito kay kuya." diretso kong sagot.

"Wait! Makinig muna kayo sakin." hirit ni Clifford na mukhang may sasabihing importante.

"Nung biglaang digmaan sa Magnitude Arena. Nakita ko si Miguel na hinablot ng mga guard at pinasok sa loob ng secret room ng mga Magno. Hindi kaya, may mali ding nangyayari kay Miguel. Ibig kong sabihin, may ginawa sila para maging masama ito gaya ng Z's platoon." mahabang pahayag ni Clifford na nakakuha ng atensyon ko.

"Posible, pero bakit nakakaalis pa din si Miguel sa Arena di gaya ng mga Z's platoon na nakakulong lamang at di makalabas." pahayag ni Alyza.

May punto siya. Nakakuha naman agad ako ng ideya.

"Siguro kasi kinokontrol sila. Sabi kasi sakin ni Hub sakin na may ini-inject sa kanila para maging masama at unti unting sinisira ang mga cells sa utak na parang severe drug, na mawawalan ka ng katinuan at di makakilala. Pero dahil sa makapangyarihan ang mga Magno, ay kaya nilang ikontrol ang mga biktima nila pwera nalang sa Z's platoon na hindi nila kayang ipalabas sa Arena marahil takot silang baka bumalik sa katinuan ang mga ito dahil may tsansang makawala sila sa patibong, knowing Z's platoon. They're powerful." mahaba kong pahayag.

"Ang galing mo Sivan. Tama. Siguro nga ay takot silang pakawalan ang Z's platoon sa Magnitude Arena." sagot ni Alyza. Bakas sa mukha nito ang tuwa sa mga impormasyong narinig.

"Posibleng biktima din kaya sila?" malungkot na tanong ni Clifford sa kawalan.

"Sino?" pagtatakang tanong ni Alyza.

"Sila Kiara. Pero okay na ko kung maging sunod-sunuran sila ng mga Magno, huwag lang silang paslangin dahil di ko mapapatawad ang sinumang kikitil sa buhay nila." matigas na sabi ni Clifford.

"So anong plano natin?" tanong ko.

"Babalikan natin ang Magnitude Arena, hahanapin natin sila pati na din si Andie." matigas na sabi ni Clifford. Bakas sa mukha ang determinasyong mahagilap muli sila Kiara, Andie, at ang kambal. At mabalik ang platoon namin.

•••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now