Magnitude X : L

173 13 0
                                    


"Sivan!"

"Hub!" sigaw ko sa kanya habang lumalangoy palapit na ngayon ay lumulutang ang aming katawan sa ahon ng malalim na dagat.

"Okay ka lang?" tanong ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Sobrang lamig ng tubig.

"Okay na ako. Buti naman at naisipan ng kambal na dalhin tayo dito."

"Bakit? Anong meron ba dito?"

"Nasa pinakalilim tayo ng dagat ngayon, gitnang bahagi kung saan sa ilalim nito mismo ay ang Magnitude Arena kung saan nandoon ang mga Magno. Kailangan na natin silang patalsikin sa lalong madaling panahon." seryoso niyang saad. Bakas sa mukha ang determinasyon.

Ilang saglit lang ay bigla ngang lumutang sa tubig ang katawan nina Kiara, Alyza, Andie, Maureen at ang kambal na ngayon ay naghahabol din ng kanilang hininga.

Mukhang kaming walo na lang ang natitirang buhay pa sa ngayon kaya kailangan na naming gumawa ng aksyon bago pa mahuli ang lahat.

"Nasaan si Clifford? Bakit wala siya?" pag-aalalang tanong ni Kiara sabay ikot ng kanyang mga mata, tila may hinahanap.

Hindi niya pa pala alam na nag-aagaw buhay si Clifford.

"Ano? Hindi pwede! Kailangan buhay pa siya!" malutong na bulalas ni Kiara na mukhang binasa na nga ang nilalaman ng aking isipan. Hindi ko nalang siya pinansin at nanahimik na lang dahil alam kong mahirap sa kanya mawalan ng kaibigan.

Lalo na sa kalagitnaan ng digmain, nararapat na mas pokus ang kanyang isipan sa laban at hindi sa anumang bagay na makakapagdulot ng kahinaan sa kanya.

"Diba Alyza. Kaya mo magpagaling, bakit hindi mo gawin iyon kay Clifford!" sigaw ni Kiara.

"I can't Kiara. By now, he's still alive but unconcious. He only had 30 minutes to survived or else, he'll die." walang ganang tugon ni Alyza, halata sa boses ang kawalang pag-asa sa sarili.

"Marami ng namamatay. Siguro ngayon ay kailangan nating tatagan ang sarili natin. We can still have a chance to revive Clifford. Lets be positive." pagsali ni Andie sa usapin at mabilis na nagbigay ng kanyang bahagi.

"Wala na tayong oras para lumangoy pa pababa kaya gagamitin ko nalang ang water spin." dagdag niya sabay countdown.

At hinanda na nga naming ang aming sarili.

"This is gonna be a rollercoaster ride." She warned and automatically downlifted us deeply below. It's like a speed as thunder, whereas I couldn't feel my stomach inside. In a while, I find myself holding my breath and closed my eyes for a reason.

"Now we're here." Andie announced.

Ilang segundo ay minulat na nga namin ang aming mata at tanaw na ang harap ng Magnitude Arena.

Tanaw ang estilo nitong makaluma. May mga maliliit na isdang lumulusong, mga algae na pumapalibot sa kabuuan ng malahiganteng Arena.

"Wow. I can breath in water." sabi ni JJ, bakas sa mukha ang pagkamangha.

"I made it possible, I created a huge bubble and we're in it." sabi ni Andie sabay labas ng kanyang mapuputing ngipin.

"Ngayon paano tayo makakapasok?" tanong ni Kiara.

"I know what to do." biglang sabi ni Hub at lumapit kay Andie. Tumango naman si Andie na animo sa mata palang ay nag-uusap na sila at bigla nga nilang nilabas ang kanilang kapangyarihan.

Andie made a thick ice stick and Hub used his air punch to push rapidly the ice that was successfully sucked on the Arena.

"Now!" sigaw ni Hub at mabilis ngang kumilos si Andie at pinalaki ang ice stick na nagpaluwang sa malaking sagabal na pader ng Magnitude Arena.

"Ang galing niyo!" pag-cheer ng kambal sabay unang pumasok sa malaking butas ng Magnitude Arena kung saan unti namang naging tubig ang yelong tumarak doon.

Mukhang may barrier ang Arena at hindi man lang napapasukan ng tubig sa loob subalit matatanaw mong may butas ito na maaaring lusubin ng tubig.

Napatingin ako sa kanila, maging sila sa akin sabay tango ng kanilang panga hudyat na nagsasabing maaari na kaming pumasok sa loob.

In a minute, we safely entered the Arena and Andie used her ice to cover the walls that she broke and pasted it like a glue.

All of us ran carefully like a ninja but didn't afford to smize when theirs a huge alarm rung loudly inside.

"Mukhang alam na nilang nandito tayo." sabi ni Hub sa amin habang tumatakbo pa din kami ng mabilis at ligtas na nakapasok sa loob ng Arena. At sa inaasahan ay tanaw na nga namin ang mga matatandang matalim ang tingin sa amin. Ang mga Magno.

"Mga bata talaga ngayon walang magawa kundi mangialam!" bulalas ng matandang kalbo na mukhang lider ng mga Magno.

Sampu silang nagkukumpulan at lahat sila ay may suot na malaking salamin. Kung titignan mong maigi ay mukha lamang silang ordinaryong matanda, subalit hindi. Sila ay mga dyablong napadpad sa lupa upang sirain ang magandang image ng mundo.

"Bakit niyo ito ginagawa? Bakit pati mga magulang ko ay dinamay niyo pa!" bulalas ni Maureen, sa tono ng kanyang pananalita ay ramdam mo ang galit at kasakiman.

"Ikaw pala ang nawawalang anak ng aking Alagad. Akala ko ay patay ka na." sabi ng matandang may malaking hoodie na itim na kanilang lider.

"Hindi mo alagad ang mga magulang ko! Pagbabayaran niyo ang ginawa niyo sa kanya." sigaw ni Maureen sabay pakitang dilas. Sabay labas niya ng kanyang mumunting baraha at mabilis na itinapon sa matanda subalit mabilis itong nahawakan ng lider ng Magno na animo isang propesyonal na mandirigma.

"Gumising ka bata! Huwag na kayong umasa pang magtatagumpay kayo sa inyong plano." The Magno leader said and suddenly something weird happens. A huge explosion came and all of us knelt, just to find out the worst nightmare of our lives.

••••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now