Magnitude X : XVIII

517 73 6
                                    

••••••••••••••••

"Gising na si pretty boy." sabi ng lalakeng di pamilyar sakin ang mukha.

Ramdam ko pa din ang malakas na pagtama ng tubo sa aking ulo. Ansakit.

"This guy is f*cking amazing. We should kill the threats in the game!" ulat ng babaeng blonde ang buhok at may panyo sa ulo. Para siyang gangster na ewan sa dating niya.

"Sino kayo? Pakawalan niyo ko." sigaw ko na nandito sa isang madilim at magulong abandunadong kwarto. Tanging ang pulang umiikot lang ang nagbibigay liwanag sa loob. Nakagapos pa kamay at paa ko. Pinilit kong kumawala sa pagkagapos pero walang nangyayari. Sinasaktan ko lang sarili ko, tila may parang kuryente sa mga bakal. Ang masaklap pa ay di ko magamit ang aking kapangyarihan.

"The pretty boy of Magnitude Arena." sabi ng lalaking nasa gilid na naka-shade. Tatlo sila ngayong nasa abandunadong kwarto kasama ko. Dalawang lalake at isang babae.

"You know what! You're here kasi ginalingan mo masyado." ulat ng babae sabay nagtawanan ang tatlo. Pinilit kong kumawala pero nakuryente lamang ako ng madikit ang balat ko sa bakal. Sobrang sakit.

"Huwag ka ng magtangkang tumakas pretty boy. Masasaktan ka lang." sabi ng lalaking naka-shades.

Based from the uniform they are wearing, its seems like they're my schoolmates. At di sila ang platoon nila Diego dahil ngayon ko lang sila nakita.

Naalala ko naman ang sinabi ni JJ na tatlong platoon sa Campus ng school ang pasok sa next round ng Magnitude Arena, at mukhang sila nga yong tinutukoy niyang isa pang pasok.

Pansin kong may tatak na nakaguhit sa panyo ng babae at may nakalagay na letrang G. I guess they're G's platoon.

"Mga hunghang! Pakawalan niyo yan. Bakit niyo dinala yan dito." bungad ng lalaking biglang lumitaw sa loob at agad na nilusob ang isang lalakeng may tattoo sa leeg. Sinuntok ang tiyan ng malakas.

Nag-bow naman ang dalawa at mukhang siya ang master nila.

"Bakit niyo dinala yan dito ah?" sigaw ng kanilang master. Napayuko nalang ang tatlo at agad na nagboluntaryong magsalita ang babae, bakas sa mukha ang takot.

"Baka kasi manalo tayo pag pinatay natin yan." sabi niya sabay turo sakin. Tiningnan ako ng masama.

"Wala ba kayong tiwala sa mga sarili niyo. Don't you know that it's unfair." There master said with authority. Screamed to the top of his lungs.

Sa aking pagmamasid sa kanya. Taglay niya ang kakaibang enerhiya. Mukha ngang malakas siya at sobrang angas ng dating.

"Nakita kasi namin siyang mag-isa. At napag-usapan naman naming tatlo na dakpin siya para na din walang sagabal satin." sagot ng lalaking naka-shades na agad namang sinakal ng master nila, hinawakan ang kwelyo ng pulo at binuhat ng walang kahirap-hirap. Grabe. Nakakatakot siya. Nabuhat niya pa ang lalakeng maskulado ng isang kamay lang. Talagang malakas nga siya at napapaamo niya pa ang tatlo.

"Are you coward? Huh!" sabi ng master sa lalake. Nag-nod lang ito ng ulo at agad na niyang binitawan. Napahawak na lamang sa leeg ang lalake at naghahabol ngayon ng kanyang hininga.

"Labas muna kayo! Ngayon din!" utos ng master nila. Agad naman silang lumabas at naiwan kaming dalawa sa loob.

I can feel the tension between us. Naghihintay na may magsalita. Napapalunok nalang ako ng sariling laway sa kakaisip kung anong susunod na mangyayari.

"Remember me Sivan." sabi niya. Napataas naman ang kilay ko ng marinig ang aking pangalan. Kilala niya ko.

"What! Di kita kilala." mabilis kong sagot.

"Ako lang naman 'yong nabangga mo malapit sa library."

Napaisip naman ako at inalala ang nakaraan. Minsan lang ako pumupunta sa library at may nabangga nga akong isang lalake.

"Ikaw ba yon?" curious kong tanong. Sinisiguradong siya nga ba yon.

"At bakit mo ako kilala." tanong ko ulit.

"I know you because I tend to." sabi nito at nagsindi ng sigarilyo.

"You're a threat to me Sivan." sabi ulit niya at agad na nagbuga ng usok galing sa sigarilyong hawak.

"Me! A threat?"

"You're a threat but I'm not coward. I know I can beat you." seryosong sabi niya na nakatingin sa ibang direksyon. Nilalanghap ang sigarilyo sabay buga ng maraming usok.

"Could you please let me go." sabi ko sa kanya. Nagbabakasakaling pumayag.

Ilang saglit ay lumapit nga siya at tinanggal ang mga gapos sa aking kamay at paa. Nagpasalamat naman ako subalit nakatatak pa din ang pagtataka sa isipan kung bakit niya ako pinalaya ng ganoon nalang.

He said I'm a threat pero bakit di niya pa ako paslangin ngayon.

"Why are you helping me?" sabi ko sa kanya pagkatapos ay tumawa lang siya. Baliw yata siya.

"I'm not helping you. Ayoko namang patayin ka ng walang thrill. Mas maigi kong sa Magnitude Arena na tayo magharap." sabi niya. Nagsimulang nagliyab ang mga mata nito at bigla nalang umapoy ang dalawang kamay niya. Nakakakilabot.

"Don't mess with me Sivan. I got fire with me. And I know I'm stronger than you." sabi niya at tuluyang nagliyab ang buong katawan. Napapaatras nalang ako ng maramdaman ang init sa balat na nanggagaling sa kapangyarihan niya. Maigi naman akong naglakad dahan dahan palabas at di niya man lang ako pinigilan.

"Ako nga pala si Taller. At ako ang makakalaban mo Sivan." huli niyang habilin.

Kinuha ko na ang aking gamit sa tabi at tuluyan ng tinahak ang labas. Nakita ko naman ang tatlo na masama ang tingin sakin at hinayaan lang nila akong makalabas sa mismong gate.

Napabuntong hininga na lamang ako at nag-abang ng masasakyan pauwi. Salamat at walang nangyari saking masama.

"Yong lalakeng 'yon. Sobrang lakas niya. Nakakatakot siya." saad ko sa sarili na ang tinutukoy ay si Taller.

Fire is definitely a strong and a rare power. Kailangan ko talaga mag-ensayo na sa nalalapit na susunod na laban.

•••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt