Magnitude X : XXXIV

319 40 0
                                    

•••••••••••••••••••••

"Magnitude Arena sa underground water. That's impossible!"

"They made it possible. Siguro kasi alam ng mga Magno may naghahanap sa kanila. Kaya gusto nila tayong pahirapan." sagot ni Alyza.

Nasa kotse kami ngayon ni Clifford at pupuntahan ang nasabing lugar kung saan nandoon na ngayon ang Magnitude Arena at sa ilalim pa ng tubig, ng dagat mismo.

Nagbabakasakali kaming nandoon sila Kiara sa Magnitude Arena at ilang araw na din ang nakalipas ay hindi pa din sila nagpapakita sa amin, miski anino ay wala.

Nahanap ni Kiara ang mismong Magnitude Arena sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, pinaamo ang maraming mga hayop at kinausap na hanapin at mismong malaking pating sa dagat pa talaga ang nakatagpo ng Magnitude Arena, weird man ay ang galing ng kapangyarihan niya. Nakakausap niya ang mga hayop sa sarili niyang paraan.

"Malayo pa ba?" biglang tanong ni Diego.

"Oo, at mukhang gagabihin tayo." sagot ni Alyza.

Katabi ko ngayon ang dalawa sa likod, sina Diego at Hub. Si Alyza naman ay nasa harap kasama ni Clifford na nagmamaneho.

Medyo awkward pa din ako sa dalawang lalakeng katabi ko ngayon. Tinatanong ang aking sarili kung sino nga ba ang matimbang sa kanila subalit di ko pa alam ang sagot. Mukhang may namumuong tensyon pa din sa dalawa at nararamdam ko yon ngayon.

Patuloy na umaandar ang makina ng kotse, maiging tinanaw ang mga magagandang tanawin sa labas, mga malalaking buildings, kumikinang na ilaw ng mga billboards, street lights at mga kotseng dumadaloy.

"Gutom ka na ba?" tanong ni Diego.

"Hindi naman. Nauuhaw lang." mahina kong sagot.

"Ito inumin mo. Masama ang di uminom, tutuyuin ang kalamnan mo." biglang usyo ni Hub na ngayon ay mabilis na inabot sakin ang mineral bottle. Nahihiya man ay kinuha ko na lamang at ininom ito. Pansin ko naman ang mala-kuryenteng tensyon sa dalawa at pumagitna pa ako sa seat. Awkward tuloy.

"Bakit mo ininom yan Sivan? May laway na yan ni Hub!"

"Pake mo ba kong nainom ko na!" sagot ni Hub kay Diego.

"Kadiri ka! Dapat ito ininom mo Sivan. Malamig at bago pa hindi yan!" sabi ni Diego sabay abot sakin ng bago at sadyang itinapon ang hawak kong mineral bottle galing kay Hub.

"Ano ba problema mo?" iritang tanong ni Hub kay Diego sa ginawa. Tuluyan ng uminit ang ulo ng dalawa.

"Ikaw ano problema mo! Umalis ka sa bahay ni Sivan! Maghanap ka ng matutuluyan mo!"

"Pake mo ba kung sa kanila Sivan ako nakikituloy?"

"Pwede ba itigil niyo na yan." pagsali ko, bakas sa boses ang namumuong galit. Nanahimik naman agad sila sabay iwas ng tingin. Napabuntong hininga na lang ako sa kahibangan nila.

"Ang astig mo talaga Sivan. Pinag-aagawan ka yata ng dalawa diyan sa likod." bulalas ni Clifford sabay tawa habang nagmamaneho. Pansin kong napangiti lamang si Alyza, tanaw ko sa harap ng salamin. Nakakahiya tuloy. Pakiramdam ko namumula na aking pisngi. Di ko na lamang sila pinansin at tinuon na lang ang sarili sa makabuluhang bagay.

Tuluyan ng nilalamon ng dilim ang kalangitan subalit di pa din namin nararating ang nasabing lugar.

"Malapit na tayo guys." sabi ni Alyza sa lahat.

"Mga ilang oras pa. Naiinip na ako. Gusto ko na makita sila Kiara." ulat ni Clifford na binibilisan na ang pagmamaneho. Buti at hindi traffic sa labas at unting sasakyan lamang ang dumadaloy sa daan.

"Siguro ay isa o dalawang oras." sagot niya sabay tingin sa legit compass mula sa kanyang laptop.

"Ano ba iyan! Ang tagal." bulalas ni Clifford ng biglang napaurong kami lahat.

Biglang may bumundol ng kotse sa likod sanhi upang magising ang dalawang katabi ko at nabundol sa bintana.

"F*ck! What was that?" matigas na tanong ni Diego.

Napatingin ako sa likod at wala namang kotseng sumusunod sa amin.

"Clifford ipara mo muna sa tabi ang kotse." utos ni Alyza.

"Bakit?"

"Basta." maikling sagot ni Alyza. Agad namang pinara ni Clifford at sinunod ang nais ni Alyza. Bumaba naman si Alyza sa kotse at pinagmasdan ang paligid.

"Anong ginagawa niya?" tanong ko.

"Siguro ay may sumusunod sa atin." sabi ni Hub at agad ding bumaba.

Out of curiosity. I immediately get off the car and saw nothing around. Bumaba din si Diego at naiwan si Clifford sa loob.

"Mga bubuyog. Magpakita kayo sa akin." ulat ni Kiara sa paligid at unti unting lumitaw ang mga bubuyog palapit sa amin doon sa mga malalagong puno. Nakakatakot. Mga giant bees.

"Huwag kayo matakot. Di sila nangangagat ng di kaaway." dagdag ni Kiara ng muling lumapit ang mga bubuyog.

Medyo madilim na ang paligid subalit may mga ilaw pa din namang nagsisilbing liwanag sa daan, mga street lights at ilaw ng mga kotseng lumalabay sa daan.

"Anong ginagawa mo Alyza?" tanong ko.

"Watch and you'll find out." sagot niya at agad lumipad palayo ang mga bubuyog. May tila pinuntahan at nahagip ang parang kakaibang bagay, nag animong guhit koste ang mga bubuyog.

Agad na lumitaw ang kotse sa tunay na anyo nito at tuluyang umalis ang mga bubuyog sa utos ni Alyza. May susunod pala sa amin. An invinsible car appeared.

"Sino kayo at bakit niyo kami sinusundan?" sigaw na tanong ni Alyza.

Mga ilang segundo ay bumaba na nga ang sumusunod sa amin at di inaasahang nasilayan sila.

••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now