Magnitude X : XX

472 70 5
                                    


Napabuntong hininga nalang ako at di nalang pinansin ang text niya.

Tuluyan nakong lumabas ng kwarto at unti-unti ko nang nakikita mga tropa ni Kuya sa baba. Ang bilis naman nilang dumating.

"Oh baby boy. Mauna kana kumain ah. Dito lang kami sa sala." sabi ni Kuya, kasama ang tatlong lalake at dalawang babae, siguro ay girlfriend niya 'yong katabi niyang isang babae. Maganda at sexy.

"Opo." nahihiya kong sagot. Medyo mahiyain kasi ako pag nasa bahay lang unlike pag outdoors.

Nakaramdam naman ako ng kakaiba subalit binalewala ko nalang at tinungo na ang kusina. Buti at may nakahaing pagkain na, di ko na kailangang magluto.

"Look who's here." rinig kong boses.

Bahagyang akong nabilaukan sa biglang pagbungad ng lalake. Tropa yata ni Kuya. Napatingin naman ako ng masama sa kanya at nangiti lamang siya na akala mo ay close kami.

"Sino ka naman? Ano kilala mo ko? Sobrang sikat ko naman at ang daming nakakakilala sakin." sarkastik kong sabi ni di na nahiya sa anumang sasabihin niya.

"Easy. Kapatid ka ni Renzy at iyon lang. Ano ba iniisip mo?" sagot niya at kumuha ng maiinom sa refrigerator. Feel at home naman ang lalakeng ito. Ewan ko ba, naiinis ako sa presensiya niya.

"Wala." maikli kong sagot at nginuya-nguya na lamang ang pagkain. Binilisan ko namang kumain para matapos na at gusto ko ng magpahinga. Siguradong ako na naman papalinisin ng kalat ng magaling kong Kuya pero buti nalang at may lakad ako bukas, magpa-practice kaming platoon at makikipagkita sa babaeng nagngangalang Andie.

"Goodluck nga pala next week. See you." sabi ng lalake sabay alis sa kusina. Nalilito man ay hinugasan ko nalang ang mga hugasin, nilinis ang lamesa at agad na pumunta sa kwarto at tumalon sa malambot kong kama.

"Next week? So it means na isa din siyang Man Havocs." late kong reaksyon.

"Ba't ang daming nakakilala sakin? Lagi nalang." sabi ko sa sarili at agad na luminawag sa kwarto ko. Si Zaco.

"Buti at nagpakita ka. Madami akong tanong sayo." sabi ko sa kanya at inayos ang pagkakaupo sa kama.

"Sivan you are one of a gem in a full of stone. You got a power that could envy everyone around you." sabi niya.

"Ganun ba, pero hindi naman sa pagiging assuming pero bakit pakiramdam ko ang daming nakakakilala sakin?"

"Dahil sa kapabayaan mo. Kaya mag-iingat ka dahil ikaw pa lang ang kilala nila."

"Ano po? Di kita maintindihan!"

"Dahil sa pagpapakitang dilas mo sa Magnitude Arena ay naging threat ka na sa ilan. Hindi dahil sa malakas ka kundi dahil sa iyong kapangyarihan. Ang lakas ay nahahasa subalit ang kapangyarihan ay nandiyan na yan. Gifted ka Sivan."

"What do you mean? Anong gifted?"

"Ikaw lang ang may kapangyarihang taglay niyan. Ang lupa ay isang malakas na kapangyarihan, ikaw ang nangangalaga nito. Nakasalalay sayo ang panahon. Kaya mong gunawin ang mundo sa isang pagkakamali." huli niyang sabi at agad na naglaho ng parang bola.

Medyo nauunawaan ko naman 'yong sinabi niya. Dapat pala ay hindi ko muna ginamit ang kapangyarihan ko nung laban namin. Maaari nga kayang makapangyarihan ako.

Sa apat na magigiting na kapangyarihan. Tubig, apoy, lupa, at hangin. Taglay ko ang lupa, at may kilala akong taglay ang apoy, siya ay si Taller. Pero ang dalawa, nasaan kaya.

Pinatay ko na lamang ang ilaw at binalutan ang katawan ng kumot. Itutulog ko nalang siguro 'to.

•••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now