Magnitude X : XXXXI

273 31 0
                                    


"Huwag kayo magpadalos-dalos."

"Alyza?" masigla kong tugon at mabilis na humarap. Hindi nga ako nagkakamali. Siya nga, at ang mas nakakagulat pa ay kasama niya sina Kiara, at ang kambal.

"Salamat at ligtas kayo." natutuwa kong saad sabay yakap sa kanila. Hindi ko tuloy mapigilang maiyak ulit sa sobrang tuwa. Sobrang daming emosyon ang bumabalot sa akin sa araw na ito. Tuwa, lungkot, pananabik, pighati at marami pa. Hindi ko alam kung ano pa ang susunod.

"They escaped the web of the Magno. Thanks to you Sivan, for showing your full force and breaking the land that made them enlightened their mind." Alyza said with a sophisticated smile on her lips.

"Paano?" pagtataka kong tanong sabay pahid ng namumuong luha sa pisngi at ngumiti ng matamis pagkatapos.

"Mukhang alam na namin ang sagot kung paano makawala sa patibong ng mga Magno. Walang lunas pero may solusyon." sabi ni GG, ang matalinong kambal ni JJ. Salamat naman at bumalik na sila sa normal.

"Parang amnesia lang ang injection destroyer ng mga Magno. Ang kailangan lang ay bumalik sa dating takbo ang utak ng mga biktima nito, paaalahanin ng mga tagos pusong senaryo upang mapuksa ang injection destroyer sa katawan." dagdag ni GG. Bigla namang nagsalita si Hub, pagsang-ayon sa sinabi ni GG.

"Tama. Kailangan lang makita ng isang biktima ang reyalidad at malakas na nakaraan upang makawala sa patibong." sabi ni Hub sa lahat na medyo nauunawaan ko na ang kanilang nais ipahiwatig marahil sa iyon ang dahilan kung bakit nakawala din si Hub sa injection destroyer dati.

"Kaya ba nating puksain sa mga utak ng mga Z's platoon ang injection destroyer upang bumalik sila sa dati?" tanong ko. Nagbabakasali.

"Posible. Pero mukhang mahihirapan tayo." sagot ni GG.

"Bakit?" pagtatakang tanong ni Kiara. Buti naman at nagsalita na siya.

"Mukhang mas madami ang tinurok ng mga Magno na injection destroyer sa katawan nila." sagot ni GG.

"Maaari yon. Kaya siguro kampante na ang mga Magno na pakawalan ang Z's platoon at tuluyang palabasin ng Magnitude Arena kasi alam nilang mahirap pabalikin sa dati ang takbo ng utak nila." seryosong wika ni Hub.

"Siguro nga. Kasi si Maureen na anak ng dalawang myembro ng Z's platoon ay hindi siya kilala. Diba dapat kahit papaano ay mamulat sila kasi isang malaking bahagi si Maureen sa nakaraan nila." saad ko sa lahat na mariing nakikinig sa akin.

"So what's the plan?" tanong ni JJ na mukhang hindi masyadong interesado sa usapin at mukhang game na sa pakikidigma. Wala talagang katakot-takot itong si JJ, mukhang walang nangangalantay na dugong duwag sa katawan niya. Na miss ko din ang babaeng ito. She's so fearless.

"Paniguradong nasa Magnitude Arena ang mga Magno. Mukhang ayaw nilang lumabas sa Arena." ulat ni Kiara na mukhang hinahanda na ang sarili.

"Kailangan na natin pumunta doon." dagdag niya.

"Pero paano sila Maureen at Marga. Kailangan natin silang tulungan." saad ko sa kanila.

"Hayaan na natin yan sila. Ang kailangan natin hanapin ngayon sina Clifford at Andie." sagot ni Kiara.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi ko sila naliligtas. Nawala na si Diego at ayokong masisi na naman ang sarili ko sa aking kapabayaan." huli kong ulat at mabilis na tumakbo patungo sa mga kalaban ng walang takot.

"Sivan!" sigaw ni Alyza subalit huli na at naagaw ko na ang atensyon ng Z's platoon maging ang mga pirata na ngayon ay nakatutok sa aking presensiya.

"Look who's here. I can smell you. You're a part of X's platoon, a rare Man Havocs." ulat ng matandang mukhang inaamoy ako sa malayo gamit ang kanyang natatanging kapangyarihan.

"Pakawalan niyo sila." matigas kong wika na ang tinutukoy ay sina Marga at Maureen na ngayon ay mukhang walang malay.

Ilang saglit lang ay mabilis kong sinuntok ang lupa ng buong pwersa. Tuluyan naman itong nabiyak at kusang humihiwalay sa dalawang parte. May mga bato naman nagliliparan at mga buhangin na nagsilbing distraction sa kalaban upang hirap akong tanawin. Lihim ko namang kinontrol ang mga bato at mabilis na inihagis sa kanila.

"Mga batang makukulit ay kailangang paslangin. Sugurin siya!" utos ng lalakeng may tatak Z4 sa noo sa mga pirata na agad kumilos. Natamaan naman ang ilan sa mga bato subalit hind sapat upang maubos silang lahat.

Ilalabas ko na sana ulit ang aking kapangyarihan ng may mga mistulang galit na hayop ang nagsilabasan sa paligid. Mga malalaking baboy-ramo, mababangis na tigre, mapupusok na aguila sa himpapawid, at mga ligaw na insekto na umaaligaga ngayon sa mga pirata. Nakikipaglaban sa mga kalaban.

"Sivan tulungan mo na ang dalawa. Ako na bahala sa mga pirata." sigaw ni Alyza sa likod ko at mukhang sa kanya galing ang kapangyarihan iyon upang tawagin ang mga mababangis na hayop. Ngayon ko lang nasilayan ang ganitong kapangyarihan at mukhang nilabas na niya ang kanyang buong enerhiya upang tumulong.

Kailangan kong iligtas na ngayon sila Maureen at Marga.

"Sandali Sivan. Huwag mo kami kalimutan." rinig kong wika ng boses babae sa aking likod at alam kong si Kiara iyon. Napadako naman ang mata ko sa aking likod at tuluyang nasilayan silang lima.

Sina Alyza, Kiara, GG, JJ, at si Hub na mukhang handang tumulong at makipaglaban. Lumapit naman sila sa akin sabay tingin ng mariin sa mga kalaban na animo nagliliyab ang kanilang mga mata at sabik ng makipagsapalaran.

"As what I said before Sivan. We are here to compete. We are Man Havocs and we lived to fight all the creeps." GG interrogated and tapped my back as a sign of rivalry.

"Siguro nga ay unahin muna natin ang Z's platoon bago ang mga Magno. At tandaan mo Sivan hindi ako duwag." tugon ni Kiara. Bakas sa mukha ang tapang at determinasyong makidigma maging ang iba kong kasama.

"Sugod!" Sigaw ni Hub at tuluyan na kaming lumusob.

••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now