Magnitude X : XXXXVI

208 14 0
                                    


"Dito lang muna kayo Sivan. Ako na muna bahala." sigaw ni Kiara at walang takot na lumusob patungo sa kung saan may nangyayaring labanan.

"Kiara wait!" sigaw ko subalit huli na at agad na niyang nilabas ang kanyang kapangyarihan. Pinalutong ang mga ligaw na sandata sa paligid at saktong itinapon kay Taller na mabilis namang nakailag.

"Don't mess up with me." wika ni Taller kay Kiara at agad na gumawa ng malaking bolang apoy at mabilis na itinapon kay Kiara.

Sa sobrang laki ng apoy ay hindi agad nakaiwas si Kiara kaya natamaan siya nito subalit tila huminto ang bolang apoy at unti unting naglalaho.

"Go Sivan help them." utos ni Hub sa akin na siya pala ang may gawa ng mala-air barrier kay Kiara upang hindi ito tamaan ng mahiwagang bolang apoy na galing kay Taller.

"Sasama kami." wika ng kambal subalit pinigilan sila ni Alyza.

"Huwag na. Kaya na nila yan. Mag-isa lang ang kalaban. Tingnan nalang natin sila." wika ni Alyza sa kambal at mukhang napasang-ayon nalang sa sinabi ni Alyza. Mabilis naman akong humarap kay Taller at agad na pinalambot ang lupa upang siya ay lamunin nito at nagwagi nga ako.

Unti unti siyang bumabaon pababa at ngayon ay hanggang tuhod na ang lalim nito. I made the mug thick and slightly solid so that it's uneasy for him to get off.

"Iyan lang ba ang kaya mo pretty boy?" sabi nito sabay halakhak na animo dyablo. Hindi ko alam kung nasa kamay ba siya ng mga Magno o talagang gusto niya lang kaming lusubin.

Naalala ko tuloy ang pag-kidnap ng platoon niya dati at pagtawag ng pretty boy sa akin.

"Para mas masaya. Nag-imbita ako ng mga kaibigan." dagdag niya sabay bulaga ng lima na Man Havocs sa kanilang tinataguan at tanaw ang mga blanko nilang ekspresyon sa mukha.

Hindi na ako nagulat sa aking nakita subalit pansin ko sa aking mga kasama ang pagkabigla sa nasaksihan.

Sila Andie, Clifford, Maureen, Jose at Marga.

Kahit papaano ay mas mainam ng maging puppet sila ng mga Magno kaysa paslangin. Buti naman at buhay pa si Clifford, siguro nga ay wala na si Mark dahil hindi na nila ito kasama.

"Clifford!" gulat na bulalas ni Kiara at lalapitan na sana si Clifford ng pigilan siya ni Miguel.

"Wala sila sa katinuan. Huwag kang magpadalos-dalos." hirit ni Miguel subalit hindi nagpatinag si Kiara at mabalis na tumakbo palapit kay Clifford.

"Clifford na miss kita." emosyonal na bati ni Kiara subalit bigla nalang siya sinampal nito ng malakas at tumilapon nga ang katawan ni Kiara palayo. Mabilis namang kumilos si Alyza sa likod at tumawag ng mga insekto upang hindi galusan si Kiara sa pagtama niya sa matigas na lupa at ligtas na lumanding.

"Patayin sila!" utos ni Taller sa lima niyang kasama at mabilis ngang lumusob ang lima papunta sa amin. Bigla namang lumabas ang mga kasama ko sa likod at tuluyan ding lumusob.

"Cover Alyza, Sivan. We need her." utos ni Hub sa akin at mabilis na gumawa ng air barrier upang hindi sila makalapit. Nilapitan ko naman si Alyza at ngumuti lang siya sa akin.

"I know what to do Sivan." sabi niya na iyon nga ang pakay ko.

"I can make them act normal." dagdag niya.

Ilang saglit lang ay tumawag si Alyza ng mga bubuyog sa paligid at tuluyan nya itong pinalipad papunta sa kalaban.

Hindi din nagpatalo ang kabila at gumawa si Maureen ng paper dust upang patumbahin ang air barrier ni Hub na ngayon ay nakikipagpalakasan sa kanilang enerhiya.

Maging si Marga na inalabas ang kanyang mahiwagang pakpak. Lumutang siya sa ere at mabilis na umikot na nakagawa ng mala-tornado upang paalisin ang mga bubuyog na pilit silang kinakagat.

Nagwagi nga ang kalaban at tuluyang lumanta sa lupa ang mga sugo niyang bubuyog sa mahiwang pakpak ni Marga.

Ngumiti lang si Marga pagkatapos at lumusob na sa amin. Ginamit ang kanyang pakpak upang mapatumba ang air barrier na gawa ni Hub.

"Ang lakas nila. I'm out-numbered." bulalas ni Hub na ngayon ay tila nahihirapan.

"Anong plano natin?" tanong ni Miguel na naghihintay sa hakbang na gagawin.

"GG at JJ. Kaya niyo bang lumusot sa air barrier?" tanong ni Kiara sa kambal.

"Mukhang hindi Kiara. Sobrang lakas ng enerhiya at maaapektuhan kami kahit maging invisible pa." dismayadong sagot ni JJ.

Ilang minuto ay bigla nalang nagpaulan ng apoy ang kabila at tuluyan ngang natumba ang air barrier ni Hub at mabilis na kumilos si Jose patungo sa akin at sinuntok ako sa tiyan.

"He's fast!" bulong ko sa hangin at napapairi nalang sa sakit na nararamdaman.

"Take this!" rinig kong bulalas ni Kiara at agad na nagpalutang ng ligaw na matigas na bagay sa paligid na saktong tumama sa mukha ni Jose at tuluyang natumba sa natamo. Nilapitan naman ako ni Kiara pagkatapos.

Tanaw ko ngayon ang bakbakan ng lahat at mga kapangyarihang lumalabas sa mga Man Havocs.

"Okay ka lang?" tanong ni Kiara.

"Oo." pagsisinungaling ko upang hindi na siya mag-alala pa. Mukhang napalakas yata ang suntok ni Jose sa akin.

"Good, now we need to paralyze him." She said, pertaining to Jose.

Lalapitan na sana naming dalawa si Jose ng bigla nalang itong kumilos ng mabilis at sinipa ng malakas si Kiara maging ako sa dibdib.

Ilang segundo lang ay nagpalutang muli si Kiara ng matulis na bagay at akmang itatapon niya ito kay Jose ng mabilis itong nakaiwas at tumama ang ligaw na patalim sa dibdib ni GG na nasa likod pala ni Jose.

"Sorry GG!" wika ni Kiara at lalapitan niya na sana si GG ng biglang may tumalon na dambuhalang werewolf sa kanyang likod, labas ang mga matutulis at malalaki nitong ngipin.

"Kiara sa likod mo!" sigaw ko subalit huli na.

"Kiara!"

•••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now