Magnitude X : VIII

634 91 12
                                    


"The truth is. I know who is he. He was sent here by Zaco for you. And he's not an ordinary  Sivan." pagpapaliwag ni Clifford while still driving.

"Di namin siya kilala pa. Pero okay na din. Cute naman siya." pakipagsabayan ni GG.

"Ah." sabi ko nalang.

Mga ilang oras ay pansin kong nakaidlip na ang ilan sa sobrang haba ng byahe maliban sa amin ni Clifford. Bigla namang sumagi sa isip ko ang binigkas ng kambal kanina na umagaw ng atensyon ko. The C's platoon...

"Clifford. Do you know what is the C's platoon?" tanong ko.

"Yes. Iyan iyong ibang team na katulad natin na nasa Campus. And C means level of strength, experience and power. So they're not that strong but they can also be deadly."sagot ni Clifford. Di ko pa din ma-gets iyong nais niyang ipahiwatig kaya nagtanong ako nang nagtanong.

"What do you mean? So, sino naman iyong mga malalakas?"

"The Z's platoon."

"So, A's are the beginners and Z's are the deadliest? Parang alphabetically arrange lang ng levels from A to Z?" panghuhula ko.

"Yes! Exactly! But Z's platoon is not just the deadliest. But the most powerful in the world." He said.

"And maybe now, we are at the B's level." He added.

"So marami talagang mga tulad natin."

"Oo, at doon tayo pupunta." sagot niya na nagpalaki ng dalawa kong mata sa narinig. Nakakakilabot. Pupunta kami doon. Maaaring pwede kaming paslangin doon pagnagkataon.

"Don't worry. Walang mangyayari sa atin. Ako bahala." hirit niya sabay kindat sa akin doon sa harap ng salamin.

Pero. Kaya ko ba talaga makipagsapalaran. I don't know what will happen pero ramdam ko ngayon ang kaba sa dibdib at excitement sa anumang matutuklasan.

Makalipas ang limang oras na pag aantay ay narating na din namin ang sinasabing destinasyon. Agad naman kaming bumaba, medyo madilim na.

Nasa kalagitnaan kami ng malawak na kagubutan. Maraming mga malalaking puno ang nagkalat sa paligid. May malaking Arena naman sa malayo at rinig ko ang mistulang ingay sa loob ng Arena.

Pinakiramdam ko ang lupa gamit ang aking kapangyarihan patungo sa Arena at kinilabutan ako. Andaming nangyayari sa loob. Di ko matukoy kung ano basta masamang enerhiya siya sa katawan ko. And wow. I can use my feet to sense what's happening around without using my sight, a new discovery.

"Ang laki ng Arena. Wala bang nakaka-track niyan na mga tao?" curious kong tanong.

"Tayong mga kakaibang nilalang lang ang nakakakita niyan Sivan." sagot ni Hub habang tinatalasan ang paningin sa paligid habang kami ay naglalakad na paroon sa Arena.

"Bakit ba kasi tayo pumunta pa dito? Gusto ko ng umuwi." pag-iinarte ko na medyo natatakot na din. Ang dilim na kasi ng daan at mukhang may mga endangered wild species pa sa mga tabi-tabi dahil sa ingay gawa ng mga ibon at kaluskos.

"We have to be here for us to be more powerful. Walang mangyayari sa atin kung lagi lang tayong nag-eensayo. Kailangan din natin ng kalaban para mas lumakas!" seryosong sagot ni Clifford sa akin. Buti nalang at madilim at di ko makikita ang mukha niya, malamang nanlilisik na iyon sa galit.

Di pa kami nakakarating ng may humarang nalang bigla sa amin, mga kulay itim na tila mga pirata.

"Bago kayo makapasok. Kailangan niyo muna kaming kalabanin." sabi ng pirata at tuluyang nagsilabasan ang ilan sa mga malalaking puno. Ang dami nila.

"This is interesting." sabay na sabi ng kambal at agad may kinuha sa mga bag nilang mga sandata at agad na lumusob sa mga pirata ng walang takot.

"Kiara and Hub! Cover Sivan. Siguraduhing walang makakalapit sa kanya." bilin ni Clifford at mabilis na nag-ibang anyo na agad ding lumusob sa mga pirata.

"Shit! We're screwed!"

Inilabas ni Kiara ang mga maliliit na patalim sa bag, pinalutang at walang awang pinagsasaksak sa dibdib ang mga pirata gamit ang kanyang telekinesis.

"Hub. Ikaw naman sa likod! Oh ito gamitin mo." sigaw ni Kiara. Itinapon ang maliit na sandata kay Hub at agad din namang lumusob si Hub sa aming likuran.

"They're protecting me. Nakakahiya wala man lang ako magawa." sabi ko sa sarili at may kinubli sa bag. Nakita muli ang eyeglass na bigay ni Kiara sa akin noon. Sinuot ko naman ito at nagpokus. This equipment did help boosting my senses.

"Isa, dalawa. tatlo, apat..." binibilang ko lahat ng mga pirata sa pamamagitan ng pagdama ng lupa at ramdam kong tila paubos na sila.

"Clifford sa likod mo." sigaw ko.

Unto my expectation. He immediately took action and crawl his inner monster, sucked his deadly hand inside the heart of the enemy and took it off without a piece of mercy. The enemy suddenly faded away as it face its death.

"Salamat." pagpapasalamat niya sakin matapos niyang paslangin ang pirata sa kanyang likod. Kahit papaano ay natuwa naman ako at nakatulong kahit unti.

"Wow. You can now sense the earth freely. Good job." bati ni Kiara na may halong pagkamangha. Nagpasalamat naman ako sa kanyang pagbati at hinubad na ang eyeglass. I'll put it on if needed.

Nagsimula muli kaming maglakad matapos maubos ang mga kalaban ng biglang nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya sa lupa, ng hindi maganda.

"Hub!" sigaw ko na agad na pumunta sa kinaroroonan niya. At kahit madilim ay napansin ko nalang na may mga dugo na sa kanyang katawan.

"Kasalanan ko ito." bulong ko at sinisi ang sarili.

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon