Magnitude X : XXXV

311 40 0
                                    


"The G's platoon!" I muttered.

"Bakit niyo kami sinusundan? Ano kailangan niyo sa amin?" tanong ko at hinanda ang sarili, maging ang tatlo kong kasama. Si Clifford ay nasa loob lang ng kotse, nagpaiwan at hinintay lamang kami.

"We are not here to fight Sivan. We are here to help, to help find Taller." sabi ng babaeng may itim na panyo sa ulo.

"Bakit? Anong nangyari sa kanya?" pagtataka kong tanong.

"He was caught by the Magno. I'm absolutely sure because I saw it in my both eyes." She interrogated vocally.

"May nakilala ka bang iba pang nahuli?" tanong ni Diego sa babae.

"Madami sila. At parang may di kanais-nais na ginawa ang mga Magno sa kanila. Nagulat na nga lamang kami na pati si Taller ay inaatake kami."

"Ano? Paano?"

"Muntik na kaming mahuli ng mga Magno, subalit niligtas kami ni Taller at nagpaubaya na lamang siya sa mga Magno upang maligtas kami. Babalikan sana namin siya subalit inatake niya kami bigla, parang hindi niya na kami kilala kaya umalis nalang kami." pahayag ng babae, bakas sa kanyang mukha na mukhang nagsasabi siya ng totoo. At tugma ang mga kwento niya sa mga nalalaman namin.

"Gusto niyo ba siya iligtas kaya kayo sumusunod sa amin?" tanong ni Hub.

"Oo pero alam naming wala si Taller doon." sagot ng babae.

"Paanong wala?" tanong ko.

"Maaaring wala sila sa Magnitude Arena dahil nagsisimula na silang maghasik ng lagim dito sa mundo ng mga tao. Ang pakay namin ay wasakin ang mga pamamalakad ng mga Magno, wasakin sila." seryoso niyang sagot.

Now it makes sense. Only the Z's platoon can't travel outside the Magnitude Arena unlike others. Others that are starting to ruin the place of mankind that were obviously controlled by the Magno.

"Ako nga pala si Marga. Siya naman si Jose at Mark." pagpapakila ng babae na si Marga. Si Jose na may tattoo sa leeg at si Mark na naka-shades na ngayon ay kanyang inalis at ngumiti sa amin.

Nawala ang ilangan ng lahat ng marinig ang pahayag nila at agad na bumalik sa kani-kanilang kotse at tinahak pareho ang daan papuntang Magnitude Arena, na ngayon ay nasa ilalim ng dagat ang lokasyon.

"Mapagkakatiwalaan ba natin ang mga yan?" tanong ni Clifford sakin.

"Siguro." pag-aalinlangan kong sagot. My weakness is I'm easily attached and trust people, not knowing their motives and automatically hooked by false information. Kaya ngayon sinisigurado ko na mga desisyon ko upang walang mapahawak sa sarili kong kapalpakan.

"Mapagkakatiwalaan man o hindi. Malamang ay kailangan natin sila. We're out-numbered, and having them could build our platoon stronger and won our plan." pahayag ni Alyza sa lahat. Tuluyan namang nanahimik si Clifford at pinatakbo na lamang ang makina ng kotse. Wala talaga siyang panama kapag si Alyza na ang nagsalita, sa babaeng napupusuan niya.

Nakaidlip na ang lahat maliban sakin at kay Clifford. Di ko kasi magawang makatulog sa sobrang daming pumapasok sa isipan ko.

Nakaramdam na lang ako na may yumayakap sa akin at si Diego iyon na katabi ko sa kaliwa. Nakasandal ang ulo sa balikat ko habang nakakulong ang kaliwang kamay sa aking katawan. Hinayaan ko nalang at tiningnan na lamang ang kanyang mukha habang mahimbing na natutulog.

"Diego." bulong ko sa kanya habang nilalaro ang kanyang malalambot na buhok sa ulo. Tanaw na tanaw ko ang maamo niyang mukha, matangos niyang ilong, makapal na kilay at mahabang pilikmata. Ang gwapo din pala talaga niya.

Hinalikan ko siya sa noo at bahagyang pinipisil ang kanyang malambot na pisngi sabay tawa ko na animo baliw.

"Mahal na mahal mo talaga siya no?" tanong ng katabi ko. Si Hub.

"Huh. Hindi. Kaibigan ko lang siya." mabilis kong sagot sabay tingin sa kanang direksyon niya.

Gising pala si Hub at mukhang nagmamasid lang sa aking ginagawa. Humarap naman siya patalikod at natingin na sa bintana. Nakaramdam naman ako ng pagkirot ng dibdib at di nalang siya pinansin.

Napapikit ng mata at di sinasadyang nakaidlip.

"Sivan gising na."

Marahan kong minulat ang mata ko at bumungad ang mukha ni Hub sa aking mukha ng malapitan.

"Gising na. Gisingin mo na din yang boyfriend mo." sabi ni Hub na ang tinutukoy ay si Diego. Napaismid naman ako sa sinabi niya at sinunod na lamang siya.

"Diego bangon."

"Gusto ko pa matulog."

"Baliw wala ka sa bahay niyo. Nasa misyon tayo ngayon." sabi ko at agad naman siyang napadilat ng mata at bumangon bigla. Natawa nalang ako.

Agad na kaming bumaba lahat sa kotse at natanaw silang lahat.

"Sino 'yang kasama niyo?" pagtatakang tanong ni Diego kay Marga, ang babaeng may panyo sa ulo na kasabay namin sa mahabang byahe. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ng mata ni Diego at nasilayan ang babaeng hindi pamilyar sakin.

"Isa siyang malaking susi para magwagi tayo sa ating plano." sagot ni Jose na may tattoo sa leeg.

"Anak siya ng mag-asawang kabilang sa Z's platoon. At ang pangalan niya ay Maureen." dagdag ni Mark na ngayon ay nakasalamin sa mata.

Nagulat ang lahat maging ako sa nalamang balita galing sa kanila.

May anak pala ang myembro ng Z's platoon at kasama namin siya ngayon.

•••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon