Magnitude X : XIX

496 71 5
                                    

•••••••••••••••

"Bat ngayon ka lang nauwi huh!" bungad agad ni Kuya. Di ko nalang siya pinansin at agad na tinahak ang kwarto. Bahala siya kung magalit siya.

"Aba! Kung di kaya kita bigyan ng allowance mo! Total tapos na din naman semester nyo!" sigaw niya na abot hanggang hagdan ang alingawngaw ng boses.

Nagpatuloy lamang akong umakyat pataas sa kwarto at ni-lock ang pinto. Ang kailangan ko ngayon ay presence of mind.

Naalala ko naman ang pangingialam ko ng phone ni kuya at natuklasan ang kanyang tinatagong kamandag. Medyo awkward na tuloy ako sa kanya. Pero bahala na, mas nakakatakot naman ang mangyayari sakin kapag di ako nakahanap ng paraan para magwagi sa susunod na kompetisyon kaysa kay kuya Renzy.

Kinuha ko phone ko at nag-research ng mga nilalaman na related sa lupa, sa kapangyarihan ko. Buti may nahagilap akong source at binasa na maaari kong magamit ang putik, bato, at makagawa ng buhangin, at ang mas astig pa ay ang lindol.

"Wow. Pwede ko talaga magawa yon." sabi ko sa sarili ng biglang may nagtext sakin. Unknown number na naman.

"Hi." text galing sa unknown number. Buti at may natirang load pa ko at dali naman akong nagreply.

"Sino 'to?" text ko.

"I'm Andie. Can we be friends?" text niya. Bago ang pangalan sa paningin ko. Medyo interesado naman akong replyan siya ulit nagbabakasakaling katulad ko din siya.

"Pwede naman. Pero sino ka at ano ang pakay mo?" reply ko.

"Buksan mo facebook account mo." reply niya at agad naman akong nag-facebook at lumitaw ang pangalan niya sa friend request ko. Andie, subalit walang mukha ang display picture niya. Inaccept ko naman siya't ni-stalk. Halos puro magagandang tanawin lang nakikita ko sa timeline niya, mga malalawak na dagat, magagandang ilog at waterfalls.

Nag-pop sa facebook messages ang pangalan niya at nakalagay doon ay, "Sorry. Kung walang mukha dp ko. Can we meet tomorrow." Magrereply pa sana ako ng biglang umitim yong profile niya.

Di ko mapindot pangalan niya sa screen. Siguro ay nag-deactivated siya pero ang weird naman kung ganoon. Pero isa lang ang sigurado ako, she's one of us, a Man Havoc.

"Hoy! Buksan mo 'to." sigaw ni Kuya. Singaw sa loob ang lakas ng katok niya sa pinto. Ano na naman kayang masamang hangin ang pumasok sa utak niya at ayaw ako tigilan.

"Oh ano!" irita kong sabi pagkatapos buksan ang pinto.

"Aba! Sumasagot ka na ah!" sagot niya at agad akong hinila at hinagis sa kama. Problema ng lalakeng 'to.

"Lagot ka sakin." sabi niya at dinaganan ako. Tumama pa ulo niya sa ulo ko. Ansakit. Nakakainis ang kumag. Lakas ng trip.

"Ano ba Kuya! Umalis ka na nga dito."

"Ba yan! Naglalambing lang naman Kuya mo." sagot niya at bakas sa mukha ang pagtatampo, pero alam ko namang nagdadrama lang ang kumag. Alam ko nang kahahantungan nito.

"Oh ano kailangan mo?" sabi ko at agad na umalis sa mabigat niyang katawan at naupo sa kama.

"Wala naman. Dadating kasi girlfriend ko at tropa mamaya. Pwede bang huwag ka magsumbong kila Mama. Medyo mag-eenjoy lang kami." sabi niya sakin sabay ngisi. Magkakalat na naman siya dito sa bahay, mukhang mag-iinuman na naman silang tropa niya.

"Pa'no kong isumbong kita?" pananakot ko.

"Huwag. Sige dadagdagan ko allowance mo. Wala kasi kami mahanap na venue eh. Okay na kasi dito satin habang alam mo na, habang wala pa sila Mama at Papa." mahaba niyang pahayag.

Alam kong magagalit sila Papa pagnagkataong isumbong ko siya. My parents are very strict, ni kahit di umuwi ng isang araw ay magagalit, bawal din mag-inuman para sa kanila. Pero kahit ganoon, mahal na mahal ko sila Papa.

"Okay. Di na kita susumbong. Sige pwede ka na lumabas." sabi ko.

"Talaga? Pumapayag kana. Salamat baby boy." masayang ulat niya sabay halik at pisil sa pisngi ko. Ngayon niya nalang din ako tinawag ulit ng baby boy. Sus, mabait lang yan sa una, bukas babalik na din yan sa abnormal niyang ugali.

"I love you baby boy ko." huli niyang sabi sabay alis at tulak ng pinto. Medyo mapapaaga yata ang pagtulog ko nito at mamaya siguradong magiging bar ang bahay.

Lalabas na sana ako ng kwarto ng biglang nag-vibrate phone ko hudyat na may nag-text.

Number ni Andie.

"Meet tayo 10A.M sa 7/11 ng Lagro." text niya at agad ko ng pinatay ang phone. Sino kaya 'tong Andie na 'to. May nalalaman pang meet up.

Ibubulsa ko na sana ang phone ng mag-vibrate uli at sa di inaasahan ay pangalan ni Diego nakasulat sa screen.

"I miss you."

••••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now