Magnitude X : XXIV

433 66 3
                                    


Biglang may pumutok na baril hudyat na may nakarating na sa finish line. Kailangan na naming magmadali.

"Wait."

"Bakit?"

"Nararamdaman mo ba iyon Sivan?"

"Ang alin?"

Nahinto kami at maiging nagmasid sa paligid. Nandito pa din kami sa kalagitnaan ng maze nang biglang may pumutok ulit hudyat na may nakarating na din sa finish line. Dalawa na ang ligtas.

"Huwag ka maingay." sabi ni Alyza, hinablot ang kamay ko at nagtago sa mga malalagong halaman. Nag-iba naman ang kulay ng balat ko maging kay Alyza. Naging kakulay namin ang halaman at pinagmasdan lamang ang limang kalaban na paparating, di man lang kami nakita. Ang astig ng kapangyarihan ni Alyza.

Sa kanilang paglalakad ay bigla silang nahulog sa patibong at may gumuhong lupa sa kanilang inaapakan sanhi upang mahulog sila sa parang bangin, bigla namang bumalik sa dating anyo ang lupa at mukhang naipit pa ang lima, rinig ang huling hiyawan nila at tuluyan ng nilamon ng lupa sa ilalim.

"Patibong ng Magnitude 'yan. It's not a Man Havocs power." sabi ni Alyza na ang tinutukoy ay ang nangyari kanina. Bigla ko namang pinakiramdaman ang lupa at madami ngang patibong sa unahan.

"Sa kabila tayo dumaan." sabi ni Alyza at tuluyang tinahak ang kaliwang daan ng maze. Di ko naman ngayon maramdaman ang lupa na dahil sa tila gawa ng metal na ang bagong lugar.

"Sivan?"

"Oh! Asan sila?"

"Di ko alam eh." sabi ni Clifford at bahagya akong niyakap. Buti at nahanap niya ko. Napatingin naman siya kay Alyza subalit agad ko na hinablot ang dalawa at tumakbo na palayo.

"Wala ng oras para magpakilala pa kayo. Kailangan na nating umalis dito." sabi ko.

Tuloy tuloy ang putok ng baril hudyat na marami na ang nakarating sa finish line. Di ko na mabilang kung ilang putok na at tumakbo na lamang kami. At tuluyang napako sa bagong lugar at ramdam ko na ngayon ang lupa.

Biglang dumilim ang paligid at tila lumalambot ang lupa. Panibagong patibong.

"I can't moved my legs." batid ni Alyza subalit di ko siya makita sa sobrang dilim ng paligid. May naghihiyawan din sa unahan at mukhang nahulog din sila sa patibong.

"Sivan helped us." sabi ni Clifford.

Hanggang bewang na ang lalim ng putik at unti unti kaming nilalamon pababa. Agad ko namang ginamit ang lupa upang iakyat kaming tatlo at pinatigas ang lupang aming inaapakan.

"Salamat Sivan." pagpapasalamat ni Alyza at tinawag ang maraming alitaptap gamit ang kapangyarihan niya upang magsilbing liwanag sa daan. Di naman nakatakas ang iba at tuluyan ng nilamon ng putik pababa. Huli na, di ko na sila naabutan pa at naligtas man lang.

"Halika na." sabi ni Clifford at agad na kaming tumakbong tatlo, kasabay ng mga alitaptap. Narating naman namin ang bagong lugar at tuluyang na ngang lumiwanag at nagpaiwan na ang mga insekto sa dilim.

"Look who's here."

"Sh*t." ulat ko sa sarili. Napatigil sa pagtakbo at hinarap sila. Bigla naman sila nagtaas ng dalawang kamay na animo sumusuko.

"No. We're not here to fight Sivan. Perhaps we're eyeing on you." sabi ng babaeng may itim na panyo sa ulo kasama ang dalawang lalake.

Sila ang kumidnap sakin. Ka-platoon sila ni Taller.

"Goodluck, hope you'll make it. Bye for now." huling sabi ng babae.

Nagpakitang dilas ang tatlo at bumulaga ang malaking pakpak ng babae at tuluyang lumipad sa ere, ang dalawa naman ay parang mga cheetah sa sobrang bilis ng takbo palayo.

"Halika na at mauunahan pa nila tayo." sabi ni Alyza at tuluyan na nga kaming tumakbo. Nakakapagod.

Mga ilang minuto lang ay kita na ng aming dalawang mata ang malaking stage at ligtas na nakarating.

Biglang lumitaw ang mukha namin sa malaking screen sa taas kasunod ang mga numerong 86, sa akin, habang 87 si Alyza at 88 si Clifford. Buti at nakahabol kami.

Hinanap ko ang pangalan ni Kiara sa screen at number 8 siya. Ang kambal naman ay number 15 at 16, ang galing. Ang bilis nila.

"Si Diego wala pa." natatarantang ulat ni Alyza at hinihintay na may dumating na Man Havocs dito sa finish line. Only 7 slots remained, wala pa din si Diego.

"Congrats guys. We're complete as a platoon pa din." bungad ni JJ, na kasama ngayon ang kambal niyang si GG at si Kiara. Niyakap kami ni Clifford at binati.

Sa aming paghihintay ay tuluyang lumitaw ang katawan ni Diego sa malayo kasama ang isang lalake, at mukhang kilala ko ang kasama niya.

Ligtas silang nakarating at bumulaga ang mukha at pangalan nila sa screen sa taas kasabay ang numerong 97 si Diego, at 98 si Miguel.

Miguel pala ang pangalan niya.

"Akala ko di na kayo makakahabol." sabi ni Alyza at niyakap ang kanyang mga kasama. Natingin naman ang dalawa sakin, bakas sa mukha ni Diego ang saya habang tila nang-aasar naman ang kanyang kasama.

Si Miguel na tropa ni Kuya Renzy.

Siya pala ang nagsisilbing lider ng platoon nila, at siya ang nagnanais akong patayin dati base sa kwento ni Diego. Napakunot na lamang ako ng sariling noo at umalis na kasama ang aking platoon.

"Ba't kayo natagalan?" tanong ni Kiara.

"Medyo nahirapan kami unti." sagot ni Clifford.

"Only 100 left. At mukhang magiging maganda na ang susunod na laban." confident na sabi ni JJ.

I really admire the twins for having such a confidence, they're fearless. While Kiara has determination and eagerness, she's strategic and had a strong personally, she ranked 8 and I'm blown away.

Natingin ako ulit sa malaking screen sa taas ng stage at nakita ang pangalang kinatatakutan ko sa listahan.

1. Jorem.
2. Taller
3. Kim,
and so on.

Sh*t! That guy ranked second.

Nadagdagan ang pagkagulat ko ng masilayan ang sumunod na pangalang bumulaga sa screen.

100. Andie.

•••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWo Geschichten leben. Entdecke jetzt