Magnitude X : XXXIII

310 44 0
                                    

•••••••••••••••••

"Oh ito Hub, baka kailangan mo ng damit. Ito bigay ko nalang sayo, sayo na yan."

"Salamat po Kuya." masayang tugon ni Hub kay Kuya Renzy at tinahak na ni Kuya ang kwarto niya sa taas.

"Ang bait ng Kuya mo Sivan."

Of course, you saved him." sagot ko kay Hub na ngayon ay tinitingnan ang mga damit ni Kuya na ngayon ay sa kanya na.

Medyo nagiging mabait na nga si Kuya pagkatapos mangyari ang di inaasahang aksidenteng kanyang natamo.

Biglang lumitaw sa pinto si Mama at Papa na kakarating lang. Nilapitan ko naman sila at niyakap ng mahigpit.

"Pa, buti nakauwi kana. San ka ba galing?"

"Naghahanap ako ng pangtustos para sa kuya mo. Salamat naman at magaling na agad ang Kuya mo."

"Oo nga, himala ang pagbilis ng recovery sa Kuya mo anak. Talagang walang imposible sa mata ng Diyos." ngiting sabi ni Mama.

"Magandang gabi po Ma'am at Sir." pagsali ni Hub sa usapin.

"Huwag mo na kong tawaging Ma'am, Hub. Di ka na iba sa amin."

"Siya ba ang nagligtas sa Kuya mo Sivan?" tanong ni Papa.

"Opo Pa." mabilis kong sagot.

"Mabuti naman kung ganoon. Salamat sa iyo gwapong bata." ngiting sabi ni Papa. Nagtawanan naman kami at nag-usap na lamang ng makabuluhang bagay.

"Oh kailangan na nating matulog mga anak, tama na ang kwentuhan." sabi ni Papa, bakas sa mukha na inaantok na maging si Mama.

"Sige mga anak, una na kami sa kwarto.  Kayo na bahala dito." sabi ni Mama at tinungo na nilang dalawa ni Papa ang kwarto. Kami nalang ni Hub ang naiwan.

"Paano ba yan tayo nalang dalawa. Anong gagawin natin?" tanong ni Hub, hinihintay akong magsalita.

"Siguro nga ay matulog na din tayo. Mukhang pagod na din ako." pag-aalinlangan kong sagot.

Awkward pa din ako kay Hub hanggang ngayon dahil sa narinig kong usapan nila ni Diego kahapon. Kung pwede lang ibalik ang kahapon ay sana di nako nanilip at nakinig pa sa kanila.

Pinatay na nga namin ang lahat ng ilaw sa baba at umakyat na pataas at narating ng sariling paa ang kwarto.

"Dito nako sa baba matutulog."

"Huwag. Pwede ka naman tumabi sakin eh, malaki naman ang kama."

"Ah eh baka masikipan ka."

"Hindi yan, tsaka gusto din naman kitang katabi." diretso kong sagot ni hindi na pinag-isipan pa. Agad namang dumaloy ng magaan sa utak ko ang binigkas ng aking bibig at agad na gumawa ng dahilan.

"I mean, para safe na din. Baka biglang may kalaban diba." dahilan ko at inayos na lamang ang kama.

Pagkatapos ay nahiga na pareho. Nakatalikod ako sa kanya.

"Hub, Paano pala kayo nagkakilala ni Andie?" tanong ko. Bigla nalang kasi pumasok sa isipan ko kung bakit at nais ko ding malaman.

"Magkaibigan kami dati ni Andie. Sobrang makulit pa siya noon at masayang kasama. Subalit biglang naglaho ang nakasanayan kong ugali niya ng mamatay ang magulang niya. Pinatay ng mga Magno."

"Sabi ni Andie sakin, may nanalo daw sa Magnitude Arena dati at ikaw yon. Pero sabi niya pinapapatay ka daw ng mga Magno totoo ba?"

"Pinapahirapan ako ng mga Magno dahil sa ayokong sumunod sa nais nila. Mga demonyo sila. Kaya ayon bigla na lamang akong naglaho nang parang bula na akala ng lahat ay patay na ako subalit nagtago lang ako sa tulong ni Zaco."

"Buhay ka na pala dati at binuhay ka ulit ni Zaco?"

"Oo at binigay niya ako sayo. Kasi isa ka din sa mga espesyal na Man Havocs. Taglay mo ang kapangyarihan ng lupa." sabi niya.

Nadagdagan ang kaalaman ko sa mga nakaraan at mga nangyayari sa Magnitude Arena. Naisip ko naman si Taller, taglay niya ang apoy at mukhang kumpleto na kaming apat na may taglay nang mahiwagang kapangyarihan.

"Si Taller kilala mo ba?" tanong ko.

"Hindi bakit?"

"Siya kasi ang may taglay ng apoy."

"Paano mo siya nahanap?" gulat na tanong niya at biglang napaupo sa kama. Naupo na din ako at itinuloy ang kwento.

"Nagpakilala siya sakin. At iyon, sabi niya siya daw makakatapat ko sa laban." dagdag ko.

"Mukhang katulad mo din yata siya. Isang baguhan din." sabi ni Hub.

"I don't think so. Mukhang malakas kasi siya at sobrang bihisa na sa paggamit ng kapangyarihan niya. Napatunayan niya yon noong nagkita kami at nilabas niya ang kanyang tinatagong abilidad."

"Sa lahat ng kapangyarihan. Apoy ang pinakadelikado, at sinumang nagtataglay nito ay matapang at mahirap paamuhin."

"Pero pwede naman natin siya maging kaibigan diba."

"Sana." huli niyang sabi at nahiga na muli. Nahiga na din ako patalikod at binalutan ng kumot ang katawan.

"Sandali. Huwag ka muna matulog."

"Bakit?" curious kong tanong.

"Halikan mo muna ako." sabi niya. Hinagis ang kumot ko palayo. Humarap naman ako at tiningnan siya ng masama.

"Baliw matulog kana." sabi ko at pilit inaabot ang kumot subalit inilalayo niya.

"Ayaw, halikan mo muna ako."

"Bahala ka nga diyan." sabi ko sa sarili. Niyakap niya naman ako bigla ng mahigpit at hinawakan ang dalawang kamay ko at tinulak sa kama. Pumaibabaw siya sakin.

"Hub! Pakawalan mo nga ako."

"Akala ko ba mahal mo ko pero bakit ang pakipot mo." pang-aasar niyang sabi.

"Pakipot ka diyan. Wala ako sa mood ngayon." seryoso kong sagot.

"Andaya naman." sabi niya at agad akong pinakawalan. Nahiga naman ulit siya na nakatalikod sakin. Natawa nalang ako. Nagtatampo siya.

Niyakap ko nalang siya patalikod at hinalikan siya sa pisngi. Humarap naman siya sakin at agad ako sinunggaban ng halik. Wala na akong palag pa at sinabayan na din siya at ninamnam ang maligayang sensasyon na bumabalot sa aking katawan.

••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now