Magnitude X : XVII

538 72 5
                                    


"Aray! Ang sakit." sigaw niya. Namimilipit sa sakit na iniinda. Buti nga.

Nakatakas naman ako sa kapangyarihan niya at pasimpleng umupo sa tabi niya na tila walang nangyari.

"Ang sakit. Bakit mo ginawa iyon?" irita niyang sabi sakin. Nakatingin pa din sa amin ang lahat ng tao.

Inapakan ko lang naman ng malakas ang kaliwang paa niya. Sana na divert yong pag inda niya ng sakit sa paa dahil sa paghalik ko sa kanya na di ko naman talaga ginawa. It's him who was controlling me and now I'm free on his trap.

"Totoo 'yon Sivan. Kayo na?!" gulat na tanong ni Yanna habang subu-subo na ang pagkain ngayon.

"Galing namin magbiro diba." masigla kong sabi at pasimpleng niyakap sa braso si Diego.

"We're friends now. Close friends." dagdag ko sabay tingin sa mga mata ni Diego. Nakuha niya naman ang nais kong iparating at nakisabay na din sa daloy, kundi makakatikim siya sakin.

"Oo hehe." maikling sagot ni Diego at pinagpatuloy na din ang kinakain.

"Yanna. Alis muna kami ni Diego pala, may pupuntahan lang saglit." sabi ko kay Yanna.

"Ah sige. Mauuna nalang din ako uuwi." sagot niya. Buti di na siya gaaanong nagtatampo. Nilibre ko na kasi siya at ayon bumalik ang dati niyang sigla. Food is life ang motto ni taba.

Siniko ko si Diego hudyat na aalis na ako at sumunod naman siya sakin. Dito nalang kami dumaan sa likod para di ako makita nila Clifford baka mag-isip pa sila ng masama, tiyak magagalit yon pagnagkataon.

May nakita akong bakanteng room at agad na pumasok. Hinila siyang buong pwersa at sinuntok bigla subalit nakailag siya. Sinuntok ko naman siya ulit gamit ang kaliwang kamao subalit nahawakan niya ang aking kamay at hinigit palapit sa katawan niya.

"Anong gagawin mo ah? Sasaktan moko. Diba mahal mo ko." sabi niya. Amoy ang mabango niyang hininga.

Agad ako lumayo sa kanya at nanlisik bigla ang aking mata sa narinig. Litaw sa mata ko ngayon ang umuusok na galit sa kanya. Medyo gumagalaw naman ang lupa at mukhang naalarma siya.

"Wait. I was just joking." paghihinahon niya.

"Joke? Eh gago ka pala eh." Lilipad na sana ang bato papunta sa mukha niya ng pigilan niya kamay ko.

"Gago ka! Bitawan mo ko." sabi ko at gagamitin na sana ulit ang kapangyarihan ko ng bigla siyang nag-taas ng dalawang kamay na animo sumusuko.

"Sige! Gusto mo yata akong patayin eh. Gawin mo na gusto mo. Di ako papalag." panghahamon niya habang nakataas pa din ang kamay niya sa ere. Nanumbalik naman ang katinuan ko at normal na dumaloy ang isipan at natauhan bigla.

Medyo magulo na ang bungkal ng semento sa room dahil sa aking ginawa. Lagot ako pag may nakakita nito. Mabilis ko namang pinagalaw ang bawat semento sa tamang ayos at hinarap ulit siya.

"Ano sige! Para naman makabawi ka na sa mga ginawa ko sayo." dagdag niya, kita sa mga mata niya ang sensiridad. Wala nakong nagawa kundi yumuko nalang. Naduwag.

"Bakit mo to ginawa sakin? Bakit mo ko iniwan nalang bigla." sabi ko na ang tinutukoy ay yong dati. Yong dating kami.

"Iniwan kita kasi di tayo bagay." sagot niya habang ako'y nakayuko lang, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Wala kasing closure yong paghihiwalay namin. Masakit sakin na bigla nalang siyang umiwas at di nagparamdam at ngayon babalik siya at sasabihing mahal ako. Napakalaking kasinungalingan.

"Iniwan kita kasi may misyon ako. May dapat gampanan dahil di ako ordinaryong tao. Di ko masabi-sabi sayo dahil bawal, malaking eskandalo. Kaya iniwan nalang kita bigla. Pero nang nalaman kong pareho lang pala tayong Man Havocs, nahiya ako. Nahiya na bumalik sayo baka saktan lang kita ulit at ayoko mangyari 'yon."

"Masaktan? Eh ngayon ba di ako nasasaktan ah!"

"Ang daming nangyari sakin Sivan. Masakit sakin na iwan ka. Masakit sakin na gusto kang ipapatay ng grupo ko. Kaya nung papatayin ka na sana ni Miguel eh naligtas kita at sinabi kong ako nalang bahala sayo at binilin ka kay Alyza na pagalingin at huwag sabihin sa grupo ko kundi malalagot ako." pagpapaliwanag niya.

Siya pala ang nagligtas sakin dati at si Alyza na medtech student. Sa narinig ko ngayon, di ko alam kung ano magiging reaksyon ko.

"Sayang at di kita agad nakilala. Sana kagrupo kita ngayon pero di na pwede. Nung nakita kita sa Magnitude Arena. Kinabahan ako para sayo, pero natuwa ako kasi nanalo ka at ang galing mo. At nung lumabas ka, sinundan kita para batiin subalit ang sakit para sakin na makita kang umiiyak, at mas lalong masakit sakin dahil iba na ang iniiyakan mo, napaisip tuloy ako kung may natitira pa ba akong puwang sayo. Pero nung niyakap kita at hinalikan, at mas ikinalundag ng puso ko ay hinalikan mo ko pabalik. Ang saya ko nung di mo ko tinulak, kasi doon ko naramdaman na may puwang pa pala ako sa puso mo." pahayag niya.

Naiyak na lamang ako sa mga narinig at nalaman kung bakit niya ako iniwan. Naiiyak na natutuwa, natutuwa dahil akala ko iniwan niya ko dahil sa di niya ko mahal, naiiyak kasi huli na ang lahat. Kalaban ko na siya, di ko siya ka platoon. Di ko siya makakasama sa bawat laban namin. Huli na kasi masyado ng kumplikado, andami ng nangyari para ibalik pa ang nakaraan.

Di pa din ako nagsasalita. Ewan ko ba. Pakiramdam ko pag may sasabihin ako baka dadagdag lang mga sasabihin niya at sasakit lang ulo ko kakaisip. Mas okay na 'to. At least alam ko na kung bakit niya nagawa 'yon.

"Sivan. Mahal mo pa ba 'ko?" tanong niya. Napabuntong hininga na lamang ako at nagsalita na.

"Pinipilit ko. Pinipilit kong di ka mahalin. Kasi alam kong gagamitin mo lang ako. Gagamitin para manalo platoon niyo at mapaslang kami." sagot ko at agad na tumakbo palayo. Di na ko nagpaalam pa kasi ayoko na marinig mga sasabihin niya. Pakiramdam ko kasi magiging mahina ako pag may marinig pa kong iba, pag marinig kong mahal niya nga ako, na mahal niya pa din ako. Pero baka assuming lang ako kung iisipin ko pa 'yon.

"Ang corny. Bakit ba ko umiiyak." sabi ko ng tuluyan ng makalayo. Natatawa na lamang sa sarili sabay pahid ng luha sa pisngi.

Babalik na sana ako sa canteen nang biglang nandilim nalang ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.

•••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaKde žijí příběhy. Začni objevovat