CHARACTERS

516 66 2
                                    

••••••••••••••••••••

This is an extra part. Nilalaman nito ang mga katangian ng karakter sa nobela upang lubusang makilala ang bawat karakter.

Sivan - Land. Kayang makaramdam ng mga bagay sa pamamagitan ng lupa, sa tulong nito ay maaari niyang makita ang mga nangyayari sa paligid. Kayang makagawa ng mga bagay gaya ng sandata, patalim, pagalawin ang buhangin at maging putik basta related sa lupa ay pwede niyang makontrol. Kayang mapagalaw ang lupa, maaaring lumindol subalit ang kapangyarihan na 'yon ay di pa lubusang bihasa ng bida na gamitin dahil di pa kaya ng enerhiya niya.

Hubby o Hub - Di pa tukoy ang kapangyarihan niya. Subalit malapit siya sa puso ng bidang si Sivan. Gawa siya sa wax at di siya pangkaraniwang tao. Nagmula siya sa bato na naging tao.

Clifford - Normal, strength, kaya niyang mag-ibang anyo. Maging isang wolf na mabilis at malakas. Matalas ang pangingisip at anumang tatama sa kamao niya at matutulis niyang kuko ay tiyak na mapapatumba sa lakas ng pwersa nito. Nagsisilbing lider sa grupong B's platoon.

Kiara - Psychic. Kayang makabasa ng nilalaman ng isipan. Lahat ay napapagalaw niya subalit limitado lamang at di ang mga bagay na mabibigat na di kaya palutangin ng kanyang isip. Mental telekinesis.

GG at JJ - Ghost, kambal na kayang maglaho at dumami. Nakakalakbay sila sa daan ng di nakikita. Dumadami din sila at nakakagawa ng clone gawa ng kapangyarihan subalit limitado. Kaya nilang makapasok sa isang katawan, kaya din nilang patayin ang isang nilalang sa pamamagitan ng pagpasok sa panaginip nito, wild sleep paralysis.

Yanna - ang bestfriend ng bidang si Sivan. Isang cute na babaeng may katabaan.

Zaco - ang tagabantay ng mga immortal. Lahat ng Man Havocs ay may tagabantay subalit iisa lang ang misyong nais iparating sa mga binabantayan nila. Mapasama man ito o mapabuti, sila'y laging nakaagapay sa lahat ng kanilang binabantayang squad.

Diego - Poison, ang nakaraang pag-ibig ng ating bidang si Sivan. Kaya niyang patayin ang isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling dugo at laway. Sa simpleng halik niya ay maaaring makapatay. Kaya niya din gumawa ng mga bomba, poison bomb, potion at iba pa. Sa pamamagitan din ng kapangyarihan niya ay kaya niyang mapaibig ang isang tao at makontrol ito subalit may hangganan din kapag ubos na ang oras ng kanyang potion. Madaming bagay ang kayang gawin ng kapangyarihan nito.

Alyza - Leaf. Medtech student. Kaya niyang magpagaling ng isang nilalang gamit ang mga halamang gamot sa mabilisang paraan. Mahal niya ang kalikasan kaya't mahal din siya nito at tinutulungan siya nitong gabayan at palawakin pa ang kapangyarihan. Kayang mapaamo ang mga mababangis na hayop sa kagubatan. Lahat ng hayop, insekto, at anumang wild species ay napapaamo niya.

Miguel - Bagong karakter. Di pa tukoy ang kapangyarihan subalit isa siya sa lider ng C's platoon, myembro niya sila Diego, Alyza at iba pa.

Taller - Fire, bagong karakter. Lahat nagagawa nito sa pamamagitan ng apoy, isang malakas na nilalang na posibleng makalaban ng ating bida. Lider ng G's platoon.

Dagdag Kaalaman

• Ang pangalan ng platoon o grupo ay maaaring magbago. Depende sa lakas at experiences. Halimbawa - ang platoon nila Sivan dati ay B's platoon subalit maaaring magbago ito at maging C to Z, depende sa lakas ng kapangyarihan nila at pagiging bihasa ng grupo.

• Marami pang bagong karakter ang magpapakita. May maglalaho at may dadating.

Platoon - grupo.

Man Havocs - tawag sa mga di ordinaryong nilalang na ang ibig sabihin ng havocs ay destruction.

Magno - tawag sa mga awtoridad o namamahala sa Magnitude Arena.

• Apat na magigiting na kapangyarihan. Lupa, apoy, tubig, at hangin. Taglay ni Sivan ang lupa at ni Taller ang apoy. Sinu-sino naman kaya ang magtataglay ng tubig at hangin? Sundan sa susunod na kabanata.

Hanggang dito na lamang, ito'y sadyang ginawa para dagdag inpormasyon sa lahat ng mambabasa na medyo nalilito at nakakalito nga naman sa dami ng karakter pero sa tulong ng part na ito ay mabibigyang linaw ang lahat. Salamat sa pagbabasa.

•••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaOnde histórias criam vida. Descubra agora