Magnitude X : XXX

377 52 3
                                    

••••••••••••••••

"Bangon na mahal ko."

"Eh ayoko pa."

"Dali na at pupuntahan pa natin si kuya mo."

Hinablot niya paalis ang kumot ko at tumalon bigla sa kama. Napaliyad naman ako at sinadyang tapunan siya ng unan na sakto namang tumama sa mukha niya.

"Tama na mahal ko. Bangon na."

"Mahal ka diyan!" irita kong sabi.

"Diba sabi mo mahal mo ko."

"Na misheard mo lang 'yon."

"Kabisadong kabisado ng utak ko ang sinabi mo kahapon. At yon ang pinakamasarap na salita ang narinig ko sa buhay ko."

"Drama mo. Umalis ka na nga. Maliligo na muna ako."

"Sama ako."

"Baliw."

Lumabas na siya at sinabi kong hintayin niya nalang ako. Dito na muna magpapalipas ng mga ilang araw si Hub. Pinayagan siya ni Mama na dito muna tumira, utang na din sa pagsagip niya sa Kuya ko.

Sa ngayon ay malubha pa din ang kalagayan ni kuya pero mukhang mapapadali nalang ang paggaling niya, sana, dahil tutulungan siya ni Alyza na mas mapabilis ang pag-agap ng mga natamong sugat ni Kuya.

Ang swerte ko at sobrang bait ni Alyza, kahit sa maikling panahon ko pa lang siyang naging kaibigan.

"Tapos ka na ba?" sigaw ni Hub, malapit sa pinto.

"Di pa. Hintayin mo nalang ako sa baba." sagot ko at agad na naligo.

Pagkatapos ay masiglang bumaba at muling nasilayan ang napakagwapong mukha ni Hub. Ang gwapo niya talaga.

"Ang tagal mo ah." sabi niya. Napapakamot pa sa ulo.

"Anong matagal? Mabilis na kaya iyon."

"Sana kasi sabay na tayo naligo. Para mas mabilis." sabi niya na tila nang-aakit. Binatukan ko naman siya at umalis na ng bahay. Ang lalakeng 'to ay isang temptasyon na kailangan kong pigilan.

"Hintayin mo ko." sigaw niya at ni-lock na ang pinto.

Pupunta kami ngayon sa hospital kung saan nandoon si kuya at kami na muna magbabantay sa kanya. Para na din makapagpahinga si Mama. Si Papa naman ay di ko pa nakikita hanggang ngayon.

Nagvibrate ang phone ko hudyat na may nagtext at binasa.

From Alyza : Nandito na ako sa hospital kasama sila Clifford at Diego. Ikaw asan ka na ba?

Nagreply agad ako.

From Sivan to Alyza : Sige papunta na ako diyan.

Pagkatapos ay inilagay na ulit sa bulsa ang phone at nagpara ng taxi na masasakyan patungo doon para mapadali.

"Hub? May naalala ka ba sa nangyari kay kuya?" tanong ko, na nasa loob na ngayon ng taxi.

"May kasama yata kuya mo eh. Pero di ko kilala. Bigla nalang kasi nawala di ko na natukoy kung sino." sagot niya.

Nagtataka kasi ako. Wala naman kami kotse at wala naman akong balitang narinig na marunong magmaneho ng kotse si Kuya.

Di ko naman di maatim na pagbintangan si Miguel na siya ang kasama ni Kuya, at may posibilidad na siya ang may gawa nito kay Kuya. Si Miguel lang naman ang kilala kong tropa ni Kuya na Man Havocs. At kung siya nga, posibleng nakatakas siya sa Magnitude Arena at buhay pa.

"Sivan? Si Mama mo lang ba nandoon sa hospital ngayon?" tanong niya.

"Oo at sila Alyza." sabi ko at may naalala bigla. Sh*t! Di pa pala nila alam na kasama ko si Hub ngayon. Magiging awkward pag nagkita sila ni Diego at baka mas lalong magalit sakin si Clifford.

"Maghihintay nalang ako sa labas. Ikaw nalang muna pumunta." sabi niya.

"Hindi! Sumama ka nalang. Alam kong magtataka sila pero magpapaliwanag naman tayo diba. And I know them, di naman yata sila magagalit at maiintindihan ka nila."

"Hindi naman kasi ako nag-aalala sa sarili ko eh. Nag-aalala ako para sayo." sabi niya. Pumantig naman ang puso ko sa sinabi niya at nangiti ng patago. Sh*t! Kinilig ako don.

"Sus, hindi yan. Hwag ka mag-alala magiging okay din ang lahat." sabi ko.

Maya maya'y narating na nga namin ang hospital at bumaba na. Kinakabahan man ay tinahak na naming dalawa ang room ni Kuya at tuluyang nakita ang tatlo kasama si Mama.

"Oh anak. Ikaw na muna magbantay sa kuya mo ah. Kailangan ko ng umalis." bungad ni Mama.

"Sige po ma masusunod po. Ingat po kayo." sabi ko kay Mama sabay halik sa malambot niyang pisngi.

Tinahak na ni Mama ang labas at naiwan kaming anim kasama si kuya.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob, tila walang gusto magsalita kaya inunahan ko na sila.

"Guys. Si Hub."

"Bat nandito yang lalakeng 'yan?" mabilis na tanong ni Clifford, pinipigilang di makagawa ng eskandalo. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at inis na makita si Hub.

"Let me explain first Clifford." sabi ko. Napabuntong hininga at nagsalita ulit.

"I think this is the right time to say this, may mali sa Magnitude Arena. I should have said this earlier but I have no concrete evidence and seeing Hub again, explaining what really happened behind the scene is enough. Ginagawa lamang tayong laruan ng mga Magno. The Z's platoon, hindi sila masama. Kinokontrol lamang sila para kalabanin tayo, si Andie at Hub ay biktima din. Subalit si Hub lang ang nakawala sa patibong nila." mahaba kong pahayag.

"Tama nga ang kutob ko. Kaya pala di makawala wala ang Z's platoon sa Arena na 'yon dahil sa kinokontrol sila." pagsali ni Alyza sa usapin.

"So posibleng di pa patay sila Kiara?" tanong ni Clifford. Nagbabakasali.

"Posible. Dahil paniguradong gagawin silang puppet ng mga Magno. Pero kung nakatakas man sila sa loob, may tsansang buhay pa nga sila." sagot ni Hub kay Clifford na ngayon ay medyo bumabalik na sa dati niyang sigla. Pansin ko namang medyo awkward ang atmosphere sa pagitan nila Diego at Hub. Tanaw ko ang masamang tingin ni Diego kay Hub at di man lang siya umiimik.

"Hub pwede ba tayong mag-usap." sabi ni Diego at agad na lumabas, sinundan naman siya ni Hub at tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Ano kayang pag-uusapan ng dalawa.

••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon