Magnitude X : XXXXV

223 20 0
                                    


"She didn't Sivan." Kiara vocally said and throw me a striking look. At mukhang binabasa niya na naman ang nilalaman ng utak ko.

Kahit nakakainis minsan ay namiss ko din ang panghahalungkat niya saking isipan. Ang weird pero siguro ay nakasanayan ko na.

"He's now breathing. Ang galing." wika ni Hub, bakas sa mukha ang paghanga sa ginawa ni Alyza.

"Mga ilang minuto babalik na din siya sa dati niyang alindog. Kailangan niya muna ngayon ng unting pahinga." sabi ni Alyza sa amin, pagkatapos ay mabilis na umalis ang kambal sa katawan ni Miguel at naging anyong taong muli.

"Good job twins." tugon ni Alyza sa kambal na ngayon ay bakas ang ngiting gumuguhit sa kanilang mga labi. Nag-apir naman ang dalawa at natuwa sa balitang natanggap.

"Sabi na nga ba eh, may solusyon para diyan." masayang ulat ni JJ.

"I know right because it's my idea." pagmamayabang ni GG.

"Edi ikaw na." mabilis na sagot ni JJ, nakapamiwang pa at salubong ang dalawang kilay. Nagtawanan naman kaming lahat pareho sa kakulitan ng kambal.

Na miss ko din ang ganitong senaryo, pero sa ngayon ay digmaan muna ang paghandaan.

Mga ilang minuto ang lumabay ay bigla nalang kami nakarinig ng ubo galing kay Miguel. Mabilis na bumangon sa kanyang pagkakahiga sabay tingin sa paligid na animo nawawala.

"Nasaan ako?" tanong niya sa kawalan.

"Ligtas ka na Miguel." masiglang bati ni Alyza sabay yakap sa kanyang kaibigan, sa lider ng kanilang platoon.

Bakas pa din sa mukha ni Miguel ang pagtataka subalit unti unti naman siyang natatauhan at mukhang napapaisip ng taimtim.

"Fuck those Magno! Sila may gawa sakin nito. Sorry talaga kung inatake ko kayo." biglang bulalas ni Miguel at paghingi ng paumanhin sa amin sabay yuko ng kanyang ulo.

"Naalala mo ang nangyari?" pagtatakang tanong ni Kiara.

"Ang bilis naman kung ganoon. Sa akin kasi mga oras ang lumisan bago na-process ng utak ko ang mga nangyari. And I feel sorry for what I did Sivan, Hub, and Alyza." dagdag niya at humingi din ng pasensya.

"Sorry din. Di namin sinasadya ang ginawa namin." paghingi din ng patawad ng kambal na ngayon ay nakayuko din tanda bilang pag-ako ng kasalanan.

"Ano ba kayo, ayos lang. Tapos na naman at hindi niyo naman kasalanan iyon." ngiti kong tugon upang pagaanin ang kanilang kalooban.

"Now that we had figured out how to escape on their trap, then we can win this." dagdag ko. Bakas sa mukha ang determinasyon sa sarili.

"Tama ka Sivan. May tsansa na tayong manalo. All we need is your compassion Alyza. Sana kayanin mong pagalingin lahat ng mga biktima ng mga Magno." ulat ni Hub.

"Of course. It's my duty." hirit ni Alyza ng may matamis na ngiti sa kanyang labi.

Buti nalang talaga at kasama namin si Alyza at nagawa niyang pagalingin ng walang kahirap-hirap si Miguel na ngayon ay nasa normal na ang takbo ng utak nito. She made impossible, possible effortlessly.

Muli nang nanumbalik ang dating sigla ng lahat at nawala ang awkwardness sa paligid. Nag-isip na lamang kami ng plano kung paano papatumbahin ang mga kalaban.

"We have only 10% of winning as of my observation." wika ni GG, bakas sa mukha ang pagkadismaya.

"Sobrang baba naman. Kaya natin sila patumbahin diba. Gawin na natin ngayon babawi ako." malakas na loob na ulat ni Miguel sabay tayo sa pagkakaupo subalit napangiwi ng maramdaman ang kanyang sugat sa leeg.

"You're not fully healed Miguel, and you don't know what our enemies can do." sabi ni Alyza kay Miguel.

"Siguro nga hindi lang 10% eh. I guess 5% of winning. Ang lakas nating lahat ay katumbas ng isang myembro ng Z's platoon." wika ni Kiara na ikinagulantang naming lahat.

"What? Are you serious?" pagtataka kong tanong at napanganga pa sa narinig mula kay Kiara.

"You're absolutely wrong Kiara. Sivan is not a mediocre anymore. He's a part of X's platoon. A rare group of Man Havocs because of his rare power." wika ni Hub na mas lalong nagpagulo ng utak ko.

"Hub's right Kiara. Don't underestimate Sivan. He can destroy this earth with his bare hands. Earthquake is an example." ulat ni GG.

"At hindi lang si Sivan ang kabilang sa X's platoon. Ikaw din Hub at si Andie. Taglay niyo ang mga kapangyarihang kayo lang ang mayroon." dagdag ni GG sabay labas ng kanyang mapuputing ngipin.

"Ibig sabihin ba noon kambal ay may tsansa na talaga tayong manalo?" tanong ni JJ sa kanyang kambal.

"Of course. And I was just joking earlier. The truth is we have 35% of winning. I calculated it and it's accurate. We just have to focus on the 35% and try not to think of remaining percentage which is 65." sagot ni GG at mukhang nakumbinse niya naman kaming lahat at nag-isip muli ng hakbang na gagawin.

"We have to take the easiest step. Una ay hanapin muna natin sila Andie, Clifford at ang iba pang mga Man Havocs na palagay natin ay buhay pa para mas lumaki ang tsansang magwagi tayo sa laban kung magiging kawani natin sila." sabi ni GG na nagsilbing lider sa lahat. Magsasalita pa sana siya ng biglang may umaalulong na parang ingay ng tren sa paligid. Sobrang lakas.

"Anong ingay yon?" pagtatakang tanong ni Miguel.

"Hindi ko alam." mabilis na sagot ni Alyza at ilang segundo lang ay may bigla nalang tumalon mula sa pinakatuktok ng puno at tuluyang nasilayan ang lalakeng matulis ang tingin sa amin.

"Ako ba hinahanap niyo?" tanong nito sabay labas ng kanyang mapanakot na ngiti at nagliliyab na mga apoy sa kanyang kamay. Si Taller.

"Sino yan? Kilala niyo ba yan?" tanong ni Kiara.

"I know him. He's Taller." pagboluntaryo kong sagot kay Kiara na ngayon ay nasa tabi ko.

Maya maya ay bigla nalang binato ni Taller sa amin ang apoy niyang hawak. Mabilis naman kaming nakaiwas at nagtago sa kabilang puno.

"Shit!" rinig kong bulalas ni Miguel sa biglang pag-atake ni Taller sabay labas ng kapangyarihan niya at gumawa ng bolang itim at itinapon kay Taller.

Naglabas din si Taller ng bolang apoy at itinapon din kay Miguel sanhi upang magtama ang kanilang kapangyarihan at makagawa ng maraming usok.

"Fuck! Ang lakas niya." bulalas ni Miguel sabay alis sa mga nagkalat na usok sa paligid. Mariin ko namang pinakiramdaman ang lupa at naramdaman kong hindi lang isa ang kalaban.

May lima pang nagtatago. At pamilyar ang kanilang mga enerhiya sa akin.

Hindi ako nagkakamali. Sila Clifford, Andie, Maureen, Jose at Marga iyon. At mukhang makakalaban namin sila.

"This can't be happening."

•••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu