Magnitude X : X

591 90 13
                                    

•••••••••••••••••••

"Remember focus Sivan." seryosong sabi ni Clifford. Ni-cheer naman ako ng kambal habang si Hub ay bakas sa mukha ang pag-aalala.

"We know you can do it. You are way stronger than us. Believe in yourself." pagbibigay ng lakas ng loob sakin ni Kiara. Pero wala pa din, tila lalabas na puso ko sa sobrang bilis ng tibok. Parang gusto kong maglaho nalang ng parang bula ngayon mismo.

"Remember your strength Sivan. Take care." sabi ni Hub na akma sanang yayakapin pa ako pero tinulak na ako ng kambal pababa.

Malakas pa din ang hiyawan sa loob.

"Hey boy! Pwede kang mamili ng sandata mo rito." sabi ng maskuladong guard na nagbabantay ng ring.

Ang daming sandata at patalim ang nagkalat sa aking harapan. Pinili ko nalang iyong alam kong magiging advantage ko. Isang matigas na hugis palakol na gawa sa bato.

"Kaya ko ito." saad ko sa sarili at ngayon ay tuluyan na akong nandito sa ring kasama ang ibang kalahok.

"Hey coward! You sure gonna die here." pananakot ng maskuladong katabi ko sa akin. Di ko nalang siya pinansin at hinanda na lamang ang sarili.

Nag-flash ang mga mukha naming sampu sa taas na mayroong malaking screen at sumunod ang katagang "let the battle begin", hudyat na magsisimula na ang laban.

I took a deep breath and ran as fast as I could to get rid of them. I draw a plan in mind to wait them kill themselves but unfortunately, someone's following me.

"Mamatay ka na ngayon." sigaw niya at akmang susuntukin na niya ako ng biglang may lumitaw matulis na bagay sa kanyang tiyan. Tinamaan siya nito sanhi upang matumba siya at tuluyang napaslang. An anonymous guy from a far shoot an arrow on our direction.

That was close.

Ligtas akong nakalayo sa kanila at nagtago muna saglit sa isang sulok.

"Anong gagawin ko?" tanong ko sa sarili. Di ko naman magawang mag-concentrate sa sobrang lakas ng hiyawan. Nakakabingi. Naiwan ko pa ang aking eyeglass. Lagot na.

Sa aking pagmamasid ay may napansin akong babaeng pinagtutulungan ng tatlong kalaban. Pansin kong humahaba ang buhok niya at pumilipit ito sa mga leeg ng tatlong kalaban na naging sanhi nang pagkamatay nila. Pagkatapos ay agad ako binigyan ng masamang tingin ng babae hudyat na ako na ang susunod niyang papaslangin.

"I have to focus." I muttered deeply.

Agad akong pumikit at naghubad ng sapatos para maramdaman ang buong presensiya ng lupa subalit wala akong maramdaman. Gawa sa bakal ang ring.

"I guess, you are my only chance for now." I whispered softly pertaining to my weapon that was made of solid rock.

Sa ngayon ay ang daming naglalabasan na mga buhok galing doon sa babae at walang takas ang iba. Hindi na ako nagpatumpik pa at mabilis na pinalawak ang imahinasyon at ginawang buhangin ang aking sandata.

"Good. Now it's working." sabi ko sa sarili habang hinihintay na matunaw ang sandatang hawak.

"I'm gonna win. You're gonna die now!" sigaw ng babae at inihagis ang buhok niya patungo sakin.

I dodged the first attack but was captured by her playful thick hair and it covered my arms tightly. It hurts.

Napasigaw nalang ako ng malakas. Namimilipit sa sakit. Parang madudurog ang braso ko sa sobrang higpit ng kapit ng buhok niya.

Ilang saglit na paghihintay ay mabilis kong pinalipad sa ere ang mga buhangin at ginawang mala-tornado. Nakatakas naman ako at napuwing siya sa mata maging ang mga kalaban.

Sa ngayon ay apat na lamang kami.

Kinontrol ko ang lahat ng buhangin at ginawang mga malilit na karayom.

"Needle sand! Take all of this!" sigaw ko at pinaulanan ang buong ring ng aking kapangyarihan. Lahat sila ay natamaan at naghiyawan naman ang lahat sa nasaksihan.

"I made it." I unbelievably muttered, still in a state of confusion.

"Now we have a winner. Let's give him a round of applause." The old man announced as he gave me the medal. A ticket for me to enter the next stage.

Napadako ang dalawang mata ko sa aking mga kasama sa audience seats at mabilis na bumaba at niyakap ako ng mahigpit ni Hub.

"Wow. You're so powerful Sivan. You're now improving." He said and suddenly kissed me in my right cheek. I left hanging with no words and felt butterflies in my stomach. My cheeks were becoming a tomato.

Nagtawanan ang lahat sa reaksyon ko at sinalubong ng nakakabaliw na ngiti ni Kiara.

"As I expected. You did a great job." Clifford congratulated me and gave a satisfying smile. Nagrambulan naman ang kambal at nakisali na din sa yakapan namin ni Hub.

"Salamat guys. Kayo din galingan niyo." sabi ko sa kanila.

"Syempre naman. Kaya sayo ako eh." sabi ni Hub. Hindi ko naman masyadong narinig iyong sinabi niya dahil sa lakas ng hiyawan.

"Ano sabi mo ulit?"

"Wala. Basta masaya lang ako at nanalo ka." masigla niyang sagot.

Pagkatapos ng maikling kasiyahan ay mabilis na kaming bumalik sa dating pwesto at naupo.

"You know what there's something about that guy." bulong ni Kiara sakin. Sinundot-sundot pa ang tagiliran ko.

"I think he likes you." hirit niya pa ulit. Napalunok na lamang ako ng laway.

"Talaga, paano mo nalaman?" tanong ko na medyo interesado sa topic. Buti at medyo malayo si Hub sa amin at hindi niya maririnig ang usapan namin maging ang mga kasama ko dahil na din sa walang humpay na hiyawan sa loob.

"I don't know. Instinct, I guess."

"Baliw di kami pwede. Lalake siya, lalake din ako."

"Nuh! You're not even straight." sagot niya. Para naman akong tinamaan ng ligaw na bala sa narinig na animo hindi nakailag. Natingin na lang sa ibang direksyon at napalunok ulit ng laway.

"Matagal ko ng alam ang pagkatao mo." bulong niya sakin, sapat lang para ako lang ang makarinig. 

"Sorry but I really like reading your mind because we seem to have a similar power. You can control, and I can. You can sense, and I do. Di mabigat magbasa ng isipan mo, di masyado nauubos enerhiya ko." mahaba niyang pahayag.

Tama nga siya medyo may pagkapareho ang kapangyarihan namin. But mine is limited, I can only control land unlike her, everything.

"No. Mas makapangyarihan ka pa din sa akin." sabi niya habang binabasa ang isipan ko. Hinawakan niya naman ang panga ko at binaling ang ulo sa direksyon ni Hub.

Di ko namalayang siya na pala ang susunod na lalaban. Tatayo na sana siya ng bigla ko siyang pigilan.

"Hub wait!" pagpigil ko at niyakap siya ng mahigpit, wishing him luck. Subalit hindi ko inaasahan ang kanyang responde.

"Bye Sivan."

••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ