Magnitude X : XXXXIII

238 22 0
                                    


Napaliyad na lamang ako pagkatapos umalis nina GG at JJ sa aking katawan. Hinihingal na parang aso.

"Ayan ang mangyayari sayo Sivan kung magpapadalos ka. Malakas ang kalaban, hindi natin sila kaya." wika ni Kiara na mukhang alam na sa sarili na ganoon ang mangyayari kapag lumusob kami bigla.

What happened earlier was a full package of imagination, a bona fide scene of the future. Buti nalang talaga ay imahinasyon lang ang lahat, kung hindi ay wala na ako dito sa mundo.

"Okay ka lang ba?" pag-aalala ni Hub.

"Oo. Hindi ko lang inaasahan na ganoon ang mangyayari." sagot ko sa kanya.

"Bakit ano bang nangyari?"

"Basta huwag mo na alamin." malungkot kong sagot at sumunod na lamang kay Kiara na nauuna ng umalis palayo sa mga kalaban, sa Z's platoon.

Buti at magandang ang pwesto namin at hindi kami maamoy-amoy at matatanaw dito.

Pasensiya na lamang Maureen at Marga, hindi namin sila matutulungan sa ngayon. Sobrang risky pero susubukan naming bawiin sila pag mayroon ng maayos na plano.

"Saan tayo pupunta?" pagtatakang tanong ni Alyza kay Kiara na mukhang naiinip na.

"Isang araw na tayong namalagi at nakikidigmaan dito. At sa ngayon ay kailangan na nating magpahinga." sabi ni Kiara na pumipitas ng mga dahon ng saging sa tabi habang naglalakad pa din.

"Kiara hindi ngayon ang oras para magpahinga. Nanganganib ang buhay ng ilang kasama natin at kailan na natin silang tulungan ngayon." walang pag-aalinlangan kong saad.

"Sivan. This place is unpredictable. It's now 11 o'clock in the evening and we need to get rest in order to restore our energy." JJ said directly onto me.

"The sun, the sky, the clouds are playing tricks on us. It's supposed to be dark this time but they made it lighter to confuse us." she added and simultaneously helped Kiara. Napadampot naman ako ng phone ko sa bulsa upang makasigurado at tiningnan ang oras.

11:02 P.M. na nga subalit mali ang nakikita naming liwanag sa ibabaw. Tama sila.

Maya maya ay narating na din namin ang isang sulok kung saan medyo malilim at ligtas na maaaring taguan. Tahimik na lugar kung saan malayo sa mga kalaban.

"Halika na Sivan. Kailangan mo na yata matulog. Mukhang pagod ka na." pagyaya ni Hub sabay lapag ng mga dahon ng saging at ginawang banig sa malambot na lupa, maging ang apat na inaayos ngayon ang magsisilbing sandalan sa kanilang likod.

Ilang saglit nga ay tuluyan na kaming nahigang anim, at katabi ko ngayon si Hub.

Siguro nga ay kailangan ko ding magpahinga at sobrang dami ng naubos na enerhiya sa aking katawan at pagod na ang sarili sa mga emosyong umiiral sa kalooban ko.

"Huwag ka mag-alala Sivan. Magtatagumpay tayo." biglang saad ni Hub at walang pasabing hinalikan ako. Paulit-ulit. Napangiti na lamang ako at pinisil ang kanyang malambot na pisngi pagkatapos.

"Aray!" pag-iinarte niya.

"Huwag ka ngang maingay. Baka maistorbo natin sila." bulong ko sa kanya na ang tinutukoy ay ang apat na mukhang mahimbing ng natutulog.

Magkatabi ang kambal sa kaliwa samantalang magkatabi naman sila Alyza at Kiara sa kanan. Pumagitna kami sa kanila.

"Alam mo na miss ko ito. Na miss kong katabi ka at kayakap." emosyonal na sabi ni Hub sabay tingin sa langit.

Medyo awkward para sa akin ang aming posisyon ngayon dahil na din sa liwanag sa taas na sana ay madilim nalang upang hindi kami makita sa ganitong ayos.

"At ngayon na solo na kita at wala na akong kaagaw. Gusto ko ngayon ay alagaan ka at protektahan." dagdag niya na nagpabalik sa aking sistema at pagsagi sa isip na wala na ang karibal niya. Si Diego.

Sana kung nasaan man ngayon ang kaluluwa ni Diego ay sana nasa maayos siyang kalagayan.

"Ang drama mo. Matulog na nga tayo." sabi ko sabay dampot ng malaking dahon ng saging sa tabi at ginawang kumot.

"Maya kana matulog. Halikan mo muna ako." bulong niya sa nakakaakit na boses. Lihim naman akong napapangiti na animo kinikilig sa mga paandar niya.

"Hub magtigil ka nga. Baka makita pa tayo nila Kiara."

"Wala akong pake. Bahala ka paghindi mo ko hinalikan. Ako hahalik sayo." panghahamon niya. Hindi ko naman sinunod ang nais niya at ilang saglit lang ay hinawakan niya na ang panga ko ng mabilis papunta sa mukha niya at mabilis akong hinalikan sa labi.

Hindi na ako nagpakipot pa at hinalikan din siya pabalik.

I felt the warmth and sincerity of his loved that really triggers me inside my chest. I start admiring him once and ended consistently, way over.

"I love you." He whispered in a soft tone, pulled me closely to his masculine body and hugged me tightly. A tight hug that I wouldn't want to depart.

"I love you too." I sincerely said back and kissed him again, passionately.

I loved Hub so much that I considered him as my vigorous and weakness. Hoping that this emotion coming from us will give us fully strength to an unanimous victory towards all the chaos and endless battle that we're facing in.

"I loved you more." he said, I'm out of words.

•••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ