Magnitude X : XI

601 88 7
                                    


Naalala ko nga di pala siya malakas kung ikukumpara sa amin. He is a mediocre. I remember when he saved me, he almost lost his life. At ngayon nasa ring na siya, di ko maiwasang di mag-alala para sa kanya.

"He's gonna be okay Sivan. Don't worry." Kiara said in a comforting tone.

I can't afford seeing Hub losing.

"Alam mo Sivan. Di naman siya tao eh. He's just a robot, mukha lang siyang tao. Zaco sent him to you to guide you. At mukhang nahanap mo na sarili mong kapangyarihan so you don't need him anymore."

"No Kiara! Hindi ganoon iyon." pag-angal ko sa kanyang sinabi.

"Do you like him?" sabi niya sakin sabay tingin ng diretso sa mata ko. I refused to look back. Pwede niya namang basahin yong isip ko. But I guess, she wanted me to confirm it.

"You know what Sivan. I can only read minds, but not the heart." wika niya sabay turo sa kaliwang dibdib ko. Napaisip tuloy ako ng mabuti. Do I really like Hub or I was just deceived by his look.

Kiara assumed earlier that Hub likes me. So maybe it was just a pure guess. She really can't read what's in the heart. At hindi rin magandang husgahan niya ang bagay, dahil magulo ang isip, hindi tulad ng puso, puro at sigurado.

Natingin muli ako sa ring at nagkakagulo na nga sila sa loob. Nakikita ko na nahihirapan na si Hub, tatlo nalang sila sa loob. Sana makayanan niya pa.

Tumakbo si Hub at sinaksak ang babae subalit nakaiwas ito. Sa sobrang bilis ng accuracy ng babae ay ilang segundo lamang ay biglang tinamaan ng matulis na bagay sa leeg si Hub.

"Hub!" Sigaw ko, lakas na loob na bumaba at pumunta sa ring. Hinarangan naman agad ako ng mga guards.

Sa eskandalong ginawa ko ay nakita ako ng babae at mas lalo niya pang diniin ang pagkakabaon ng kanyang patalim sa leeg ni Hub, sabay bitaw ng kanyang masuklam na ngiti.

"It's okay." Hub said. I couldn't hear his voice but I can read his lips saying it to me. Naiyak nalang ako habang tinitingnan siyang unti unting naglaho. His body is slowly turning into ashes.

"Sivan. It's okay. Ganoon talaga. May nanalo at may natatalo." bungad ni Kiara sa likod sabay yakap sakin. Sinundan pala ako nila at bakas sa mukha nila ang lungkot.

"He's not a human Sivan. So don't cry. Don't waste your tears."

"Wala akong pakealam kung hindi siya tao Kiara! Don't make it as an excuse para hindi ko siya iyakan!" matapang kong sumbat. Bakas sa mukha ng mga kasama ko ang pagkabigla sa aking inasta, maging ako sa sarili. Bigla tuloy ako binalutan ng hiya.

Hindi na ako nagpaalam pa at tumakbo nalang palayo, tinahak ang labasan at iniwan sila.

"Sivan!" hirit ni Clifford sakin subalit tuluyan na akong nakalabas. I just need some time.

"Bakit mo siya hinayaang mapaslang Zaco?" tanong ko sa himpapawid. Kahit na sobrang dilim at nakakatakot sa labas. I didn't tend to care, I just need to let out my frustration.

Mga ilang segundo ang lumabay ay nagpakita nga agad si Zaco sa tabi at kinausap ko siya ng masinsinan. Subalit, may bigla siyang sinabi na mas kinadurog ng puso ko.

"You are now becoming a strong Man Havoc. You don't need him anymore Sivan." sabi niya na kumukinang kinang pa ang buong katawan niyang ginto na nagsilbing ilaw sa paligid. Iyan din ang mga katagang sinabi sakin ni Kiara.

"Baka... baka hindi ako masanay. I know it's been too early to feel this way pero mukhang gusto ko na siya." I said it without hesitation. Alam ko namang siya ang tagabantay namin kaya mainam na sigurong maglabas ng hinanakit at nilalaman ng damdamin.

"Hindi tamang gustuhin mo siya. Gawa siya sa wax. Ginawa ko talagang pinakagwapo siya sa paningin mo at pinakamabait dahil intensyon kong ibigin mo siya." ulat niya. Medyo nainis naman ako sa nais niya palang mangyari.

"Ginamit mo lang pala siya para magmukha akong tanga?" inis kong tanong. Naiiyak nalang ako.

"Hindi, dahil hinahanda kita sa kasalukuyan. Na maaaring mawalan ka ng taong mahalaga sayo. Kaya hinahanda kita sa maaaring mangyari." pahayag niya at bigla nalang nawala na parang bula sa paningin ko. Di ko na inabalang tawagin pa siya at hinayaan na lang maglaho.

What she said was on point. Siguro nga, hinahanda niya lang ako, pero ang unfair pa din.

Naiyak pa din ako sa sulok at hinayaan na lamang lamunin ng kalungkutan ang sarili. Maghihilom din itong nararamdaman ko.

Ilang sandali ay nagpasya na ako na papasok nang biglang may humatak sakin sa likod at niyakap ako ng mahigpit.

"Na miss kita." bulong ng boses lalaking pamilyar sa aking pandinig. Humarap naman agad ako at nagulat nalang sa nasaksihan.

"Why is he here? I thought he left me." sabi ko sa sarili at niyakap ko nalang din siya at ninamnam ang sandali.

"Namiss din kita." sabi ko sa kanya sabay bitiw sa kanyang bisig.

Dahan dahang naglapat ang aming mga mukha at hinalikan nalang siya bigla, hinalikan niya naman ako pabalik at napapikit na lamang.

••••••••••••••••••

VOTE • COMMENT • SHARE

Magnitude ArenaWhere stories live. Discover now